Jollibee 52

1.8K 103 96
                                    

Jihoon's

2:50 AM nang mag-out na ako sa Pledis. Nagtext kasi si Soonyoung at 2:30 palang nandun na siya sa baba. Inayos ko na yung gamit ko at lumabas na ng building. Agad kong nakita si Soonyoung na nakaupo sa gilid.

I sighed as I walk near him. Sabi na kasing 'wag akong sunduin e. Nakayuko siya, yung ulo niya nasa tuhod niya. Umupo ako sa tabi niya as I tap his shoulder gently.

"Soons..."

Nag-angat siya ng tingin. He smiled at me bago niya kusutin yung mata niya at humikab. He's cute. . .

"Inaantok ka na. Sabi naman sayo 'wag mo na akong sunduin e."

"Gutom ka ba? Kain muna tayo."

"Huwag na. Uwi na tayo agad para makatulog ka pa. Maaga ka pang papasok diba?"

"Kumain ka na ba?"

"Sa bahay na lang ako kakain."

"Magtake-out na lang tayo. Tara?"

"Ang kulit mo!"

Tumawa lang siya at tumayo. Inakbayan niya ko at sabay kaming naglakad. I smiled as we walk together closely. Kahit na ayokong sunduin niya ako, naappreciate ko pa rin naman yung ginawa niya. He sacrifices his sleep para lang masundo ako. Isn't he the sweetest?

Pero sigurado ako bukas matutulog lang din siya sa shift niya. Lalo na weekdays at 'di ganun karami ang customer kaya wala siyang masyadong trabaho.

Thankful din ako kasi alam ko namang ginagawa niya 'to para makabawi siya sa limang araw na pag-iwas saakin. Yung 2 days na 'di ako umuuwi, nagpapadeliver siya ng pagkain para saakin. Tapos ngayon naman sinundo niya ako.

"Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano na lang."

"Saan?"

"..."

"For sure ayaw mo na sa Jollibee."

"Convenience store na lang. Tara?"

"Anong bibilhin mo dun?"

"Maraming instant dun. Dun na lang tayo pumunta."

He nodded tsaka lumiko para makapunta kami sa convenience store. Pagpasok ay hinayaan niya kong mamili ng gusto ko habang siya nagbibitbit nung basket. Kinuha ko rin siya ng paborito niyang jelly at banana milk.

Pagdating sa counter siya na yung nagbayad kahit sinabi kong ako na lang dahil ako naman ang namili sa lahat ng pinamili namin. Nag-away pa kami pero at the end, siya rin ang nagbayad.

"Bago ka matulog kumain ka muna ah?"

"Opo."

"Good."

"..."

"Hehe!"

"Ikaw kumain ka na ba?"

"Kumain ako ng dinner. Ikaw lang naman dito ang nakakalimutang kumain kapag nagtr-trabaho. Kaya ang payat-payat mo!"

"..."

"Ilang beses kang kumain nung 2 days kang 'di umuuwi?"

"Yung pinadeliver mo lang yung kinain ko tsaka kape."

"Tignan mo! Dapat kahit busy ka 'di mo nakakalimutang kumain. Pagod ka na nga tapos 'di ka pa kumakain. Paano kung magkasakit ka?"

"Soons, ilang years na ko sa Pledis. Ilang beses nang nangyari saakin ang ganito. Ok lang ako."

"Iba ngayon, Jihoon!"

"Ano namang pinagka-iba?"

"May nag-aalala na sayo!"

Natahimik ako habang siya nakatingin lang saakin. Halata sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatingin siya sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin at naglakad na lang ulit. Sumunod naman siya at inakbayan ako kaya sabay kaming naglakad. I smiled a little.

Tahimik lang kami habang naglalakad papuntang bus stop. Pagdating doon ay umupo kami sa pinaka-likod.

"Soons..."

"..."

"30 minutes pa yung byahe. Matulog ka muna kaya."

"Ayoko."

"Matulog ka muna kasi e. Para may tulog ka rin kahit papaano."

"E paano ka?"

"Huwag mo na nga akong masyadong isipin. Matulog ka muna."

Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko as I gently tap his cheek. I saw him grinned at inadjust ang upo niya bago pumikit. Hindi ko inalis yung kamay ko sa pisngi niya at maya-maya itong tinatapik gently.

Tahimik lang ang naging byahe namin. Nakatingin lang ako sa kamay ni Soonyoung na nakapatong sa tuhod niya buong byahe.

I smiled again and caressed his hand using my free hand. Napakaswerte ko talaga na nakilala ko si Soonyoung. Ang swerte ko dahil meron akong Soonyoung na nag-aalala at nag-aalaga saakin araw-araw.

It's not hard to love you after all, Soonyoung.

Lagi siyang nand'yan para saakin. Araw-araw niyang pinaparamdam saakin na mahal niya ako. Araw-araw niyang pinaparamdam saakin na lagi lang siyang nandito sa tabi ko. Araw-araw at walang palya.

Pero araw-araw din niyang sinabi kay Junhui kung gaano siya nasasaktan araw-araw dahil hanggang ganito lang kami.

Hindi ko din alam kung gusto ko bang mas lumalim ang relasyon namin o hindi. Ok naman kami sa ganito diba? Wala kaming problema, walang break-up, walang mang-iiwan. Mas masaya naman na kami sa ganito diba?

Tsaka ayokong mapunta siya sa isang taong 'di naman sigurado sakanya. . . saakin. Hindi niya deserve ang taong nagdadalawang isip pa, 'di niya deserve ang taong natatakot na sumugal para sakanya. Hindi niya deserve ang isang katulad ko.

Pero 'di rin niya deserve ang masaktan dahil lang saakin.

Soonyoung deserves more. Hindi yung katulad ko na hindi siya kayang ipaglaban, laban sa takot na meron ako. He deserves more. Hindi ako ang kailangan niya.

Pero siya ang kailangan ko.

I'm torn between staying with him or leaving him. Iwan siya para matulungan siyang buksan ang mata niya at makita ang tunay na taong dapat talaga ay para sakanya, o magstay sa tabi niya at hayaan siyang mabulag sa pagmamahal na nararamdaman niya?

At ayoko mang aminin pero mas nangingibabaw saakin ang manatili sa tabi niya.

Hindi ko alam kung anong mas pipiliin ko. Pero mali bang piliin ko muna sa ngayon ang kaligayahan ko? Mali bang magstay muna sa tabi niya kahit sa sandaling panahon lang? Mali bang maging masaya muna kaming dalawa sa ganito?

Mali bang maging masaya kaming dalawa at nasasaktan at the same time?

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now