Jollibee 42

1.6K 102 11
                                    

Call connected

"Hi Junhui!"

"..."

"Haha."

"..."

"Hello!"

"..."

"H-hello."

"..."

"Alam mo, nagkita kami ni Jihoon ngayon. Mukhang masaya nga siya. Hashtag happy to be single. Hahaha!"

"..."

"Tawa ka naman d'yan!"

"Haha."

"Gagi! Hahaha!"

"Umiiyak ka ba?"

"Ay ba't iba yung boses mo sa boses mo noon?"

"..."

"Hindi ako umiiyak, naghihiwa lang ako ng sibuyas. Bagong trabaho ko bilang manager. Hahaha!"

"..."

"Ay yung kwento ko nga pala!"

"Huwag kang sisigaw."

"Ay sorry--"

"..."


"Yung kwento ko. . . Ayun nga si Jihoon, mukhang nakakamove on na siya kay Cheol. Masaya ako para sakanya dahil nakita ko yung saya sa mata niya. Mukhang masaya na nga siya dahil ngayon ko lang nakita yung ganung ngiti niya."

"..."

"Masaya ako para sakanya sobra. Masaya ako na hindi na siya nasasaktan."

"..."

"Pero ano kasi yung problema ko yung sarili ko. . ."

"..."

"Hindi ko alam kung bakit ganun pero lumalalim na yung pagtingin ko kay Jihoon. Hindi ko alam kung ano ba yung rason pero bawat araw na nakakasama ko siya mas lumalalim 'tong nararamdaman ko sakanya."

"..."

"Pinipigilan ko naman ee. Alam ko kasing bandang huli ako din ang masasaktan. Alam ko naman na hindi pa niya kayang buksan ang puso niya para sa iba at alam ko naman na hinding-hindi niya ako magugustuhan. Ano nga lang naman ako kumpara sakanya?"

"..."

"Ayoko ring mawala 'tong pagkakaibigan na meron kami. Ayokong masira 'tong pagkakaibigan namin. Ayokong masira ang meron kami pero. . . masisisi mo ba ako kung maghangad ako na balang araw akin naman niya ituon yung atensyon niya?"

"..."

"Hindi ko alam kung posible ba 'tong nararamdaman ko. Posible bang magmahal ng taong ilang buwan mo palang nakikilala?"

"..."

"Sorry Junhui ah? Pero sayo ko lang talaga nasasabi 'tong ganito kasi 'di ko kayang sabihin kina Seok. Mas lalong 'di ko kayang sabihin kay Jihoon."

"..."

"Tsaka 'wag mo sanang sabihin kay Jihoon dahil baka iwasan niya ko. Baka sisihin niya yung sarili niya na nasasaktan ako dahil sakanya. Ayokong iwasan niya ko."

"..."

"Kahit ito lang Junhui, itago mo kay Jihoon."

"..."

"Nangako ka diba? Aasahan ko yun ah!"

"..."

"Mukhang wala ka na sa bus ah. Pauwi ka na ba? Pasensya na sa istorbo. Sige na Junhui, mukhang matutulog ka pa."

"Soonyoung. . ."

"..."

"Salamat."

"Huh?"

Call ended...
Duration time: 8 minutes and 57 seconds

"Hoy! Anong salamat!? Tsaka bakit iba-iba ang boses mo?"


🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Amm-- so umamin na si Soonyoung kay Jihoon(?) 😂

Amm-- so umamin na si Soonyoung kay Jihoon(?) 😂

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now