(15) The Hidden Agenda

4.5K 139 6
                                    

Inilagay ko na ang lahat ng kailangan sa tutorial namin ni Isabel sa bag ko. Libro, notebook, hand-outs pati paper works ko. Sana maturuan ko siya ng ayos. Tiningnan ko muna ang sarili ko salamin bago ako tuluyang umalis.


Wound Marks. Medyo halata pa rin sila. Hinawakan ko yung wound mark sa mukha ko.


"Ikaw ang simbolo ng katatagan at katapangan ko." Napangiti na lang ako sa nasabi ko. Buhat ng pumasok ako sa Academy na to, marami rami na rin akong pinagdaanan. Hindi ko akalain na tatagal ako.


Habang nasa daan ako, pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Kada tinitingnan ko naman, wala namang tao sa paligid. Napaparanoid lang ata ako.


Medyo malayo-layo na rin ang nalalakad ko pero parang wala pa rin ako sa kabihasnan. Sobrang laki pala talaga ng Enchanted. Bakit kaya sa dulo na-assign si Isabel? Nakakatakot naman dito. Andaming puno at talahib. Parang pwedeng may murderin dito anytime.


Sssssshhhh.


O____o ako yan.  Ano kaya yun? Parang may kakaiba akong nararamdaman sa lugar na to. San na ba yung lugar ni Isabel?


Sssssshhhh.


"May tao ba diyan?"


Kinakabahan na ako. May sumusunod talaga sa akin.


"Lumabas ka diyan. Alam kong may tao diyan."


Ssssshhhh.


"Aa Aa naman. Wag ka namang manakot."


Naiiyak na ako. Nakakatakot dito.


"Raxelle."

"Waaaaaaaaa." Mama. Mama. Tulungan nyo ako. Natatakot ako huhuhu.

"Uy Raxelle. Okay ka lang ba?"

"I-isabel?"

"Ako nga. May problema ba Raxelle?"

"Ha?. Ee hehe wala wala Isabel. Ahm. Asan nga pala yung bahay mo?"

"Duon oh." Tinuro niya yung isang parang abandonadong warehouse sa laki.

"Aa. Sige tara na."


Ng makarating kami sa bahay niya. Nagtataka ako kung bakit ganto ang itsura ng bahay niya.


"Dito ka talaga nakatira Isabel? Bakit parang sobrang dilim naman tapos walang ganung gamit."

"Hindi kasi ako mahilig sa maliwanag."

"Ganun ba?" Nakakapagtaka talaga. Parang abandunadong warehouse talaga to ee. Hindi siya mukhang bahay.

"May problema ba Raxelle?"

"aa. Wala. Wala naman. Ahm. Magsimula na tayo."

"Raxelle..."

"Bakit Isabel?"

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon