(66) Traitor?

1.7K 60 0
                                    

Raxelle's P.O.V

Ang saya talaga nung Falls party nung isang araw. Hindi pa rin ako makaget-over sa mga nangyari duon. Sobra talagang nag-enjoy kaming lahat. Yun bang, lahat ng pagod naibuhos namin sa pagbababad duon sa Falls. Sobrang nakakarefresh talaga siya. It is all worth it. ^____^

But then sabi nga nila, lahat ng saya may kaakibat na lungkot.

Two days after ng Falls Party may nangyaring hindi maganda. Lahat ng imbak na pagkain na siyang magsusupply sa amin for one week, nawala ng parang bula.

Here's a flashback on what happened.

---
Habang Nakwekwentuhan kami ng Warriors sa dining katabi ang ilan sa mga kasamahan ni Yaya, nakarinig kami ng mabibilis na yabag malapit sa pwesto namin. Agad kaming tumingin sa daan papunta sa entrance ng kweba at hinintay kung kanino nanggagaling ang mga foot steps.

"Warriors..." Mabilis na tumatakbo ngayon papalapit sa amin ang ilan sa kasamahaan ni Yaya. Base na rin sa itsura nila, mukhang may masamamg balita kaming maririnig.
"Ano pong problema?" Agad na tanong ko sa isa sa kanila.
"Wala na lahat ng pagkain na nakaimbak sa taguan."
"Po?"
"Balak sana naming kumuha ng ilan sa mga prutas at gulay na nakaimbak duon pero wala kaming nakita ni kahit na ano sa imbakan. Wala na itong laman. Tinanong ko ang mga kasamahan ko pero wala sa kanila ang kumuha ng kahit na anong pagkain duon. Hindi namin alam kung saan napunta ang mga pagkain."

Napuno ng pagtataka ang buong kweba. Namayani ang katahimikan ng ilang minuto pero agad ko itong binasag.

"Pano po nangyari na nawala lahat ng pagkain? Hindi po kaya nakain ng ligaw na hayop sa gubat?"
"Hindi maaari iyon Hija. Hindi kayang buksan ng anumang hayop o kahit na mababangis na hayop pa ang baul na pinagtataguan ng pagkain. Tanging sandata lang ang maaaring makapagbukas nito dahil na rin sa nakakandado ito."
"Ibig pong sabihin, may sumira ng kandado ng baul?"
"Oo Hija. Nadatnan namin na nasa lupa na ang kandado pati na rin ang takip ng baul. May nagnakaw ng pagkain natin."

Nung una, akala namin mga taong naliligaw sa gubat ang nakakuha ng pagkain namin pero nagkamali kami.

Wala pang ilang oras ang nakakalipas nun ng madiskubreng pati ang isang baul na pinagiimbakan din ng pagkain na nakatago malapit sa ilog ay wala na ring laman. Dahil dito napagpasyahan namin ni Jed mag-ispiya sa kung sino man ang nagnanakaw ng pagkain namin at hindi namin ito sinabi kahit kanino. Kahit sa mga kasamahan namin.

Naghintay kami mula sa itaas ng puno malapit sa ikatlo at huling baul na natitirang may laman. Tumagal ito ng tatlong oras pero nung makarinig kami ng pamilyar na ungol, duon na ako kinutuban.

"Mga walang hiyang Black Army. Sila pala ang nagnanakaw ng pagkain natin." Galit na sabi ni Jed na nagtatago sa punong katabi ko.
"Napaka sakim talaga nila. Haaay. Nakakainis na talaga sila."
"Ano? Tara na? Pulbusin na natin sila bago pa nila makuha ang laman ng huling baul."
"Sige Jed. Tara na. Maganda ngayon ang mood ko. Mukhang makakapagbanat na ulit ako ng buto." Ngumiti lang sa akin si Jed atsaka mabilis na tumalon sa harap ng Black Army na balak ng sirain ang kandado ng baul. Sumunod ako sa kanya at isa na namang bakbakan ang namagitan sa amin ni Jed at ng Black Army.

Dinala na namin sa loob ang huling baul para masigurado na hindi na ito mababalikan ng Black Army. Sinabi na rin namin na isa sa kwarto namin ang gagamitin na imbakan ng pagkain.

Ang maliit na espasyo ng kweba ang dahilan kaya sa labas ng kweba itinatago ang mga baul. Inilagay ang tatlong baul sa magkakaibang lugar malapit sa kweba at walang nakakaalam nito maliban kina Yaya at sa aming mga Warrior. Kaya malaking pagtataka kung paano nalaman ng Black Army kung saan nakatago ang mga baul.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now