Jollibee 39

1.8K 106 17
                                    

Jihoon's

"Ang aga mong aalis?"

"Hindi hyung, may kikitain lang ako. Babalik din ako agad."

"O sige. Maaga rin akong maga-out ngayon. Baka pagbalik mo wala na ako."

"Sige hyung, ako nang bahala dito. Paki-sabi kay Vernon may recording kami pagbalik ko."

"Osya."

"Bye hyung."

I waved goodbye at ngumiti sakanya bago isara ang pinto ng recording room. I sighed as I put my hands in my pockets at naglakad na.

Ngayon na ako makikipagkita kay Cheol. Napag-isip isip ko rin na kailangan ko siyang maka-usap. Hindi ko pwedeng hayaan yung sarili ko na araw-araw na lang na nasasaktan. Ayoko ring mawala yung pinagsamahan namin dahil kahit papaano ay naging mag kaibigan kami.

Closure? Kung yun nga ang tawag dun, siguro yun nga ang kailangan ko. Gusto kong makalimutan lahat ng sakit nang walang hinanakit kay Cheol.

Moving on? Siguro. . . Kailangan ko nang mag move on dahil ako rin naman ang masasaktan kung 'di ko pa gagawin. Ako rin naman ang mahihirapan kung patuloy ko pa siyang mamahalin.

Kaya napagdesisyunan kong makipagkita sakanya. Inunblock ko na rin siya sa lahat ng contacts niya saakin dahil napagisip-isip ko na hindi naman makakatulong kung iiwasan ko siya. Kagabi tinext ko siya para sabihing makikipagkita ako.

Thou, hindi alam ni Kwan dahil alam kong pipigilan niya ako. Hindi ko rin sinabi kay Soons kasi. . . malaki ata galit nun kay Cheol e.

Pagkarating ko sa harap ng McDo, nakita ko agad si Cheol doon. Naka-upo siya sa may labas dahil may table doon. Yun kasi ang paborito niyang pwesto.

Tumigil ako at nagtago dahil nakita kong nandun si Jeonghan hyung. Magkatabi sila at nag-uusap. Nagsasalita si Jeonghan hyung at nakatingin sakanya si Cheol.

I saw the spark on Cheol's eyes while looking at Jeonghan hyung. He looks at him differently. Ibang-iba kapag ako ang tinitignan niya. Pati yung ngiti niya ngayon, ibang-iba sa ngiti niya pag magkasama kami.

Ito ba yung sinabi ni Soonyoung noon? Yung ngiti ng taong inlove? He looks so happy kahit na nag-uusap lang sila. He looks so happy kahit na magkasama lang sila. That happiness that I didn't see in him when he's with me.

Nadako naman ang tingin ko kay Jeonghan hyung na masayang-masayang nagkwe-kwento kay Cheol. Pareho sila ng tingin na binibigay sa isa't-isa. Pareho sila ng ngiti at pareho silang mukhang masaya.

Maybe. . . they really love each other that just by sitting right next each other can make them so happy.

I smiled habang tinitignan sila. I felt a genuine happiness inside my heart as I saw them both smiling and gazing at each other lovingly. It's weird pero hindi ako nakaramdam ng sakit habang tinitignan sila.

Maybe. . . this is the closure that I'm looking for. They both look so happy at ayokong sirain ang kasiyahan nila.

What I'm feeling right now is pure happiness, a genuine one. I'm happy na masaya silang dalawa. I'm happy that they found happiness in each other.

At masaya ako na hindi na ako nasasaktan kapag nakikita silang masaya. I smiled at lumabas na sa pinagtataguan ko para lumapit sakanila. This time, pwede ko na silang harapin nang hindi ako nasasaktan kasi alam kong masaya silang dalawa.

This time haharap ako kay Cheol at pwede ko nang sabihin na ok na ako, ok na ako dahil masaya na sila. Ok na ko dahil natanggap ko na na hindi siya saakin sasaya. Ok na ako dahil natanggap ko na wala na kaming pag-asa. Ok na ako at masaya ako para sakanila.

Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now