(13) Unknown Savior

4.7K 141 7
                                    

"S-s-s-ino K-ka?"

"wag ka na munang magsalita. Malapit na tayo."


Yung boses niya, parang pamilyar.


Sa pagmulat ng mga mata ko, sabay na nawala ang mga boses na naririnig ko.


"Ms. Clarkson?"


Puti? Bakit puro puti ang nakikita ko?


"Ms. Clarkson, okay ka na ba?" Isang matandang babae ang nasa harap ko ngayon at base sa damit niya mukha siyang opisyal dito sa Enchanted.

"Asan po ako?"

"Nasa Heal Station ka. Ako ang healer ng Enchanted."


Sinubukan kong maupo mula sa pagkakahiga pero hindi ko kinaya.


"Wag mo munang pilitin ang sarili mo Ms. Clarkson. Magpahinga ka muna dito. Nasabi na rin namin sa klase mo na hindi ka makakaattend ngayon dahil sa kalagayan mo. Ano bang nangyari sayo Hija?"


Ano nga bang nangyari sa akin? Sinubukan kong balikan ang mga nangyari pero wala akong maalala.


"Hindi ko po alam."

"Ganun ba? Siguro natrauma ka lang kaya hindi mo siya maalala sa ngayon. Sige Hija, magpahinga ka muna. Duon muna ako sa labas at aasikasuhin ko lang ang mga halamang gamot."


Bago pa man tuluyang makaalis ang Healer. May bigla akong naalala.


"Teka lang po."

"Bakit Hija?"

"Pano po ako napunta dito?"

"Ayun ba Hija. May nagdala sayo dito."

"Sino po?"

"Si..."

"RAXELLEEEEEEEE."


O_o ganyan kami parehas ng Healer.


"Mackie. Bakit ka sumisigaw?"

"Ay. Sorry hahaha."

"Kamuntik mo na akong mabingi Hijo."

"Sorry po Healer."

"Ay siya. Maiwan ko muna kayong dalawa ha."

"Sige po."


Naupo si Mackie sa harap ko at biglang kumunot ang noo niya.


"Sino ang gumawa niyan sayo Raxelle?"

"Hindi ko alam. Wala akong maalala."

"Ha? Bakit naman?"

"Sabi ng Healer, baka natrauma daw ako kaya di ko maalala sa ngayon ang nangyari."

"Basta Raxelle. Pag naalala mo kung sinong gumawa niyan sayo, sabihin mo agad sa akin. Ililibing na natin sila ng buhay."

"Para kang sira Mackie."

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now