(17) Her Dark Side

4.9K 154 14
                                    

"RAXELLEEEEEEE."

Bigla akong nabulunan dahil sa gulat ko kay Mackie. Pakiramdam ko lahat lahat ng kinain ko bumara sa lalamunan ko pati na rin yung nasa tiyan ko na.

"Ano ba Mackie? Gusto mo na ba akong mamatay? Bat ka ba sumisigaw?"

"Totoo ba?"

"Ang ano?"

"Nagback-out ka daw."

"Oo. Bakit?"

"ANO? BAKIT NAMAN?"

"Basta."

"ANONG BASTA? BAKIT KA NGA NAGBACK-OUT RAXELLE?"

"MACKIEEEEEEE."

"ANO?"

"WAG KANG SUMIGAW."

"EE SUMISIGAW KA DIN NAMAN AA."

"Aist. Wag ka na ngang sumigaw. Magkalapit lang tayo ee."

"Hahaha sorry. Ee sagutin mo muna kasi ako."

Ang kulit talaga nitong isang to.

"Wala. Personal reason. Walang nakakaalam kundi ako at ang Elders. Basta, ayoko na. Kaya goodluck na lang sa inyo."

"Aist. May pagbaback-out pang nalalaman ee. Raxelle, bawiin mo na yun. Wag mo akong iwang mag-isa dun."

"Ako nga'y tigilan mo. Para namang hindi mo kakilala ang mga makakasama mo dun. Basta. Di na pwedeng bawiin yun."

"Kakainis naman to ee. Iniwan ako huhuhu." Natawa na lang ako sa inasta niya. Sorry Mackie. Pag sinabi ko sayo ang dahilan baka magalit ka kay Isabel. Hayaan na natin na kaming dalawa na lang ni Jed ang nakakaalam.

Buong lunch kinukulit ako ni Mackie kesyo bat daw ako nagback-out, wag ko daw siyang iwan, di daw niya kayang mag-isa, haay. Kakaloka. At dahil sa kakulitan niya, iniwan ko siyang nagbubunganga dun sa tambayan ko.

Pagkapasok ko ng room agad kong nakita si Jed. Walang reaksyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Dalawang minuto siguro kaming nagkatinginan tsaka ako nag-alis ng tingin. Balik na naman kami sa dati. Parang walang nangyari. Siya na ulit yung Top Learner na galit sa mahinang kagaya ko at ako na ulit yung mahina na galit sa Devil Learner na yan.

Haay. Siguro naman magiging maayos na ang lahat. Nagback-out na ako. Siguro naman wala ng magagalit at maiinggit sa akin.

"Mama, sorry po. Hindi ko na matutupad yung pangako ko sa inyo." Bulong ko.

"Nahihirapan ka no?" Agad akong napatingin sa nagsalita. Oo nga pala. Kaming dalawa pa lang ang nandito sa room.

"Wala ee. Sabi ko naman sayo, ayos nang ako yung mahirapan kesa sila yung nahihirapan dahil sa akin." Napailing siya tapos biglang nagkaron ng apoy ang kamay niya. Isang bolang apoy. "Anong gagawin mo jan?"

"Etong apoy na to. Simbolo to ng katapangan ko. At ikaw, meron man o wala kang kapangyarihan yang pagiging mabuting puso mo ang sumisimbolo sa katapangan mo. Nagkamali ako." Tsaka siya umalis.

Ano daw? Hindi ko na-gets yung sinabi niya.

"RAXELLEEEEE."

O____o ako yan.

"Mackie. Sumisigaw ka na naman ee."

"Ayy. Sorry hahaha. Ee bakit mo ba kasi ako iniwan dun."

"Gusto mo bang iwan ulit kita dito. Sigaw ka ng sigaw ee." Bigla niya kong niyakap habang nakatalikod ako sa kanya at akmang aalis na.

Rise of the WarriorsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin