(53) Heart Breaks

2.1K 76 0
                                    

Raxelle's P.O.V

At dahil nakakadalawang oras na kami dito sa Infirmary...

"Guys, medyo nagugutom na ako. Kayo ba?" Sabi ni Maddison habang hinahaplos ang tiyan niya.
"Palagi ka namang gutom. Wala ng bago dun."- Renz
"Kausap ba kita?"- Maddison
"Sabi mo Guys. So ibig sabihin, kasama ako dun."- Renz
"Ewan. Aist. Basta. Nagugutom na ako."- Maddison
"May Cafeteria sa ikalimang palapag ng Infirmary. Maraming pagkain ang ibinebenta dun."
"Bakit mo alam?"- Renz
"Aa. Kasi..Malapit dun nakadetain si Isabel. Nakita lang namin yun dati ni Jed nung dinalaw namin si Isabel."
"Kasama mo si Jed na dumalaw dati?"- Renz
"Aa. Oo."
"Ganun na ba kayong kaclose dati at hindi man lang namin nahalata. Hmmm. Kaya naman pala ee."- Renz
"Kaya naman pala ano?"- Casie
"Ehem." Sabay kaming napatingin ni Renz nun kay Jed at kagaya ng inaasahan...
"Hahaha. Wala yun Casie. Kaya naman pala...ang gwapo ko." Nagulat na lang kami ng biglang binatukan ni Maddison si Renz. Awts...
"Kinakausap ka ng ayos jan. Tsssk."- Maddison
"Aray. Bat mo ko binatukan?"- Renz
"Inalog ko lang ng konti utak mo. Baka sakaling magamit mo na." Sabay irap niya.
"Aist."- Renz

Haaay. Kelan kaya sila magkakasundong dalawa?

"May nangyari kasi dati sa pagitan namin ni Isabel at nagkataong si Jed ang nagligtas sa kin nun, kaya naman sinamahan niya akong dumalaw dito ng mabalitaan naming nakadetain si Isabel dito."
"Anong nangyari?"- Lei
"Nako. Mahabang kwento haha. Saka ko na lang ikwekwento sa inyo, ang mahalaga ngayon ee makabili tayo ng pagkain. Teka...Gusto nyo bang ibili ko kayo ng pagkain dun?"

Nagkatinginan muna sila at halata na parang nahihiya pa sila na tanggapin ang alok ko. Nako. Ang mga ito.

"Huwag nyo na akong tanggihan. Wala kayong magagawa dahil ako lang at si Jed ang nakakaalam kung saan yun. Kaya amina ang pera at ako'y bibili na."

At dahil sa wala talaga silang magagawa. Ibinigay na nila sa akin ang pera pero...

"Sinong kasama mong bumili? Hindi naman pwede na mag-isa ka lang."- Casie

Oo nga no. Mukhang madami din naman ang bibilhin ko kaya kelangan ko ng kasama.

"Ak-"- Jed
"Ako ang sasama sa kanya." Sabay tayo ni Mackie. "Ako lang."

Namutawi ang katahimikan sa amin nun. Pano ba naman tong dalawang to, parang laging gulo ang hanap. Ang awkward tuloy ngayon. Ano ba talaga kasing meron kay Mackie? Parang iba na talaga siya ngayon.

"Ehem. Ehem." Pambabasag ni Maddison sa katahimikan. "Sige na Mackie. Lumakad na kayo ni Raxelle. Masyadong mainit dito sa loob. Bilisan nyo lang ha."
"Sige."- Mackie

Lumabas na siya nun ng kwarto kata naman napasunod na lang ako pero bago ako tuluyang lumabas... tumingin muna ako kay Jed at ngumiti. Huwag kang mag-alala Jed, hindi ako gagawa ng bagay na ikasasakit mo.

---

"Bakit puro Junk Food naman ata ng pinabili ni Maddison? Di kaya magkasakit tayo nito?"
"Hindi naman siguro."
"Alam ko na. Ibibili ko yung iba ng vegetable salad at bread para naman may nutrients pa rin tayong makuwa."
"Sige."

Tsssk. Anu ba naman tong si Mackie? Kanina pa akong umimik ng umimik dito tapos siya, ang tipid ng mga sagot. Aist. Hindi ko na kaya to. Tumigil ako nun sa paglalakad at hunarap sa kanya na ikinagulat niya.

"Hoy Mackie."
"Aa. B-Bakit?"
"Ano bang problema mo? Ibang-iba ka na aa. Bakit ang tahimik at seryoso mo na palagi? May nangyari ba nung wala ako?"
"Ha? Wala."
"Ee bat ganyan ka?"
"Haha. Ano ka ba? Walang nagbago sa akin. Halika na nga." Sabay akbay niya sa akin at nagsimula na ulit maglakad.

Ang peke talaga niya. Tsss.

At kagaya nga ng sinabi ko, binudget ko yung perang binigay sa akin at bumili ng iba bukod sa junk food na gusto ni Maddison.

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon