Jollibee 96

1.6K 97 29
                                    

Soonyoung's

Nandito kami ngayon sa garden. . . sa garden kung saan inamin ko sakanya ng personal ang tunay kong nararamdaman. Sa garden kung saan nagtapos ang bagay na hindi pa naman nasisimulan. Naka-upo kami sa damo habang pinagmamasdan ang mga bituin.

"Alam mo na pala."

I heard him chuckled kaya napatingin ako sakanya. He's looking at those bright stars but his eyes are shining brigther than those stars. He smiled as he looked at me. I was taken a back kaya nag-iwas ako ng tingin at tumitig na lang ulit sa mga bituin.

"Anong gusto mong malaman?"

Marami.

Marami akong gustong malaman pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang tanong. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Pero gusto kong malaman ang lahat, gusto kong malaman kung anong nangyari sakanya nung dalawang taon na hindi kami magkasama.

"Bakit ka nagpanggap?"

"It's accidentally. Nung una pagtri-tripan lang sana kita. Actually, wala naman kasi akong intention na maattach sayo kaya hindi na ako nagpakilala. Kaso ayun, sinabi mo saakin na crush mo nga ako kaya nagpanggap na lang akong ibang tao. Alam ko mali, pero hindi ko kasi alam kung paano ba dapat ako magreact. Kaya nagpanggap akong iba at hindi ko pinahalata na alam ko. I acted like I don't know anything, kahit nung umamin ka na lumalalim na yung nararamdaman mo, kahit nung naglabas ka ng sama ng loob dahil kay Cheol. I acted like I didn't know a thing kasi hindi ko alam kung paano ako magre-react. Wala akong balak na patagalin pero wala e, naduwag ako at nawalan ako ng chance na sabihin sa'yo."

"..."

"Wala akong intention na lokohin ka. Believe me. Actually, nagpapasalamat pa rin ako na ginawa ko 'to. Dahil sa loob ng dalawang taon na hindi kita nakikita, nasasabi ko pa rin sa'yo lahat ng nararamdaman ko. Nakakausap pa rin kita. Kahit papaano naiibsan nito yung pagkamiss ko sa'yo."

"Diba ang selfish? Ikaw nakakausap mo ako pero ako miss na miss kita kasi 'di kita maka-usap. Kasi ang alam ko hindi ikaw yun, si Junhui. Sa loob ng dalawang taon, naghangad ako na--"

"Oo, Soons. Ang selfish ko diba? Pero masisisi mo ba ako? Kapag ba umamin ako sa loob ng dalawang taon na yun, sasagutin mo pa ba ang mga tawag ko? Pakikinggan mo pa ba ako? Yun na lang yung paraan ko para malabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Selfish oo, alam ko naman. Pero masisisi mo ba ako, Soons? Gusto ko lang na maka-usap kita."

"..."

"Alam mo diba? Sinabi ko sa'yo na ikaw may pinanghahawakan ka pero ako wala. Soons, ang hirap umasa sa bagay na hindi ako binigyang pag-asa. Para akong susugod sa gyera na walang armas. Kumakapit ako kahit wala naman akong kakapitan. Ganun yung pakiramdam. Wala namang unfair Soons, pareho lang tayong nasasaktan."

"Nung umalis ka, nung sinabi mong aalis ka. . ."

"Oo, mahal na kita noon."

"Bakit hindi yun ang sinagot mo saakin?"

"H-hindi ko alam. Siguro dahil ayokong saktan ka after kitang pasayahin. Anong sense ng pagsabi ko sa'yo na mahal kita kung ang kasunod no'n ay paalam na diba?"

"Pero bakit hindi mo sinabi?"

"Kasi galit ka? Tsaka nahuli ka ng pagpunta sa airport. Hindi mo ko nadatnan. Hindi mo narinig yung gusto kong sabihin sa'yo."

"Ngayon ko lang nalaman. Dalawang taon akong nagpakatanga at nalungkot dahil akala ko wala na talaga tayong pag-asa."

"Pero sinabi ko sa'yo bago ako umalis. Chinat kita, hindi mo ba nabasa?"

I looked at him, eyebrows knitted, and shook my head. He laughed at me kaya napatawa na lang din ako.

"Ano kayang magbabago kung nabasa ko 'yun, no?"

"Siguro, tayo na ngayon."

"Baka nga sinundo kita sa airport kauwi mo e."

"Baka nga nagpropose ka na saakin pag-uwi ko ee."

"Baka hindi na tayo nasaktan ng dalawang taon."

Natahimik kaming dalawa. Ngayon, malinaw na saakin ang lahat. Nagalit ako, oo nagalit ako sakanya pero hindi pala dahil iniwan niya ako. Kundi dahil hindi ko narinig sakanya ang salitang mahal kita bago pa man siya umalis. Feeling ko iniwan niya ako at hindi siya nagpaalam. Ganun yung naramdaman ko. Kaya aaminin ko, nakaramdam ako ng galit.

Pero mali si Seokmin. Sabi niya magagalit ka sa tao kahit mahal mo siya. . . maybe partially he's right pero you can't stay mad to the person who you really love. Dahil kapag nagmahal ka, kakambal na nito ang pagpapakatanga, at kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, patatawarin mo siya.

"I never stop loving you."

"I know."

He smiled. I smiled back as I lean forward. I held his cheek and smiled lovingly at him. He smiled again and closed the gap between us. We shared a short sweet kiss as our heart beats in the same pace. I can feel how my heart fluttered as his soft lips touches mine.

We parted and rested our foreheads together. I chuckled at hinaplos ang pisngi niya.

"Let's start again."

"This time, with no ending."

"No endings."

This will be the start, officially. The start of something sweet and magical. The start of me and Jihoon. The start of us.

And this time, I'll make sure that this start will not have an ending. This start will never end. For me and Jihoon, we'll continue this forever.

Ganun naman talaga kapag mahal mo ang tao diba? Hindi mo tutuldukan ang kung ano mang meron sainyong dalawa. Hindi mo tatapusin kasi mahal mo siya at gusto mo siyang makasama. Hindi mo wawakasan kasi gusto mo tuloy-tuloy lang.

We will not end up together. . . we will continue together, happily.

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

Yow~ HABANG MAY TIME SUSULITIN KO NA AT HABANG FRESH PA ANG IDEAS HEHEHEHE

Yow~ HABANG MAY TIME SUSULITIN KO NA AT HABANG FRESH PA ANG IDEAS HEHEHEHE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon