Jollibee 61

1.8K 108 43
                                    

Note: Read this after the showcase. LET'S SUPPORT SEVENTEEN AND STREAM DON'T WANNA CRY! LET'S WATCH THE SHOWCASE TOGETHER 😂💕

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Jihoon's

"Jihoon. . ."

Naglalakad kami ngayon ni Soonyoung papuntang bus stop. Tahimik lang kami mula kanina. . . awkward ganun. 'Di ko rin naman alam ang sasabihin ko at 'di rin siya nagsasalita kaya pinili kong manahimik na lang.

"Ang awkward no? Hehe."

Hindi tulad dati na naka-akbay siya saakin, ngayon naman halos ilang tao pa ang kakasya sa pagitan namin. I sighed at tumawa na lang din dahil sa sinabi niya. After nun, natahimik ulit kami. Para kaming dalawang taong 'di magkakilala dahil sa layo namin sa isa't-isa.

Hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin pero 'di ko lang talaga alam ang sasabihin ko. After nung pag-uusap namin kanina, napag-isip isip ko. . . narealize ko na all this time tama pala si Seungcheol at si Seungkwan.

Pilit ko mang ideny pero mas malakas pa rin yung nararamdaman ko para sakanya.

Oo, narealize ko na mahal ko rin siya. Nung dalawang araw na hindi kami nag-uusap. . . pinag-isipan ko 'tong kakaibang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya. Nagsearch pa nga ako dahil 'di ako naniniwala na pagmamahal 'to dahil hindi ko 'to naramdaman kay Seungcheol noon.

Pero kahit anong saliksik ko sa internet, kahit anong tanong ko sa ibang tao. . . ako lang ang nakaka-alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko para kay Soonyoung. Nung nagtext siya kay Junhui, which is saakin, sobrang saya ko na finally makakausap ko na siya.

Nung nakita ko siyang nag-aabang sa labas ng Pledis, sobrang saya ko na finally makikita ko na siya. At ngayong kasama ko na siya ulit. . . 'di ko maexplain yung nararamdaman ko. Is this happiness? Sa sobrang saya ko hindi ko alam kung paano siya iexpress.

"Ji. . ."

"Oh?"

"Usog ka rito. 'Wag kang masyadong didikit sa mga stores."

"..."

"Ang layo mo e. Hehe!"

Ngumiti siya at kinamot na lang ang batok niya bago humarap ulit sa daanan. Umusog naman ako ng kaunti pero umusog din siya palayo.

"Ayan, nag-adjust na ako."

"Ba't ka lumalayo?"

"Baka kasi. . ."

"Tss!"

Lumapit na ako sakanya kaya ngayon magkatabi na kaming naglalakad. Tumatama ang kamay namin sa isa't-isa, I smiled a little bago ilagay ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Hindi ka ba naawkward?"

"Bakit?"

"Kasi alam mo na."

"Hangga't 'di mo pa sinasabi, let's pretend na hindi ko pa alam."

"..."

"Ayokong magbago yung pakikitungo mo saakin, Soons. Kaya hangga't 'di ko pa naririnig sayo, kunwari 'di ko pa alam."

"So pwede pa 'to?"

Ngumiti siya tsaka ako inakbayan. Sabay kaming tumawa at pinagpatuloy ang paglalakad namin sa bus stop. Hanggang sa makasakay kami ay patuloy na ang pag-uusap namin. Nakangiti na rin siya 'di katulad kanina na halatang nag-iisip kung paano ako iaapproach.

Jollibee | SoonHoon ffΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα