Epilogue

2.7K 83 4
                                    


***

"You and I will meet again. When we're least expecting it. One day in some far off place, I will recognize your face. I won't say goodbye my friend. For YOU and I will meet AGAIN." - TOM PETTY

---

Sabi nga sa kanta..

'Don't say goodbye, Just see you later yeah.'
'Don't say goodbye, I'll see you soon again.'
'Cause if you really want me there.'
'I'll be there to take your hand.'
'Gonna tell you it's alright.'
'As long as you don't say goodbye.'

Ito yung kantang kapag pinakinggan mo.. gagaan yung loob mo. Yung sakit na madarama mo kapag naaalala mo siya, maiibsan kahit papaano. Pano ba naman? Yung sa halip na 'Paalam' pinalitan niya at ginawang 'Sa Susunod nating pagkikita'. Nagawa niyang pagandahin yung isang salitang , nagdudulot ng sakit once na sinabi ito. Mapapaisip ka nalang, oo nga naman, magkikita pa rin naman kayo di ba?! Hindi man sa mundong ginagalawan mo ngayon pero sa isang mundong nanaisin mong tumira at makasama siya ng napakatagal na panahon.

Hindi ako sigurado sa maraming bagay pero eto lang ang alam ko.. Someday, You'll see the reason why there's good in goodbye at sa loob ng dalawang taon.. nakita namin yun.

Tama.. Dalawang taon na ang nakakalipas buhat ng iniwan niya ako. Dalawang taon na ng naging bayani ang babaeng pinakamamahal ko. At sa loob ng dalawang taong yun.. nasaksihan namin ang mga pagbabago na naging posible dahil sa kanya. Mga pagbabago na matagal ng ipinagkait sa amin ng kapalaran. Isa na dito ang mundong masaya, payapa at ligtas. Mundong hindi binabalot ng takot at kasamaan. Mundong ligtas mula sa mapait na kamatayan. Kung titingnan mo.. napakaimposible na magkameron ng ganitong klaseng mundo pero dahil sa ginawa niyang kabayanihan.. abot kamay na naman ito.

Hindi naging madali para sa akin na tanggapin ang pagkawala niya. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ko. Bumalik ang mundong ginagalawan ko nuon. Ang mundo kung saan mag-isa lang ako. Wala akong ginawa kundi ang magkulong at umiyak. Hindi lang buhay ko ang sinira ko pati na rin ang katawan ko. Namayat ako na parang buto't balat. Pinabayaan ko ang sarili ko. Kung may bata nga na makakakita sa akin, baka katakutan nila ako. Pero kahit mukha na akong bangkay nun.. hindi pa rin nila ako sinukuan. Isang taon at kalahati akong pinagtiisan ng mga kaibigan ko. Yun bang kahit na ipinagtatabuyan ko sila, hindi sila umaalis at patuloy na ipinaunawa na kung ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko sa sarili ko..hindi lang sila ang masasaktan at mahihirapan kundi pati na rin SIYA. SIYA na dahilan kung bakit ako nadurog at SIYA rin na naging dahilan para muli akong mabuo.

Matapos kong maunawaan ang lahat..ibinalik ko ang Jed na kilala nila. Ang Jed na handang harapin ang lahat ng walang takot at pangamba. Ang Jed na suplado at misteryoso. Ang Jed na ngayon ay binuo mula sa masamang alaala. Ang alaala ng pagkawala niya.

Miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang makita't mahawakan. Gustong-gusto kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Gustong-gusto ko siyang mayakap at mahalikan pero wala ee. Hindi ko magagawa lahat ng yan. Hanggang sa panaginip na lang ako. Hanggang sa mga alaala na lang ako. Mga alaalang kailanman ay hindi na madaragdagan pa.

Wala akong magawa kundi ang umiyak sa twing dumadalaw siya sa isipan ko. Hanggang ngayon kasi..sobrang sakit pa rin. Ang dami naming pinalano na hindi nangyari. Yung kasal na balak namin pagkatapos ng digmaan..wala na. Napurnada na.

"Eto na naman tayo. Mag-isa ka na namang nage-emote diyan. Ano ba naman Jed? Mag-invite ka naman minsan." Sabi niya sa akin bago ako inakbayan at pabirong binatukan.
"Tsss." Waang emosyong response ko sa kanya.
"Hay nako Mackie. Soloist kasi yan. Di ka na nasanay. Hilig talaga niyang magmukmok mag-isa hahaha." Sabi naman ni Casie na dala-dala na namang ang mga gardening material niya.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now