(27) The Second Task

3.7K 104 1
                                    

It's been one week pagkatapos nung naligaw kami ni Jed sa gubat. Naging maganda rin yung resulta nun dahil palagi na kami ngayong nasa boundary at magkakasama. Siguro, ayaw na rin na maulit pa yun kasi talaga mag-aalala ang lahat. Di man official pero mukhang magkakaibigan na talaga kaming siyam. Oo, may mga hindi nagbabago ng ugali kagaya na lang nila Jed at Ro. Snob at malamig pa rin yung pakikitungo nila sa amin, pero okay na rin kasi alam namin na nag-aalala pa rin sila sa amin at nakakausap na rin naman namin sila kahit papaano.

"Mukhang magaling na talaga yung sugat mo Raxelle."

"Oo Mackie. Medyo pinahirapan lang ako nito pero okay na siya."

"Mabuti naman kung ganun. Pasensiya ka na kasi hindi ako yung nakasama mo sa gubat nung mga panahong iyon. Sabi ko sayo susundan kita kapag hindi ka agad nakabalik pero hindi ko nagawa."

"Nu ka ba Mackie. Okay lang yun. Sobrang salamat nga kasi kung di dahil sa iyo siguro inabot na kami ng siyam-siyam dun. Atsaka sabi ko sayo wag ka ng magsorry. Ako dapat ang nagsosorry ee."

"Ee kasi..."

"Basta. Okay na. Tama na yang sorry na yan. Wala ka namang kasalanan ee. Kung may nangyari man sa akin duon sa gubat, kasalanan ko yun."

"Di man lang kita naprotektahan."

"Anu ka ba naman? Palagi mo na nga lang akong pinoprotektahan ee. Tama na Mackie. Okay lang talaga. Kaya smile ka na."

"Kow kung di lang kita bestfriend."

"Bestfriend mo nga ba ako? Kelan pa? Saka, tinanggap ko ba?"

"Nako Raxelle. Wag mo namang ireject. Palagi na lang ba akong nirereject."

"Hahaha biro lang. Nagdrama ka pa jan."

"Hahaha sa ayaw o sa gusto mo, bestfriend tayo. Sa bait kong to at sa gwapo kong to tatanggihan mo?!"

"Bait lang."

"Raxelle..."

"Hahahah biro lang."

Nagbibiruan pa kami nun ni Mackie ng dumating si Renz.

"Pinapatawag ang lahat sa Boundary. Dumating si Ma'am."- Renz

Nagkatinginan muna kami ni Mackie at saka nagmadaling bumalik sa Boundary. Pagkarating namin, seryoso ang lahat habang nakatingin kay Ma'am na may hawak na purple book.

"Mabuti naman at nandito na kayong lahat. Maupo kayo Mackie, Raxelle." Kagaya ng sinabi ni Ma'am, naupo kami at taimtim na nakinig sa kanya. Dahan-dahan niyang binuklat ang purple book at naningkit kaming lahat dahil bigla itong lumiwanag. "Eto ang Purple Book Recorder. Lahat ng ginawa nyo nuong mga nakalipas na araw ay naririto sa loob ng librong ito. Lahat ng ginawa nyo ay alam naming mga Enchanted Authorities lalo na ng mga Elders. Hindi nyo lang alam pero nakasubaybay kami sa bawat ikinikilos nyo. Yung nangyari Pandan Berry Ceromony nyo na parang party, yung pag-atake kay Ro ng mga paniki, yung pagkakaron ng sugat ni August dahil sa isang Oso at yung pagkawala nila Jed at Raxelle."

"Ma'am, as in lahat nandiyan sa Purple Book Recorder?"- Mackie

"Oo Mackie. Dito rin nakabase kung sinusunod nyo o hindi ang mga utos namin. Kung gagamit ng kapangyarihan agad namin itong malalaman. Kaya kung sa inyo, iwasan nyo."

"Ma'am, bakit nga po ba kayo naririto?"- Casie

"Mabuti at naitanong mo Casie. Narito ako upang ipaalam sa inyo na mayroon na kayong pangalawang task na gagawin."

"Po?" Sabay sabay naming sabi.

"Tama kayo ng rinig. Ang pangalawang task nyo ay survival task. Sa survival task, magkakaroon kayo ng partner. Ang partner nyo ang kasama nyo sa paggawa ng task. Ang task na ito ay magsisimula sa pinakadulo nitong Training Ground. May mga pagsubok kayong dapat lampasan at ang pinaka huli ay naririto sa Boundary. Kailangan nyong malampasan ang lahat kung hindi maaari kayong masaktan o mamatay."

Rise of the WarriorsOnde histórias criam vida. Descubra agora