Nang makarating ako sa hotel room ko ay bigla kong naalala si Yannie. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang pumasok sa isipan ko.

 

Siguro ay namimiss ko nanaman siya. Hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko. Kung naging mas maingat ako. Kung naging mas maingat lamang ako ay sana hindi ito nangyayari lahat.

 

Sana ay masaya kami ngayon. Hamabbuhay kong pagsisisihan na hindi ko manlamang nasabi ang nararamdaman ko para kay Dyanne. Maybe because she didn’t let me.. Pero alam ko sa sarili kong hindi iyon dahilan para hindi ko iyon sabihin sa kanya.

 

That thought kept me up all night. Kahit pagod ako sa byahe ay hindi magawang antukin ng diwa ko. Buong magdamag kong iniisip si Yannie.

 

Kung ano ang pwedeng mangyari dapat sana kung hindi nangyari ang.. ayoko ng maalala.

 

Huminga kao ng malalim at pinilit matulog.

 

 

 

“Maayos naman ba ang lahat dito?

 

“Opo, sir Gio.” Aniya habang nakasunod lang sa akin. “Maayos naman pong minomonitor ni Sir Hans ang mga pumapasok at lumalabas dito sa supermart.”

 

Nakarinig ako ng ingit ng push cart kaya naman napalingon ako. Para akong inugatan sa nakita ko.

 

Was that Yannie?

 

Nakatingin ito sa akin. Ngunit para itong nakakita ng multo at agad na lumabas ng supermart.

 

Nang mapagtanto kong si Yannie nga iyon ay sinundan ko siya. “Yannie!”

 

“Yanie? Oh God!” Hinigit ko ang kanyang braso ay mabilis siyang niyakap. Damn, I miss this girl! Pero wala pang limang Segundo akong nakayakap sa kanya ay malakas nya akong tinulak palayo sa kanya.

 

“I—I’m sorry. I think you’re mistaken.” Tumalikod siya at umalis rin. Damn!

 

“No, Yannie!”Hindi ako nagdalawang isip na habulin siya. I will never let this chance slip right through my fingers!

 

Anim na taon ang pabalik balik dito sa London pero bakit nga ba hindi ko manlang naisip na maaring narito si Yannie? Damn stupid, Gio!

 

“God, I miss you so bad!” Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin ulit sya.  Pero gaya kanina ay tinulak nya parin ako palayo. Walang sabi sabi nya akong tinalikuran at mabilis na nagtungo sa kanyag kotse.

 

Hindi ko siya masisisi kung bakit ganyan ang naging reaksyon.. But damn! Why does it hurts so much! Pero kahit na ganito ay hindi ko mapigilan ang sarili kong habulin siya. Kahit paulit ulit nya akong itulak ay hindi ako susuko. I already did that once, I’m not going to do it again.

The Miserable BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя