(26) Care

3.7K 108 5
                                    

Mackie P.O.V

Maaga akong gumising para masimulan na agad ang paghahanap kay Raxelle pati na rin kay Jed. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak si Raxelle. Best friend ko siya at ako lang ang taga pagligtas niya. Ikamumuhi ko sa sarili kung pati siya mawala sa akin.

"Mackie, san ka pupunta?" - Maddison

"Hahanapin ko na sila Raxelle."

"Pero sobrang aga pa aa. Ikaw at ako pa lang ang gising." - Maddison

"Kung iintayin ko na magising muna kayong lahat bago ako magsimula, aabutin ako ng siyam siyam. Ako na muna ang maghahanap. Magdadala na Lang ako ng pang-ilaw. Tapos pag nagising sila, sumunod na kamo kayo sa akin sa paghahanap."

"Ha? Sige sige." - Maddison

"Sige. Mauuna na ako."

Sobrang dilim pa sa paligid. Sa halip na tilaok ng manok, ungol ng kwago ang namumutawi sa buong Training Ground.

"Raxelle? Jed? Asan na kayo? Raxelle?" Paulit ulit kong sinasabi yan habang naglalakad ako sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

"Raxelle?"

"Jed?"

Kow. Magsilabas naman kayo. Ang hirap kayang maghanap ng mag-isa tas ang dilim dilim pa. Kahit lalaki ako, medyo natatakot din ako.

"Raxelle? Jed?"

Nasan na ba ako? Mukhang pati ako naligaw na. Tskk. Hayaan na nga.

"Teka?" Bigla akong napatakbo papalapit sa mga pamilyar na gamit na nasa pang-pang ng ilog. "Kay Raxelle to aa. Asan na yun? RAXELLE? Nandito ka ba?"

Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit nandito yung mga gamit niya? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya. Kinakabahan ako. Hindi ugali ni Raxelle na mag-iwan ng gamit niya sa kung saan saan lalo na't mga damit niya ito. Nasan na kaya siya? Nasan na kaya sila?

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang bitbit ko ang mga gamit ni Raxelle. Habang patagal ng patagal lalo akong kinakabahan. Sana lang ee magkasama sila ni Jed pero mukhang imposible yun.

"Raxelle? Jed?"

Nasan na ba sila? Malayo-layo na rin tong nalalakad ko pero wala pa din sila.

"Magsilabas naman kayo. Nag-aalala ang tao oh."

Naiinis na ako ha. Baka mamaya niyan, mag-iyak na lang ako dito sa sobrang pag-aalala. Okay, exagge masyado. Tsssk. Nababaliw na ata ako.

"Rax-"

Booooogs.

Woahh. Ano yun?

Booooogs.

Shutengs. May nananakot pa. Kenemene.

"M-may tao ba d-diyan?"

Shhhhhhhhhhh.

Susme. Asa horror movie ba ako? Grabeng sound effects ha. Epektibo. - -

"May tao ba diyan?"

Arghhhh. Nakakainis. Para akong nagshushoot ng horror film. Aminado naman ako na duwag ako lalo na sa mga bagay na hindi nakikita ng iba. Kaya sana ee tigil tigilan na. Waaaaa.

"Leche. Ako na nga ang nagmamagandang loob na maghanap sa kanila, ako pa tong ginagambala. Aist." Mabilis akong naglakad kahit hindi ko alam kung san ako papunta. "Bilis Mackie. Bilis. Hanapin mo na si-"

Booooogs.

"Aray."

Leche naman oh. Kung di sana sila nananakot, edi sana hindi ako madadapa. Asar. Ang sakit ha. Grabe naman yung tumalapid sa akin. Parang binti lang ee.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now