(11) Who Knows?

4.7K 156 3
                                    

Going back to the story, handa na ulit akong gugulin ang nalalabing araw ko dito sa Enchanted, baka kasi mamaya niyan atakihin na lang ako ng mga holder dito sa Enchanted na inis na inis sa kahinaan ko.


I was heading to our classroom when someone pushed mo from behind. I was going to face him when he whispered something.


"Mahina."


By that time, alam ko na agad kung sino tong huklubang tumulak sa akin.


Tinitigan ko lang siya habang naglalakad siya palayo sakin. Sana nakakamatay ang tingin para pinagbuburulan na tong isang to.


"May araw ka rin sakin Jed." Sabay lakad ko.


Ng makarating ako sa classroom namin, nakita ko agad ang huklubang tumulak sakin. Akala mo kung sinong tino tong isang to. Ang sarap tadyakan. - -


Paupo na sana ako sa upuan ko ng biglang may humila nito, kaya ang ending, lying on the floor ang peg ko. aww. Anskit ng pang-upo ko.


"Opps. Sorry. Hahaha"


Nakita ko ang dalawang matitipunong lalaki sa harapan ko habang tumatawa dahil sa itsura ko.


"Hina niya talaga Garry. Dapat diyan tinatanggal sa section na to ee. Panira lang siya dito."

"Oo nga ee. Naasar ako pag nakikita ko ang pagmumukha nitong mahinang to. Hoy, ikaw..." sabay tingin nya ng masama sakin. Kinakabahan ako, baka kung anong gawin nya sakin.

"B-bakit?" utal na sagot ko.

"Ano bang gusto mong mangyari? Bakit ba ayaw mo pang umalis dito ha?."

"A-Anong bang problema nyo sa akin? H-Hindi ako pwedeng umalis dito."

"Aba at sumasagot ka na. Tom paliguan mo na lang kaya tong isa tong ng bala gamit yang kapangyarihan mo."

"Ayoko nga Garry. Ikaw na lang. Gamitin mo yang Hammer Hand mo at pagpira-pirasuhin mo na yan Haha."

"B-bakit ba kayo ganyan? W-Wala naman akong ginagawa sa inyo aa."

"Yun na nga ee. Dahil wala kang ginagawa mas naiirita tuloy kami lalo sa presence mo. Hindi ka talaga nababagay sa Section na ito. Naghirap kami para lang makapunta sa Section na to pero ikaw na mahina at walang kapangyarihan ay napakabilis na nakapasok dito. Alam mo iritang-irita ako sayo. Ang sarap mong pulbusin."


Hindi ko alam kung anong issue nila pero naiiyak na ako. Ang aga-aga nila akong pahirapan. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Ro at Jed na nakatingin din pala sa akin. Nakakahiya. Sigurado akong pinagtatawanan na ako ni Jed sa isip nya at si Ro, alam kong mas lalong siyang maiinis sa kahinaan ko. Buti na lang wala pang ang ibang E.L . Kundi sobrang nakakahiya na talaga.


Itinayo ako ni Garry gamit ang paghila sa kwelyo ng uniform ko. Medyo nasaktan ako sa ginawa niya pero di ko man lang magawang umangal.


"Kung ako sayo, aalis na ako. O baka naman gusto mo pa munang masaktan bago ka tuluyang umalis dito."

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon