Chapter 86: The End

Start from the beginning
                                    

"Kuya ang ganda. Sa tingin ko mas maganda pa to mamayang gabi. Gusto ko pa sanang makita ang kaso kanina pa siya aya ng ayang umuwe. Nakakarindi na" sabi sakin ni Raisa na nakapagpangiti sakin.

"Kailangan mong magpahinga at isa pa tignan mo nga yang suot mo. Hindi akma sa event mamaya"

"Anong gusto mo mag gown pa ako? Kasal ba to? Okay naman ang suot ko ah" sabi niya at tinignan ang itim na bestida niyang suot.

Sa itsura niya ay hindi halatang buntis ito.

"Tara na nga" singhal sa kanya ni Carlo.

Naiiling nalang si Raisa na sumunod sa kanya.

Lumingon siya sandali sakin at sinabing "kaya mo yan kuya"

Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway. Raisa is like Mie in some angle. pareho nilangs sinasabi ang gusto nila at madalas childish

Tinignan ko ang paligid. konti na lang maayos na. Hindi ko naman magagawa lahat ng ito ng wala sila.

Baby Mie Calling...

Sa loob ng isang araw nakaka tatlo hanggang limang beses kung tumawag sakin si Paige. Lagi itong may balita o laging sinasabi.

"Hello sweetheart" masayang bati ko.

"Dee" bulong niya

"Why are you whispering?" tanong ko.

"Natutulog kasi si mee"

"Until now she's sleeping?"

"Yes. I think she is tired. What time ka ba darating dee?"

"pupunta kayo dito for the surprises remember?"

"opo. what time mo po kami susunduin dee?"

"Not me. Baka si kuya Enso mo."

"Pero dee-" hindi ko na naintidihan ang sinasabi niya dahil sobrang hina na.

"Paige mamaya na tayo mag-usap. Baka magising ang mommy mo. Once everything is finish ipapasundo ko na kayo. Don't forget my gift okay?"

"Yes dee. Bumili kami ni mee yesterday. No! The other day. Magugustuhan mo ang gift ko dee."

"Talaga? Ang sweet naman ng princess ko"

"Yes po. Sabi ni mee gusto mo daw po yun" mahina niyang sabi.

"Okay sweetheart. Don't call me again. Baka hindi ko na rin masagot ang calls mo dahil busy si daddy. Dadating na kasi mamaya ang mg fireworks and foods"

"I love fireworks dee"

"I know you do. Bye sweetheart"

"Bye dee"

Makalipas ang isang oras ay nagsidatingan na ang mga bisita.

Unang dumating sina mommy at daddy kasama ng mga naiwang pang kasambahay kanina sa bahay. Hindi na sila nagluto para sa paskong darating dahil sa event ngayon. lahat sila ay imbitado.

"Is everything okay son?" Kumusta ni daddy ng mapag-isa kami. Si mommy naman ay nagsimulang libutin ang paligid.

"Yes dad. Thank you" ngiting tugon ko kay dad.

"Congratulation. I am proud of you son. Don't think otherwise" sabi niya at niyakap ako.

"Thank you dad. Sorry kung lagi ko kayong napag-aalala ni mommy. I will try my best to be a good father to my children."

"I know you will. Marame ng nagbago sayo. You are learning from your mistakes and now you are man enough to take responsibilities and knowing your priorities"

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now