(6) Jolly Bolt Maker

5.4K 161 1
                                    

Now, there are 5 more Exceptional Learners that I'm going to introduce. Those remaining Learners probably the greatest among the rest.

Top 5. Maddison Ortega. She can generates whitish-blue lightning that also contain pure life energy. Kayang-kaya nyang tustahin ang sinuman o anuman sa isang iglap.

Kilalang-kilala sa buong Enchanted si Maddison hindi lang dahil sa pagiging isang Exceptional Learner pero dahil din sa pagiging pala kaibigan niya. Lahat ng estudyante dito sa Enchanted pinakikisamahan niya na parang hindi sila naiiba sa kanya. Hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang pagiging E.L niya. Para sa kanya lahat sa Enchanted ay pantay-pantay, lahat ay espesyal, hindi lang silang mga E.L. Si Lei Davids na isa ring E.L ang best friend niya, siya ang kasama niya mapa sa kalokohan man o anu mang bagay.

Maraming beses ng pinasaya ni Maddison ang mga tao dito sa Enchanted. Kilala siya bilang isang Comedian. Simpleng pagkakamali niya ang nagbubunga ng kasiyahan para sa iba. Kaya halos lahat ng tao dito sa Enchanted Mahal na Mahal siya.

Once there was a Festival happened here in Enchanted. Maraming contest ang pwedeng salihan at booths na pwedeng puntahan. One of those contests ay ang Catch Me Up. Sa Catch Me Up competition ang kailangan mo lang gawin ay huliin ang mailap na hayop na bigla na lang maglalaho at maga-appear sa Arena. Arena is made up all by Glass. Maddison joined the said competition.

"Lei parang ang hirap naman nito." Sabay palo niya kay Lei.

"Aray ko. May palo pa talaga. Madali lang yan. Huhulihin mo lang yung rabbit ea."

"Pwedeng gumamit ng powers?"

"Yep."

"Oww. So easy pala. Yakang-yaka ma men. " Sabay crossed-arms niya.

When her time came. Pumasok na si Maddison sa Arena.

"GO MADDISON. KAYA MO YAN." Sabay wave ni Lei mula sa labas ng Arena.

"I KNOW IT. SUPER DUPER DALI MAMEN." sabay wave back niya kay Lei.

Ng makarinig si Maddison ng whistle, sinimulan na niyang hulihin ang rabbit na kanina pang nakatitig sa kanya.

"Hayan na ko munting kuneho. Kukunin ko ang ngipin mo." Sabay taas nya ng dalawang kamay at dahan-dahang lumapit sa rabbit na nakatingin lang sa kanya.

Ng malapit na siya sa rabbit, bigla niya itong tinalon at sinunggaban. Sa pagpatak niya sa lupa ramdam niya na nahuli niya ang kuneho pero ng tiningnan niya hindi pala kuneho ang nahuli niya kundi isang malaking bato.

"Leche. Asan ang kuneho?" Nagpalinga-linga siya sa paligid at nakita niya ang kuneho na nakatitig ulit sa kanya at feeling niya dinidilaan siya nito.

"Langya kang kuneho ka. Patay ka sakin. Dinidilaan mo pa ako ha." Parang nabalutan ng itim na aura si Maddison that time.

Tumakbo.lumakad.gumapang.dumapa.tumalon.sumunggab. lahat yan ginawa ni Maddison pero hindi pa rin niya nahuli ang kuneho.

"Walang hiya ka Lei. Sabi mo madali. Ang hirap pala "

Rise of the WarriorsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum