Jollibee 67

1.6K 94 48
                                    

Flashback (Nung tinawagan palang ni Kwan si Jihoon)

Jihoon's

After kong marinig yung sinabi ni Kwan ay tumakbo ako agad sa loob ng Cafe at nagpaalam kay Cheol. Dahil sa sobrang pagmamadali ko 'di ko na nasabi sakanya kung anong nangyari at iniwan na lang siya doon.

Agad akong sumakay ng taxi para mapadali ang pagpunta ko sa hospital. Hinanap ko agad sina Kwan, na sabi ng nurse ay nasalabas ng ER, para puntahan.

"Hyung. . ."

Agad siyang tumakbo papunta saakin at niyakap ako. Iyak lang siya ng iyak habang si Noona, nakayuko at umiiyak din. I gulped para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap nila ngayon dahil ako na lang ang makakapitan nila. I have to be tough for Noona and for Kwan habang hindi pa lumalabas si Mama Boo sa loob ng ER.

Dinala ko si Kwan sa may upuan at tumabi kami kay Noona. Nakasandal lang ang ulo ni Kwan sa balikat ko habang walang tigil ang pag-iyak niya.

"Noona, anong nangyari kay Mama Boo?"

"Inatake kasi siya ng sakit niya sa puso. 'Di namin alam ang gagawin namin, Ji. Kanina pa si Mama d'yan pero hindi pa sila lumalabas. Wala pa kaming balita kung ok ba siya. Natatakot ako. . ."

Patuloy ang pag-iyak niya nang hindi man nag-aangat ng tingin. Tumango ako sa sinabi niya at 'di na nagsalita after. Ilang oras pa kaming naghintay bago lumabas ang doctor sa ER.

"Doc. . ."

"Kayo ba yung kamag-anak ng pasyente?"

"Opo. . . Kumusta na po si Mama?"

"Sa ngayon ok na siya. Pero kapag hindi pa siya naoperahan agad, mas lalong manghihina ang puso niya. Makakaramdam siya ng pananakit ng dibdib more often kaysa dati dahil nahihirapan nang mag pump ng dugo ang puso niya."

"Doc, magkano po ba ang aabutin ng operasyon?"

"I'm afraid to say na wala kaming sapat na kagamitan para sa operasyon na 'to, Miss. Kaya we suggest na dalhin siya sa America para doon operahan. Mas advance ang kagamitan nila doon at doon guaranteed na magagamot ang Mama niyo. For now, ililipat muna namin siya ng kwarto at hahayaang magpahinga."

"Doc, gaano po ba kalaki ang gagastusin namin 'pag sa America siya nagpagamot?"

"Since galing siya sa hospital namin, may 30% discount kayo pero doble pa rin ng ibabayad niyo dito ang ibabayad niyo sa America."

"..."

"..."

"Nga pala, puntahan niyo ko sa office ko para maibigay ko ang reseta ng gamot ng Mama niyo."

"Ok, Doc. Salamat po."

Ngumiti lang ang Doctor saamin bago umaalis. Napabuntong hininga ako at tinignan si Noona na ngayon ay mukhang namomoblema.

Kahit naman kasi may kaya sina Kwan, hindi pa rin nila masusuportahan ang operasyon ng Mama niya lalo na't hindi ganun kalaki ang kinikita ni Noona at nag-aaral pa si Kwan. 'Di rin sapat ang kinikita ko sa Pledis para suportahan man lang ang pag-aaral ni Kwan.

Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now