(32) Goodbye?

3.4K 110 0
                                    

Back to reality. Yesterday was a dream, today is a nightmare. Heto na naman kami, susulong sa isang matinding labanan. Kami laban sa mga hindi ordinaryong nilalang.

"Kelan kaya to matatapos?" Nagkibit balikat ako sa tanong ni Mackie. Kahit ako walang kaide-ideya kung hanggang kailan kami ganito. kung hanggang kailan kami kailangang mahirapan pero dahil para sa amin to, wala kaming magagawa kundi sumulong at makipaglaban.

"Portal Open." As Ma'am uttered that spell, the portal to our next destination is now in our front. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Sabi nila, once you feel an extreme happiness, a sudden sadness will take its part. At ayokong mangyari yun.

Pagkapasok ko sa Portal. Isang mausok at madilim na lugar ang napuntahan ko. May mga torch sa gilid ng daan kaya naman makikita mo ito pero eto lang ang lugar kung san may liwanag. Kumuwa ako ng isang torch ay nagsimulang maglakad.

Napapakiramdaman ko ang hindi pangkaraniwang lamig na dala ng hangin sa lugar na ito.

Simula ng mapunta kami sa Purgatory, eto ang pinaka kakaibang lugar na napuntahan ko. Oo, nakaramdam ako ng takot sa mga lugar na napuntahan ko noon pero mas matindi ang nararamdaman kong takot ngayon.

Hindi ko masabi na magaling o mahina ako. Pero kumpara sa abilidad ko noon, di hamak na mas magaling na ako ngayon. Natuto akong makipaglaban at gumamit ng sandata. Natuto din akong hindi umasa sa iba. Natuto akong protektahan ang sarili ko. Natuto akong ipagtanggol ang sarili ko at higit sa lahat, natuto ako pagkatiwalaan ang sarili ko. Siguro pagkatapos nito matatawag na ako na isang Improved Individual dahil sa dami ng natutunan at napagdaanan ko. At sana matapos ko ang lahat ng pagsubok dito.

Tahimik akong nagmasid sa paligid pero wala akong makita kundi itim. Walang tao, walang halimaw, walang kahit ano.

"Ano kaya tong napuntahan ko?" Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa...

Mahulog ako sa kung saan at nawalan ng malay.

---

The moment I opened my eyes nakaramdam din ako ng sobrang sakit sa ulo ko. Hinawakan ko ito at dahan-dahang naupo.

"Nasan na ba ako?" Pinagmasdan ko ang paligid at natigilan ako dahil napapalibutan ako ng maraming ahas, iba't ibang klase ng ahas.

Napatayo agad ako at inilabas ang espada ko.

"A-anong k-klase lugar to?" Kinakabahan ako habang pinagmamasdan ko ang mga ahas na unti-unting gumagapang papalapit sa akin. Ayoko sa kanila.
"W-wag kayong l-lumapit sa akin." Sinubukan kong gamitin ang espada ko pero tuloy pa rin sila. Palapit na sila ng palapit sa akin.
"U-umalis kayo. Lumayo kayo sa akin." Dahil tila hindi ko magagamit ng ayos ngayon ang espada. Kinuwa ko ang dalawang kutsilyo sa may binti ko.
"Sa pagkakataong ito, mas magagamit ko kayo."

Kahit natatakot ako sa inyo, hindi ako magpapasindak. Kailangan ko kayong malampasan para mapatunayan ko ang sarili ko. Sobrang dami ko ng pinagdaanan. Ngayon pa ba ako susuko?

Nasa may paanan ko na sila. Hindi lang ako gumagalaw kaya hindi pa sila nagsisimulang umatake. Kumbaga, pinapakiramdaman nila ako.

"Ahas lang kayo, Warrior ako."

Sabay saksak ko ng kutsilyo sa ahas na nakapulupot sa binti ko. Iisa-isahin ko kayo.

Paulit-ulit kong ginawa ang pagsaksak sa mga ahas. Madami-dami na rin akong napapatay, yung iba ibinabato ko sa pader at yung iba inaapakan ko ang ulo.

"Sssssss."
"Aaaa." Sheeezzz.

Napaupo ako dahil sa kirot na nararamdaman.

"Walang hiya ka. Sinusubukan mo talaga ako." Hinuli ko yung ahas na tumuklaw sa akin at hinawakan ko ng mahigpit sa ulo. "Mas makamandag pa din ako sayo." Sabay pugot ko sa ulo niya.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now