Jollibee 64

1.6K 96 43
                                    

Jihoon's

"Hi Ji!"

"..."

Umupo na lang ako sa harap ni Cheol na ngayon ay malapad na nakangiti saakin. Inirapan ko lang siya at tinakpan ang mukha nya ng menu.

Tumawag kami ng waiter na nagngangalang Wonwoo dahil nakita ko sa nametag niya. Nag-order muna kami ni Cheol bago namin mapagpasyahan na mag-usap.

"Bati na kayo ni Soonyoung?"

"Kung makikipagtsismisan ka lang, aalis na lang ako. Akala ko ba may importante kang sasabihin?"

"Ay! Nagtatanong lang e!"

"Si Soonyoung pala pag-uusapan natin, 'di sana si Soonyoung na lang pinapunta mo dito."

"Hindi kasi siya! Pero ok na nga kayo?"

"We're good."

"Umamin na siya?"

I looked at him as he wiggled his eyebrows at me teasingly. Umirap ako ulit at 'di na lang siya sinagot.

"Umamin na nga?"

"Ano namang aaminin niya?"

"..."

Oo alam ko na sinabi ni Soonyoung kay Seungcheol na gusto niya ako. Alam ko rin na alam ni Seungcheol ang surpresa ni Soonyoung saakin. Oo alam ko dahil sinabi saakin ni Soonyoung nung isang araw. . . sa pag-aakalang si Junhui ang katext niya.

At alam ko na ngayon na aamin si Soonyoung saakin. Actually hindi pa ako handa. I want to be the perfect Jihoon for him. Right now, I'm a messed. Magulo pa ang utak ko, ang puso ko, ako. 'Di pa ako handa na pumasok ulit sa relasyon na hindi pa ako sigurado.

Oo sigurado ako kay Soonyoung at sa nararamdaman ko, pero hindi pa ako sigurado sa sarili ko. Magulo pa yung utak ko. Tama bang mahalin ko si Soonyoung sa kalagitnaan ng pagm-momove on ko kay Cheol? Tama bang mahalin ko si Soonyoung sa rason na siya ang nandyan para saakin?

Alam kong mali na magmahal ng tao dahil lang may rason ka para mahalin siya. Rason na pwedeng mawala. Rason na pwedeng mapalitan. Oo, mali. Sobrang mali kaya 'di pa ako sigurado.

"Ano na? Yung kape mo nand'yan na."

"Ano yung importanteng sasabihin mo?"

"Pakinggan mo akong mabuti Jihoon. 2 years na tayong magkakilala at alam natin ang pangarap ng isa't-isa. Jihoon, gusto kong matupad yung mga pangarap mo kaya nung inoffer saakin 'tong trabaho na 'to, agad din kitang naisip."

"..."

"Kilala mo si Tito Teddy right?"

"Yung Tito mo na composer ng songs na nakabase sa U.S?"

"Nasa N.Y siya ngayon. Kinukuha niya ako para maging trainee niya. Mga world class producers and composers ang magtuturo sa mga amateur composers like us. May two slots pa daw kaya naisip kita."

"Huh? Pero yung trabaho ko sa Pledis?"

"Ano bang inaalala mo doon?"

"Cheol, dalawa lang kami ni Bumzu Hyung sa Pledis. Hindi ko siya pwedeng iwan. Besides, yung income ko."

"Hindi ka lang naman mag-aaral doon dahil magtr-trabaho rin tayo. Doble o triple pa yung sweldo sa nakukuha mo sa Pledis. Two years lang naman yun e at kung gusto mong bumalik sa Pledis after 2 years pwede naman. By that time, isa ka nang magaling na composer."

"..."

"Jihoon, think of it. Pangarap mong makilala ang mga kanta mo worldwide right? Ito na yung pagkakataon na yun Jihoon. Malaking opportunity 'to kaya sana 'wag mong sayangin."

"Kailan ba yan?"

"2 months from now. Binibigyan pa naman ako ng time ni Tito to think."

"Kung sakali, saan ako titira?"

"May bahay doon yung pinsan ko, si Hansol. Pwede tayong tumira doon dahil dito naman siya ngayon nakabase. Kilala mo siya diba?"

"E si Jeonghan hyung?"

"Huh? Sasama siya saakin."

"Wow! Relationship goals. So tayong tatlo sa bahay ni Hansol?"

"Oo. Isipin mo na lang na kami ang magulang mo. Hahaha!"

Napatingin ako sakanya habang iniisip kung susubukan ko ba. Stable naman yung trabaho ko sa Pledis pero tama si Cheol, pangarap ko 'to. Pangarap kong makilala ang mga kanta ko. Isa itong malaking stepping stone para makamit ko yun.

Besides, I can make time for myself. Pwede kong ayusin ang sarili ko at iprove na worth it ako para kay Soonyoung. Sa New York pwede akong mag-improve, makilala at by that time pwede na kong ipagmalaki ni Soonyoung. Ako na yung Jihoon na para sakanya. Yung worth it na Jihoon na karapat-dapat para sakanya.

2 years. . . sapat na oras yun para makapag-isip-isip. Para mahanap yung Jihoon na walang insecurity. Para mahanap ko yung dating ako. 2 years. . . sapat na yun para marealize ko kung ano ba 'tong nararamdaman ko para kay Soonyoung. 2 years. . . 'di naman ganun katagal diba? Kaya ba nya akong hintayin?

"Hindi ko naman hinihingi yung desisyon mo ngayon Jihoon pero sana tanggapin mo."

"..."

"Ito na yung simula nang pagtupad mo ng pangarap mo. Sana--"

"Sandali, sagutin ko lang yung tawag."

Tumango si Cheol kaya tumayo muna ako at lumabas ng Cafe para sagutin ang tawag ni Seungkwan. Pagkasagot ko ng tawag ay puro hikbi niya lang ang naririnig ko.

"Hyung!"

"Kwan? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"

"H-hyung!"

"Nasaan ka?"

"Nasa ospital kami, H-hyung. . ."

"Shit! Bakit? Anong nangyari?"

"H-hyung. . ."

"Kwan, please."

"H-hyung si Mama. . ."

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

i just realized how low ji thinks of himself here :( soonyoung is not even asking for much but ji thinks no matter how "low" soons expectation is, hindi niya pa rin yun mareach

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

i just realized how low ji thinks of himself here :( soonyoung is not even asking for much but ji thinks no matter how "low" soons expectation is, hindi niya pa rin yun mareach. hahaha wala lang, it just made me sad 😂

anyways, i hope you are all safe 💜

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon