Jollibee 57

1.7K 101 69
                                    

Soonyoung's

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Bakit ba nakabukas yung kurtina? Laging nakasara yan eh! Tumayo ako at hinawakan ang ulo ko na bigla na lang kumirot. Napadami ata ang inom namin nina Seok?

Tangina naman kasi yang bestfriend na yan!

Hindi naman sa naiinis ako pero bestfriend!? Hanggang bestfriend lang ba talaga!?

De joke, naka-move on na ako sa bestfriend na yan. . .

Tangina naman kasi e!

"Gising ka na pala!"

"Ay anak ng bestfriend mo!"

"..."

"Jihoon?"

"Good morning Soonyoung my bestfriend."

"..."

"..."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pinapunta ako nina Seokmin dahil wala ka raw kasama. Lasing ka kasi e, Soonyoung my bestfriend."

"Wala ka bang pasok?"

"Ako ang dapat magtanong n'yan, Soonyoung my bestfriend. May pasok ka pa diba?"

"Shit! Anong oras na!?"

"Alas syete na, Soonyoung my bestfriend."

"Tigilan mo na nga yang Soonyoung my Bestfriend na yan!"

"Sino bang nauna?"

"Ikaw!"

"..."

"Sabi mo bestfriend tayo diba!?"

"Oo nga! Kaya nga bestfriend tawag ko sayo diba?"

"..."

"..."

"..."

"Mag-almusal ka na. Sinabihan ko sina Seokmin na medyo male-late ka."

Tumalikod siya at lumabas na ng kwarto ko. Sumimangot ako at dumeretso sa banyo para mag-hilamos. Nagtoothbrush na rin muna ako bago ako lumabas para dumeretso sa kusina.

Pagdating ko dun may nakahanda nang almusal na 'di ko alam kung saan galing dahil wala naman akong stock. 'Di pa ko nag-gro-grocery ee. May prutas din at orange juice na 'di ko rin alam kung saan galing. May mga pagkain ba sa bahay ko na 'di ko alam na nageexsist?

"Kumain ka na."

"Kumain ka na?"

"Uuwi na ako."

"..."

"May pasok din ako."

"Saan galing 'tong mga 'to?"

"Huwag ka nang magtanong! Kumain ka na lang."

"Kain ka muna."

"Ayoko."

"Galit ka ba?"

"..."

"Ji. . ."

"Mukha bang natutuwa ako, Soonyoung my bestfriend!?"

"..."

"..."

"..."

"Aalis na ako."

"..."

Hinayaan ko na lang siyang lumabas kesa sa habulin ko siya at mainis pa lalo. Halata naman kasi na hindi talaga siya natutuwa at galit siya dahil sa tono ng pakiki-usap niya saakin.

Narinig ko ang malakas na pag-bagsak ng pinto, lumabas  na nga talaga siya. Napasimangot na naman ako at kinain na lang yung hinanda ni Jihoon. Kukunin ko na sana yung juice nang may makita akong papel na nakadikit sa baso ko. I smiled at kinuha ko yung papel para  basahin.

Inumin mo yan para sa hang-over mo. Isusulat ko na lang dito baka kasi 'di ko masabi sa sobrang inis ko sayo. Bye.

Napasimangot ako ulit nang mabasa ko yun. Halatang galit nga siya saakin. Naman kasi e! Nasaktan lang naman ako dun sa bestfriend na yun!

Pero naisip ko rin na ang childish nung ginawa ko. May karapatan naman siyang magalit dahil. . . DAHIL PINAMUKHA KO SAKANYA NA HINDI LANG BESTFRIEND ANG HABOL KO!

NAKAKAINIS NAMAN KASI EE! LAHAT NG GINAWA KO PARA SAKANYA, LAHAT BA YUN PANG BESTFRIEND LANG!? HANGGANG DUN NA LANG BA TALAGA!? BESTFRIEND!?

Tinapos ko na yung kinakain ko at nilagay sa lababo yung pinggan para hugasan. After kong maghugas ay pumasok agad ako sa kwarto ko. Agad akong tumalon sa kama para humiga. TINATAMAD AKONG PUMASOK! WALA AKONG GANA!

I sighed at gumulong-gulong sa kama dahil sa inis. Naiinis ako sa sarili ko sa sobrang immature nung ginawa ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil 'di ko magawang magsorry kay Jihoon. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang tanga tanga ko!

Simula pa lang binalaan na niya ako diba? Tapos sabi ko hanggang crush lang ako. Crush lang pero bakit iba na. . . BAKIT NAPAMAHAL AKO SAKANYA!?

Hindi naman ako nagsisisi na minahal ko siya. He's worth it, he's worth the love, the sacrifices, the effort. . . He's worth the pain.

Pero ang tanga ko pa rin! Noon natatakot ako na baka malaman ni Jihoon mahal ko siya, ngayon naman naiinis ako na bestfriend lang ang tingin ni Jihoon saakin at 'di niya makita na lahat ng ginagawa ko ay dahil mahal ko siya. TANGINA! HINDI KO MAINTINDIHAN ANG SARILI KO!

Pero kahit ganun, iisa lang naman talaga ang gusto ko. . . tayo. Gusto kong magkaroon ng tayo.

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

Hello! I hope you all are doing fine today 💜 Stay safe!!!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hello! I hope you all are doing fine today 💜 Stay safe!!!

Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now