Jollibee 94

1.6K 88 77
                                    

Soonyoung's

"Hyung, saan mo dinala si Jihoon hyung ah? Ba't 'di pa siya umuuwi."

"Nasa bahay."

Mukhang nagulat yung tatlo sa napaka-casual kong sagot. E ano ba ang mali? Nasa bahay ko naman talaga si Jihoon hanggang ngayon. Diba nga nakitulog siya ulit saakin kahapon, at hanggang ngayon nasa apartment pa rin siya.

Ewan ko ba. Pero parang wala ni isa saaming dalawa ang gustong mag-open sa topic about sa pag-uwi niya. Basta gumising kami kaninang umaga na ok lang. Parang kami. . . yung tipong pinagluto niya ako ng breakfast. Nag-usap kami, nagharutan (HIHI!) sa sala tapos inayos niya yung isusuot ko bago ako pumasok.

It feels like we're living with each other. At wala rin akong balak na pauwiin siya. Kahit maubos pa ang brief kong bago na hindi nagagamit dahil sakanya, ok lang. Kahit isang taon pa siyang magstay sa bahay, ok lang. Wag na siyang umuwi, ok lang din. Saakin na lang siya? Ok lang syempre.

Para naman quits since sakanya na ako.

"Hyung, anong nangyari? Bakit napakacasual mo na kay Jihoon hyung? Akala ko 'di pa kayo ok?"

"Oo nga Manager hyung! Diba 'di pa kayo ok ni repolyo hyung? Aba 2 days na ata siyang nakikitira sa'yo."

"Tanga hyung! Saamin nakatira si Jihoon hyung, nakikitulog lang siya sa apartment ni Soonyoung hyung. . . Pero hyung, ano nga bang nangyari?"

"Lumingon ako e."

Napangiti ako nang maalala ko na naman yung pauso niyang yun. Inamin din niya saakin na trinay niya raw kung magw-work yung prank na napanood niya sa FB. Pero hindi raw prank yung ginagawa niya saakin, dahil kapag lumingon ako sakanya na talaga ako.

Tinanong ko pa siya kung what if hindi ako lumingon, then sabi niya gagawin daw niya lahat mapalingon lang ako. Hahahaha! Gagong Jihoon, wala naman siyang dapat gawin dahil sakanya na talaga ako.

Shit. Kilig.

"Huh? Anong lumingon?"

"Hindi ko gets, hyung. Anong pinagsasabi mo?"

"Lumingon nga ako. So kanya na ako."

"Wait, tangina."

"Ay oo tangina nga."

"Yan ba yung prank sa fb?"

"Oo! Aba, malalandi."

"So kayo na, hyung?"

Napatigil ako sa ginagawa ko at napaisip dahil sa tanong ni Seok. Oo nga, ano nga bang label namin ni Jihoon? Landian lang, walang commitment? O may commitment pero walang label?

Basta sakanya ako tapos. . . mahal ko siya at mahal din daw niya ako. Akin ba? Mahalaga pa ba kung akin siya? Mahal niya ako, hindi pa ba 'yun sapat na rason para mapasaakin siya?

Mahal niya ako. . . ibig sabihin ba noon akin siya?

Sabay-sabay na umiling yung tatlo. Inirapan ko na lang sila para 'di nila mahalata na naapektuhan ako dahil sa tanong nila.

"May kwento pala ako, guys."

"Ano yun Boo?"

"May kaibigan kasi ako. . ."

"Shox! Kilala ko ba 'yan?"

"Manahimik ka d'yan, huh. Ako muna. . . So ayun nga, may kaibigan ako. May crush siya tapos crush din siya."

"Hala omg! Kilig!"

"Tapos? Tapos? Gosh! Pag-ibig na ba itu!?"

"Tapos nag-aminan sila. Love na raw nila isa't-isa."

"TALAGA? SILA NA!? SILA NA!?"

"Ayun nga e. Wala kasi silang label. Akala nila ok lang basta ba mahal nila ang isa't-isa. Kaya ayun, ok naman sila nung una. Landian doon, tawanan dito. Naiingit nga ako kapag nakikita ko sila kasi huhuhu tangina, pinamumukha nilang wala akong boyfriend. Hmp!"

"Halaaaa! Sweet naman!"

"Naniniwala na ako sa poreber tangina!"

"Pero ito na nga yung climax. Syempre 'di mawawala si kontrabida. . ."

Tahimik lang akong nakikinig sa pinagkwe-kwentuhan nina Kwan. Kunwari ay wala akong interest sa kung ano mang pinag-uusapan nila at nakafocus sa paper works ko pero ang totoo ay nakikinig ako sakanila.

Ano bang mangyayari kung wala kaming label? Pareho lang din naman ah? Basta mahal namin ang isa't-isa. Ibig sabihin nun. . . diba kami na? O hindi? Ano nga bang meron saaming dalawa ni Jihoon?

"Edi ayun, naclose ni kontrabida yung crush nung friend ko. Edi nagseselos ngayon yung isa kasi close na si kontrabida tsaka si crush niya. Edi sinabi niya na layuan na nitong isa si kontrabida. E nagalit siya kasi friend lang naman daw. Tapos wala naman daw karapatan yung friend ko na palayuin siya kasi in the first place wala namang sila. So hindi niya pwedeng diktahan and wala siyang karapatang palayuin sa kung sino yung crush niya."

"Hala! Yan talaga mahirap kapag walang label e. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Tsk!"

"Hanggang selos ka lang. Wala kang magagawa kasi 'di naman siya sa'yo."

"Yun nga e. Kawawa yung friend ko kasi committed na siya doon sa crush niya pero dahil wala silang label, wala rin."

"S-sila na ba? O w-wala na?"

"Huh? Hyung, sinong kausap mo?"

"Yung f-friend mo tsaka yung c-crush niya? Napano na sila ngayon?"

"Nakikinig ka pala, Hyung?"

"Ah sila ba. Ayun, nag-effort yung friend ko. Niligawan niya yung crush niya. Tapos ayun hanggang sa magkalabel sila. Hanggang sa maging sila."

"Pero kung mahal talaga nung isa yung friend mo, hindi na niya hahayaang magkalabel pa sila bago niya layuan yung kontrabida. In the first place, kung talagang mahal mo hindi mo hahayaang mawala at magalit sayo. So iisipin niya na if sa sobrang selos ay magalit yung friend mo at iwan siya, so syempre lalayuan na lang niya."

"Oo. Tama ka d'yan, Hyung. Pero paano kung tanungin ka if ano kayo ni ganyan, tapos dahil wala kayong label, anong isasagot mo?"

"Mahal namin ang isa't-isa."

"Diba talaga mahalaga sa'yo ang label?"

"Para may matawag kang girlfriend or boyfriend. Or para alam mo kung saan ka lulugar sakanya. Hyung, ganun ang label."

"Gaano ba kahalaga ang label? I mean, no label no breakup diba?"

"No label no breakup ka d'yan. Kahit na walang label o meron, may heartache pa rin naman. So ganun din. Tanga mo hyung."

"Wala e, sguro 'yun 'yung nakasanayan natin. Mas maganda 'pag may label kasi alam mo kung saan ka lulugar sakanya. Para walang tanong na ano nga ba talaga kami."

"Ayaw mo bang magkalabel kayo ni Jihoon hyung? Hanggang ganyan na lang ba kayo? Push and pull?"

Natahimik na naman ako dahil sa mga sinabi nila. Hindi ko alam kung bakit tumatagos at sumasaksak saakin ang bawat salita nila. Parang kutsilyo na tumatama ng derekta saakin.

Hanggang ganito na nga lang ba kami ni Jihoon? Kailan ko nga ba siya matatawag na akin? Hanggang asa na lang ba ako sa sinabi niyang mahal niya ako? Hanggang ganito na lang ba talaga kami?

Mahal nga namin ang isa't-isa. Sakanya nga ako. . . saakin ba siya?

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

But seriously, gaano nga ba kahalaga ang label sa isang relationship? 💭

Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now