Jollibee 43

1.8K 95 20
                                    

Jihoon's

Andito kami ngayon ni Soonyoung sa park. Nagyaya kasi siyang lumabas kaya pumayag na ako. Kahit na plinano kong ispend ang day-off ko sa bahay at matulog. . . nandito ako sa park at naglalakad kasama si Soonyoung.

Gusto ko siyang tanggihan pero hindi ko alam kung bakit ako pumayag agad. Balak kong humindi pero nung sinabi niya na 'please Ji, labas tayo!' umoo agad ako.

"Hindi na ba kayo nagkikita ni Cheol?"

"Hindi pa. May gusto ata siyang sabihin pero hindi nasabi nung nagkita kami ee."

"Makikipagkita ka pa sakanya?"

Tinitignan ko siya na nakatingin lang sa ice cream na hawak niya. I nodded bago umiwas ng tingin. Sa mga sinabi niya nung isang araw saakin, dahil akala niya ako si Junhui, balak ko talaga siyang iwasan. Pero kahit gustong-gusto ko siyang tanggihan, 'di ko alam kung bakit bandang huli napapapayag niya ako.

Gusto ko siyang iwasan kasi ayoko siyang masaktan. Sinabi niya na lumalalim na yung pagkagusto niya saakin kaya gusto kong umiwas. Para hindi na siya lalong mahulog pero hindi ko magawa. Pero kahit gusto ng utak ko, 'di ko pa rin magawa.

Kaya ito kasama ko pa rin siya. Pumapayag pa rin ako kapag nagyaya siyang lumabas. Lagi pa rin ako sa Jollibee kada 3 AM kahit sawang-sawa na ako sa mga kinakain ko dun.

"Ji. . . may sinabi ba sayo si Junhui?"

"Huh? May secret na naman kayo!?"

"Wala!"

"..."

"Tara, alis na tayo dito. Mall tayo."

"Ta--"

"..."

"Sandali sagutin ko lang yung tawag."

"Sino yan?"

"Seungcheol."

Binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko at ngumiti saakin. Tinignan ko siya pero tumalikod siya at naglakad palayo ng konti para hayaan akong makipag-usap kay Seungcheol.

I just sighed before picking my phone up.

"Jihoon!"

"Oh?"

"Busy ka ba ngayon? Nasa Mall kami ni Jeonghan, gusto ka sana naming yayain since 'di rin natuloy yung pag-uusap natin."

"Ngayon na ba?"

"Tatanungin ko ba kung busy ka ngayon kung bukas pa ko makikipagkita?"

"Ok fine. 'Di ako pupunta--"

"Joke lang!"

"Huwag kang sumigaw!"

"Dalian mo! Nasa McDo kami ni Jeonghan."

Jollibee | SoonHoon ffUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum