(12) Painful Acceptance

4.7K 142 4
                                    

Lahat kami iniintay ang sunod na sasabihin ni Ma'am. Kahit ang Exceptional Learners hindi mapigilang macurious kung sino nga ba ang madadagdag sa bilang nila, hindi bilang isang Exceptional Learner pero bilang susunod na Warrior.


Ano kayang pakiramdam na mapabilang sa kanila? Ang pakiramdam ng mapili bilang susunod na Warrior.


"Ms. Clarkson"


Nabalik ako sa kasalukuyan ng biglang tawagin ni Ma'am ang apelyido ko.


"Bakit po Ma'am?" Nagtatakang tanung ko.

"Ms. Clarkson hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

"Pasensiya na po Ma'am, may iniisip lang po ako."

"Ikaw Ms. Clarkson ang bubuo sa bilang ng susunod na magiging Warriors."

"Aa. Yun po b- ANO PO?"

"Ms. Clarkson isa ka sa napili ng mga Elder na maging Warrior."

"T-totoo po ba yan? B-bakit po ako?"


Sasagutin na san ni Ma'am ang tanung ko ng tumayo sina Garry at Tom. Sa itsura nila, bakas ang pagkadismaya at pagkabigla.


"Ma'am bakit po si Raxelle? Mahina po siya at walang kapangyarihan. Di siya karapat-dapat na maging Warrior. Kumpara sa kanya, di hamak na mas lamang kaming ibang holder. Malalakas po kami di kagaya niya." After sabihin yun ni Garry, sumang-ayon ang iba naming kaklase sa sinabi niya. Marami sa kanila ang umangal at di makapaniwala, kagaya ng nararamdaman ko. Hindi din ako makapaniwala. Bakit nga ba ako?

"Mr. Garry at sa inyo rin, hindi man malakas si Raxelle pero siya ang pinaka matalino sa inyo. Kahit si Jed ay pumangalawa lang kay Raxelle sa listahan ng pinaka matalino sa inyo. At dahil dun, napagdesisyunan ng mga Elder na piliin siya dahil sa angking katalinuhan niya. Hindi lang lakas ang basehan ng pagpili sa mga susunod na Warrior. Isa ring ang katalinuhan o ang talas ng isipan sa basehan para masabi na karapat-dapat ka."

"Kahit na Ma'am. Ni wala ngang maitutulong yang si Raxelle kung sakaling sasabak na sa labanan ang mga Warrior. Magiging pabigat lang yan sa grupo at maaari niya pang masira ang matagal ng iniingatang imahe ng mga Warrior."

"Mr. Garry, kung may reklamo ka pumunta ka ngayon sa Elders' Room at sa mga Elders mo sabihin yang mga sinasabi mo. Pero kung hindi mo naman gagawin ee manahimik ka na lang. Pinaaalala ko sayo may atraso ka pa kay Raxelle."


Walang nagawa si Garry kundi ang maupo pero bago siya tuluyang makaupo, tiningnan niya muna ako ng ubod ng sama. Hindi ata Good News sa akin ito kundi Bad News. Sigurado ako na mas maraming magagalit sa akin ngayon.


Lunch Break namin ngayon at kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno na palagi kong tinatambayan. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa ako sa napili bilang susunod na Warriors. Ano kayang gagawin ko? Pano kung kailanganin kong ilabas ang kapangyarihan ko? Pano na yan?


Sa pag-iisip ko sa mga pwedeng mangyari, hindi ko na napansin naka tabi ko na pala si Mackie.


"Mukhang may iniisip ang bagong Exceptional Learner aa."

"Mackie hindi naman ako nadagdag sa grupo nyo ee. Isa lang ako sa napili bilang Susunod na Warrior."

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now