(40) Game Over

2.7K 101 1
                                    

Mackie's P.O.V

Hindi. Hindi to totoo. Imposibleng siya ang makakalaban namin.

"Raxelle, ikaw?"- Maddison
"Bakit?"- August

Hindi siya yan. Impostor lang ang isang yan. Hindi si Raxelle yan.

"Nabigla ba kayo?"- Raxelle
"Ano?"- Renz
"Hindi nyo akalain na ako ang makakalaban nyo ano? Bakit? Dahil sa akala nyo na mahina ako?"- Raxelle
"Hindi Raxelle. Nagkakamali ka."- Casie
"Sus. Mga mapagmataas kayo hindi ba? Kasi nga kayo ang Exceptional Learner. Kayo yung tinitilian, hinahangaan at kinatatakutan."- Raxelle
"Matagal kaming naghintay sa pagbabalik mo Raxelle. Ni minsan hindi namin inisip na iba ka at iba kami sayo."- Lei
"Magsitigil nga kayo. Tanggi pa kayo jan. Hindi nyo ko maloloko."- Raxelle

Bakit siya ganyan? Bakit ibang-iba siya sa kakilala naming Raxelle noon? Pano niya nasasabi ang lahat ng ito?

"Raxelle anong nangyari sayo?"

Tiningnan nya ako sa hindi maipaliwanag na paraan.

"Hi Mackie? Namiss mo ba ako? Alam mo sobra kong hinangad na makita at makasama ka ulit." Sabay ngiti niya sa akin. Yung ngiti na matagal ko ng hinihintay na makita ulit.
"Oo Raxelle. Namiss kita. Sobra. Pero ano bang nangyari sayo?"

Bahagya siyang sumimangot at tinanggal ang nakabalbal sa kanya. Namangha kami sa kanya dahil sa ganda ng hubog ng katawan niya na ipinakita ng kasuotan niya ngayon.

"Nagpakalayo layo ako sa inyo dahil gusto kong maging mas malakas sa inyong lahat. Matapos kong talunin ang halimaw sa huling pagsubok natin sa Purgatory, hindi ako pumasok sa portal pabalik sa Semi-Boundary. Dinala ako ng mga paa ko kung saan-saang lugar at dun ko nakalaban lahat ng kakaiba at pinakamalalakas na halimaw."- Raxelle

Hindi ko alam pero parang may mali.

"Alam mo ba Mackie, mas naimprove ko ang enhance hearing and touch ko." Enhance hearing and touch?

Dahil sa sinabi niya biglang bumalik sa akin ang naging usapan namin noon kung saan ipinaalam niya sa akin kung ano ang Enhance hearing and touch at kung bakit ang ordinaryong tao, kayang gawin ito.

"Raxelle." Siya nga ito. Imposibleng malaman niya yun at maalala kung hindi siya si Raxelle.
"Pero pasensiya ka na Mackie dahil ako ang makakalaban nyo ngayon. Hayaan mo hindi kita sasaktan basta ba sumama ka sa akin. Mas masaya at mas maganda kung tayong dalawa lang ang lalaban sa kampon ni Guido."- Raxelle
"Pero..." tiningnan ko ang mga kasamahan ko na kagaya ko ay naguguluhan rin sa mga nangyayari ngayon.

"Tumigil ka nga Raxelle. We all here para makipaglaban kay Guido at sa Black Army tapos sasabihin mo yan. Parang pinapalabas mo na wala kaming pakinabang ah." Tumingin siya kay Ro at biglang sumimangot.
"Alam mo, andami mong pinapakelaman. Dati pinakelaman mo ang kahinaan ko tapos ngayon ang desisyon ko naman. Dapat sayo pinapatahimik na ee para hindi ka nagiingay diyan." Umilaw bigla ang mga mata ni Raxelle at ang kasunod na nangyari ay ang pagtalsik palayo ni Ro mula sa amin.
"ROOOOOOOO."
"Pakelamera."- Raxelle
"Bakit mo ginawa yun Raxelle?"- Casie
"Ee di ba kalaban nyo ako at kalaban ko kayo. Anong gusto nyong gawin ko? Batiin kayo at magsaya dito."- Raxelle
"Hindi mo dapat sinaktan si Ro."- August
"Tapos ikaw pwede ka niyang saktan. Ha! Patawa. Martyr ka masyado August. Tigil-tigilan mo yan."- Raxelle

Napatungo si August sa sinabi ni Raxelle. Alam naming lahat na tama siya pero hindi niya dapat sinabi yun. Bakit ba siya ganto? Bakit nag-iba ang ugali niya?

"Hindi ikaw yan Raxelle. Hindi ikaw yan."- Renz
"Ano ka ba Renz? Shunga ka pa rin ba? Bat hindi mo ulitin ang ginawa mo kay Ma'am Magnificent at sa mga halaman ni Casie. Saktan mo din kaya yang mga kasamahan mo."- Raxelle
"Raxelle tama na."- Maddison
"Oh ikaw Maddison. Manhid ka pa rin ba? Ang tagal na aa."- Raxelle
"Anong ibig mong sabihin?"- Maddison

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now