Jollibee 65

1.7K 101 30
                                    

Soonyoung's

"Darating pa kaya sina Jihoon hyung?"

"Ano ba, Gyu! 'Wag ka ngang nega!"

"Hindi ako nega, Seok! 2 hours na tayong naghihintay. Dapat sinundo na siya ni. . . nino kasi yun? Yung kasama niya sa unit?"

"Si Kwan."

"Oo dapat kanina pa silang dalawa ni Jihoon dito diba?"

"Baka 'di pa sila tapos mag-usap ni Cheol?"

"Grabe hyung ah, ano bang pinag-usapan nila? Problema nang buong mundo?"

"Ano ba, Gyu! 'Wag mo ngang idown si manager."

"E sige nga, bigyan mo ko ng rason bakit wala pa sila? 2 hours na oh!"

"Baka traffic!"

"..."

"Aray! Ba't mo ko binatukan!?"

"Sa Pilipinas lang problema ang traffic. Koreya tayo!"

"Tigil niyo nga yan. Bumalik muna kayo sa baba. Hintayin ko lang tawag ni Kwan."

"Ayos ka lang ba Soonyoung hyung?"

"Oo Seok. Baka may nangyari lang."

"Baba muna tayo, Seok. Baka madami nang customers."

"Gago ka ba? Alam mo namang konti lang ang customer pag madaling araw e."

"Sige na, baba muna kayo."

Tumango ako sakanila kaya bumababa na sila. I sighed at napatingin na lang sa surprise na nakahanda ngayon sa party venue ng Jollibee. Ngumiti ako tsaka ulit tinawagan ang number ni Kwan na kanina pa niya 'di sinasagot.

Ang usapan kasi namin ay dadalhin niya si Jihoon dito ng 2 am pero halos 4 AM na at wala pa sila. Nangako si Jihoon saakin na pupunta siya at alam ko namang 'di ako bibiguin ni Kwan. Kaya nag-aalala ako ngayon dahil baka may nangyari nga.

Ilang rings bago mamatay ang call-- sign na hindi na naman sinagot ni Kwan ang tawag ko. I sighed at minessage naman si Jihoon kahit 'di siya naka-online. Maski si Jun hindi rin sinasagot ang tawag at text ko.

Bakit ba ngayon pa sila hindi sumasagot!?

Napasubsob na lang ako sa lamesa dahil sa sobrang pag-aalala at inis. Naf-frustrate ako na hindi ko alam kung ano bang nangyari kay Jihoon at bakit hindi siya sumipot? Sabi ni Cheol hyung nagmamadali daw si Jihoon na umalis kanina kahit 'di pa sila tapos mag-usap kaya di na niya natanong ang dahilan. Si Jeonghan hyung naman wala rin daw alam.

Sana naman walang nangyaring masama sakanila o kay Jihoon. Nakakainis na wala akong alam sa nangyayari at wala akong magawa kundi mag-alala. Ni hindi ko alam kung nasaan sila. Tinawagan ko yung guard sa condo unit ni Jihoon ('wag niyo nang itanong ba't may number ako nung guard) at sinabi niya na walang tao sa unit ni Jihoon ngayon.

So nasaan siya!?

Imposibleng nasa Pledis dahil umalis na nga siya kanina. Nag-angat uli ako ng tingin at tinignan ang pagkain na hindi pa nagagalaw. Yung mga lobo na kokonti na lang dahil pinaglaruan na nina Seok. Yung balaklak na palanta na ata. Pati na rin yung sasabihin ko na nakalimutan ko na.

Muli kong dinial ang number ni Kwan. Ilang rings na pero wala pa ring sagot. Papatayin ko na sana nang biglang magconnect ang call na nakapagpatayo saakin dahil sa pagkabigla.

"H-hyung. . ."

"Kwan? Si Jihoon? Ayos lang kayo? Nasaan kayo?"

"Hyung pasensya na ah? Ngayon ko lang nacheck yung phone ko. Lowbat si Jihoon hyung. Nasa hospital kami."

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon