Jollibee 87

1.5K 93 69
                                    

Jihoon's

I rushed to Soonyoung's apartment after akong itext ni Seungkwan. Kumuha na lang ako ng prutas at pagkain sa bahay nina Kwan dahil alam ko namang walang pagkain dun sa apartment ni Soonyoung.

Nagmamadali akong pumunta sa apartment niya dahil nga raw may sakit siya. Wala pa naman siyang kasama sa bahay kaya walang mag-aalaga sakanya.

Pagkarating ko doon ay bukas na ang pinto. Dahan-dahan akong pumasok at nakita ko yung triplets sa may sala na nanonood. I bite my lips, nagdadalawang isip na akong pumasok dahil baka palabasin lang ako ni Soonyoung kung makikita ko siya. Kaya lumabas ulit ako. Ilang minuto pa akong nakatayo sa harap ng pinto at pinag-iisipan kung papasok ba ako ulit.

Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko yung Mama nina Minguk kaya napayuko na lang ako.

"Lee J-Jihoon? W-woozi?"

"Hi!"

"Hala! Hala! Pasok ka. Kaibigan ka pala ni Soonyoung? May sakit kasi siya ngayon at natutulog pa. Kararating lang din namin dahil gusto siyang dalawin nina Minguk kaso may sakit pala siya."

"Pinaghanda mo na ba siya ng pagkain?"

"Yun nga sana e. . . Lalabas sana ako para bumili dahil wala siyang stock. Ang yaman-yaman pero 'di makapagstock ng pagkain. Susumbong ko na talaga siya kay Tita."

"Ito. . . may dala ako. Ako na lang ang magluluto."

"Ay nako hindi na! Upo ka na lang sa sala o kung gusto mo, puntahan mo si Soonyoung."

"..."

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako para pumasok sa loob. Dinala niya ako sa sala at kinuha ang bitbit ko. Hindi naman ako napansin nina Minguk dahil nga nakafocus lang sila kay Pororo.

Pinuntahan ko na lang sa kusina yung Mama  nila para makatulong ako sa pagluluto. Hindi ko alam pero nag-guilty ako ngayong kaharap ko siya. Pinagselosan ko kasi siya nung akala ko ano. . . asawa siya ni Soonyoung. . . pero pinsan niya pala.

Hindi kasi siya tinawag na Ate ni Soonyoung kahit na mas matanda siya kay Soons.

"Tulungan na kita."

"Ikaw yun, ano?"

"H-huh?"

"Yung wallpaper ni Soonyoung, yung laman ng gallery niya tsaka yung tinutukso sakanya nung mga kaibigan niya. Ikaw din yung kwine-kwento niya noon sa ate niya tsaka sa magulang niya 'no?"

"Kwine-kwento?"

"Yung pakakasalan daw niya. Kamukha mo kasi yung nasa picture na naka-attach dun sa message."

"..."

"Alam mo 'yang si Soonyoung, sobrang masayahin niyan. Favorite nga siya nina Minguk dahil masaya siyang kasama. Kaso kasi. . ."

"It's my fault. . . I left him."

"Hindi. Wala namang may kasalanan sainyong dalawa. Pinili niyang tignan yung negative side ng pag-alis mo kaya siya nalungkot. Nawala yung Soonyoung na laging masayahin. Nakita namin na iba na yung ngiti niya kumpara sa ngiti niya noon. Malungkot na, lalo na yung mata niya."

"..."

"Mahal ka pa nun, nasaktan lang siya. Never kasing nangyari sakanya yung ganito e, yung naiwan siya. Kaya nagdamdam siya. Mahal na mahal kasi siya ng pamilya niya tsaka ayun, spoiled. Never niyang naranasan yung masaktan emotionally pero pinaramdam mo sakanya kaya sobra siyang nasaktan."

Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now