(34) Ghost?

2.8K 107 0
                                    

Mackie's P.O.V

One month passed. Kagaya ng sinabi ni Jed, sinubukan kong ibalik ang dating ako. Kahit mahirap, alam kong nagagawa ko ito, paunti-unti pero siya, talagang bumalik na siya sa dati. Ang Jed na suplado, walang imik at seryoso. Talagang nag-iiba lang siya pagdating kay Raxelle. Marami talagang nagbago sa pagkawala niya. 

"Mukhang uulan aa." Kahit ako naoobserbahan ko din yun dahil sa sobrang dilim ng langit. 
"Mukhang tama ka Renz. Matutuloy kaya ang pagsubok ngayon?"
"Kung itutuloy man tapos uulan, mahihirapan tayo." Napatango ako sa sinabi niya. 

Hinintay namin na lumiwanag ang langit pero sa halip ay nagsimula ng magkulugan . Nagulat kami sa biglaang pagsulpot ng hologram ni Ma'am. Tssk. Hindi na kami nasanay sa kanya. 

"Warriors. We're postponing the trials for this day. Mukhang hindi magiging maganda ang panahon ngayon at alam namin malaking abala ito sa inyo. Manatili kayo sa bawat water proof tent na ibibigay namin habang hindi tumitigil ang ulan. And Please be safe Warriors" Sa paglaho ng hologram niya ay ang pagdating ng mga water proof tent na tinutukoy niya. 

Isa-isa na naming itinayo ang bawat water proof tent at sakto naman na pagkatapos nun ay bumuhos ang napaka lakas na ulan. 

"Ang lamig."
"We obviously can't make bonfire."- Ro
"Oo nga ee. Ang lamig tuloy."- Lei

Nagtititigan lang kami habang nasa kanya-kanyang tent. Wala tuloy magawa kundi ang tumunganga. Pinagmamasdan ko lang nun ang mga patak ng ulan ng bigla ko na naman siyang maalala.

"I Miss You Raxelle." Bulong ko pero tila narinig ito ni Casie dahil tumingin siya sa akin. Nginitian niya ako pero biglang lumungkot ying mukha niya. May problema kaya siya?

Tila nagbibilang kaming lahat ng patak ng ulan ng mapadako ang tingin ko sa malaking batong madalas naming upuan ni Raxelle.

"Sh*t." Napatayo ako kaya automatic na nauntog ako sa bubong ng tent na binigay samin. "Aray."
"Okay ka lang ba Mackie?"- Casie
"Anong nangyari sayo Mackie? Bakit bigla kang napamura?"- August
"May...may..."
"May ano?"- Maddison

Pero bago ko paman masundan ang sinasabi ko ay nakita ko na naman siya na naglalakad palayo sa Semi-Boundary. Sheeez. Nagtataasan ang balahibo ko.

Mukhang napansin ni Ro ang reaksyon ng mukha ko kaya nagtanong na rin siya.

"Is there something wrong?"
"W-wala ba kayong nakita?" Sabay turo ko sa malaking puno na medyo malayo sa amin.
"Meron. Puno."- Renz
"Hindi. Bukod sa puno."
"Halaman? Damo?"- Renz
"Hindi."
"Hello, napapaligiran tayo ng dami, halaman at malalaking puno. Sa tingin mo anong makikita namin?"- Maddison
"Yung... yung..."
"Ee ano ba kasing nakita mo?"- Maddison
"B-babae." Bigla silang nagtinginan sa puno tapos balik tingin sa akin.
"Wala naman aa."- Renz
"Oo nga."- Maddison
"Hindi. Meron. Kanina nasa malaking bato siya tas umalis papunta sa punong yun."
"Baka naman namamalikmata ka lang?"- Lei
"Hindi ee. Nakita ko talaga."

Nagtinginan sila sa akin na para bang nababaliw na ako. Kahit si Jed, mukhang naguguluhan. Busy sila sa panghuhusga sa kin kung nababaliw na ba ako o nananaginip ng gising ng bigla ko na namang nakita yung babae pero ang kaibahan lang, hindi na siya nakatalikod ngayon.

O________O Leche. Totoo ba tong nakikita ko? Napatayo ako sa gulat at mabilis na tumakbo papunta sa babae pero di pa man ako nakakalapit ay lumakad na siya palayo sa akin.

"Teka lang." Mas binilasan ko ang pagtakbo pero may humila sa akin.
"Huy Mackie. Umuulan, san ka ba pupunta?"
"Renz hindi mo ba siya nakita?"
"Sino?"
"Si Raxelle." Biglang natigilan si Renz at mahahalata mo na medyo natakot siya. "Hindi mo ba siya nakita?"
"W-wala akong nakita."
"Yung babaeng tinutukoy ko. Si Raxelle yun."
"Mackie, imagination mo lang yun. Wala akong nakita. Wala kaming nakita."
"Hindi maaari yun."
"Mackie halika na. Basa na tayo oh. Baka imagination mo lang yun." Kahit labag sa kalooban ko, sumunod na ako pabalik sa kanya.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now