Jollibee 30

1.9K 114 50
                                    

Call connected

"Hi Junhui!"

"..."

"Paano ba ko magsisimula?"

"..."

"So ayun nga kasi, magkikita dapat kami ni Jihoon ng 3. Susunduin ko siya sa Pledis tas nalate ako ng 2 minutes kasi traffic. Kadating ko, may naghihintay din doong lalaki. Panget, kaso mas matangkad saakin. Syempre 'di ko pinansin kasi 'di ako pumapansin ng mga taong panget, except dun sa kaibigan kong si Seok at Gyu."

"..."

"Tapos ayun na, nakita ko na si Jihoon. Pupuntahan ko na sana kaso naunahan ako nung ex niya. Nagkasagutan sila, nagtago ako at pinakinggan ko yung sagutan nila. Chismosa na ba ko nun? HAHAHAHAHA!"

"..."

"Chismoso pala. So anyways, nakita ko yung sakit sa mga tao ni Jihoon habang nakatingin siya dun sa ex niya. Nakita ko pa ngang di siya makatingin ng maayos dun sa ex niya, apektado pa rin talaga siya. Importante parin sakanya. 'Di pa siya nakakamove on."

"..."

"Nung tumalikod siya at tumakbo, naghintay pa rin yung ex niya. Mga isang oras siguro siya sa labas habang umiiyak pa rin, pero walang tatalo saakin, ako tatlong oras na naghintay. Umalis yung ex niya nung may tumawag sakanya. Rinig ko na sabi niya Jeonghan. Yun ata yung bago, sa pagkakatanda ko."

"..."

"Hinintay kong lumabas si Jihoon kasi diba may usapan kami? Tatlong oras ko siyang hinintay. Isang oras kong pinanood yung ex niya na umiyak dun sa harap ng Pledis. Gusto ko sanang lapitan at isampal sakanya na siya yung nang-iwan tapos siya t'ong may ganang umiyak at bumalik. Gago rin e 'no?"

"..."

"Sana talaga 'di na siya bigyan ng chance ni Jihoon. Hindi dahil gusto ko si Ji kung hindi dahil alam kong masasaktan na naman siya. Iba talaga kislap ng mata nung Seungcheol nung binanggit niya yung pangalan ni Jeonghan e."


"..."

"Siguro nga importante pa rin si Jihoon kay Cheol pero bilang kaibigan na lang o kapatid. Narinig ko kasi na sinabi ni Cheol dun sa kausap niya na ayaw niyang makitang nahihirapan si Ji dahil sakanya. Si Jihoon daw kasi parang kapatid na niya at 'di niya hahayaang makita siyang nahihirapan."

"..."

"Sinisipon ka ba? Kanina ka pa sumisingot e."

"..."

"Anyways, nung narinig ko yung sinabi nung ex niyang gago, gusto ko na siyang sugurin at sapakin. E kung ayaw niya palang makitang nasasaktan, edi sana una palang 'di na niya pinaasa. Edi sana 'di niya ginawang rebound lang. Edi sana kung 'di siya sigurado na mahal niya si Ji, 'di na niya sana pinatulan. Gago rin e! Nakakatangina!"

"..."

"Dapat lang na mawala muna siya sa buhay ni Jihoon. Isa siyang malaking gago! Dahil lang natatakot siyang aminin dun sa totoong mahal niya yung nararamdaman niya, gumamit siya ng iba para matakpan yung tunay niyang nararamdaman. Ginamit niya si Jihoon. Paano niya nataim na saktan at gamitin si Jihoon sa loob ng dalawang taon?"

"..."

"Kapag nakita ko pa siyang lumapit ulit kay Jihoon, hindi na ako tatayo lang at makikinig. Kung 'di ko siya pwedeng suntukin, ilalayo ko na lang si Jihoon sakanya. Lalapit pa lang siya, ilalayo ko na si Jihoon. 'Di niya deserve yung pagmamahal ni Jihoon. Napakagago niya!"

"..."

"Uy! Ano ba, sinisipon ka ba? Baka masinghot mo na ako ah!"

"..."

"..."

"..."

"Bakit ka umiiyak?"

"..."

"Natouch ka ba saakin? Boto ka na ba saakin para kay Jihoon? Hehehe!"

"..."

"May gusto pa sana akong sabihin sayo kaso baka sabihin mo kay Ji e."

"..."

"Tsaka tinatawag na ko ng boss ko. Dumadami na yung customers. Bye Junhui, salamat sa pakikinig."

"..."

"Kapag nakita mong lumapit ulit si Cheol kay Ji d'yan sa Pledis, layo mo agad si Jihoon ah? Ayokong umiiyak na naman yun. 'Di deserve ni Cheol ang kahit isang butil ng luha niya."

"..."

"Bye Junhui! Tulog ka na ulit! HAHAHAHA!"

"Bye. . ."

"Ay nagsali--"

Call ended...
Duration time: 15 minutes and 46 seconds

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

JunHoon with Wonu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JunHoon with Wonu

I just wanna say that no one deserves to be in Jihoon's shoes. No one deserves to be used and played with :(((

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon