(30) Crazy

3.6K 116 3
                                    

Lei's P.O.V

Hello mga ka-warriors. Kamusta naman kayo jan? Kagaya ba namin kayo na nahihirapan at nagdudusa? Kagaya ba namin kayo na nagugutom at nauuhaw? Kagaya ba namin kayo na mga gwapo at maganda? Well, dun sa panghuli talagang totoo yan. Kaya wag na kayong magsisikontra.

Ano nga bang mga pangyayari ang naganap at nagaganap sa amin dito sa Purgatory?

Sa maniwala kayo at hindi, dalawang linggo na kaming nandito sa Purgatory. Sa dalawang linggo na yun, puro paghihikahos at paghihirap ang naranasan namin. Weeeew. Lalim nun aa. So yun nga, kasalukuyan kami ngayong sumasabak sa isang labanan at alam nyo ba ang kalaban namin? Isang dambuhalang alimango na nasa mababaw na ilog.

"Yung totoo Lei, alimango sa gatuhod na ilog?" Sabay ilag niya sa sipit ng alimango na pinag-aatake nito.
"Sari-sari naman kasi ang meron dito sa Training Ground ee. Pero tapusin na lang natin to para makakuwa tayo ng pagkain."

Oo nga pala, alam nyo ba na para makakain ka at makainom, kelangan mo munang matapos ang isang pagsubok at ngayon, pagnanalo kami, may alimango kaming panghapunan.

"Aaaaa."
"MADD." Shutel. Daldal kasi ako ng daldal. "Ayos ka lang ba?" Sabay alalay ko sa kanya.
"Hello to Lei , hello. Natamaan po ako ng lecheng alimango na yan, sa tingin mo magiging maayos ako?" Sinasabi niya yun habang winawagayway yung kamay niya sa mukha ko.

Nasaktan na nga nagagawa pang magbiro. Nako talaga tong babaeng to. - -

Naghiwalay kami ni Madd ng pwesto tapos sabay kaming aatake sa alimango.

"Madd sa kaliwa ka, ako sa kanan."
"Hello. Alangan namang sa kanan ako ee nasa kaliwang part ako."
"Basta. Sunod sa plano."
"Kk. fine."

Sumenyas ako na simulan na, kaya naman mabilis na tumakbo si Madd at mataas na tumalon sabay labas nung espada niya at inatake ang alimango.

Sumunod na rin naman ako at ginaya ang ginawa niya.

"Yessss." Sabay naming sabi ni Madd. Successful ang plano.

Lumapit ako kay Madd at ngingiti ngiting nakipag-apir sa kanya.

"Ang galing ko talaga Lei."
"Ikaw lang ba?"
"Sus. Ginaya mo lang ako ee."
"Oo na lan-" Hindi pwede. Waaaaaaagg. "Aaaaa."
"LEI."

Napahiga ako dahil sa sobrang lakas ng pwersang tumama sa akin. Sheeez. Hindi pa pala tapos.

"Lei, jan ka muna ha. Ako ng tatapos dito."
"Pero..."
"Walang pero pero. Kaya ko to." Sabay tayo niya at itinapat ang espada sa higanteng alimango.

Ayan si Maddison Ortega kapag nasa seryosong mode na. Aakalain mong hindi siya ang kaharap mo. Ang bubbly na Maddison ay bigla bigla na lang mawawala at magiging nakakatakot na Maddison na.

Wala namang nakakapagtaka na nakakatakot siya kapag ganto dahil isa siya sa mga Exceptional Learner na kinatatakutan at hinahangaan.

"Humanda ka sakin. Tatapusin na kita."

Mabilis na tumakbo si Madd at ilang beses na inatake ang alimango. May pagkakataon na sinusubukan siya atakahin pabalik ng alimango pero nagagawa niyang ilagan to. Kumpara sa akin, mas mabilis kumilos si Madd.

At sa huling tira niya, napatumba niya ang higanteng alimango. Sa pagkakataong ito, totoo na.

"Tapos na rin." Tinititigan ko ang seryoso niyang mukha. Ang mukhang nakakatakot man ay napakaganda pa rin. Madd... "Wooo. Ang galing ko." Sabay talon niya at palakpak.

Ayan, bumalik na ulit siya sa dati. - - Lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo.

"Eengot-engot naman kasi ikaw. Sana yung mukha mo na lang yung pinagsangga mo, para wala ka ng problema."
"Anong ibig mong sabihin na problema ko tong mukha ko?" Grabe siya ha.
"Ikaw ang nagsabi niyan hahaha. Nga pala.." Woah. Goosebumps yun aa. Bigla ba namang nagchange mood tong si Madd. "Ang abnormal mo din ano."
"Ha?"
"Anong naisipan mo at talagang ipinangharang mo pa ang sarili mo? Pano kung may mas grabeng nangyari sayo? Pano kung napaka lakas nung pwersa tumama sayo? Luko-luko ka Lei ee."
"Madd.."
"Nakakaasar ka. Sana isinigaw mo na lang na hindi pa patay yung alimango at aatakihin niya ko para nakapaghanda ako, hindi yung ilalagay mo pa sa kapahamakan ang sarili mo para lang maprotektahan ako."
"Ayos lang yun Madd. Atleast, walang nangyari masama sa akin."
"Kahit na pano kung meron nga." Madd? "Sa susunod wag mong hahayaang masaktan ka ha. At kung pwede, sa susunod rin wag mo na kong poprotektahan kung mapapahamak ka lang."
"Hindi pwede."
"Lei?"
"Sa tingin mo ba matitiis ko na panuorin ka na lang na mapahamak? Sa tingin mo ba kakayanin kong makita kang nasasaktan? Sa tingin mo ba di kita kayang protektahan?" Tumingin bigla sakin si Madd na may pagkagulat sa mukha niya.
"Pero..."
"Madd, hindi ko kayang tumayo na lang at hayaan kang masaktan. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka. Kahit buhay ko man ang maging kapalit, kayo kong isakripisyo yun para sayo."
"Lei?"
"Ganun kang kahalaga sa akin Madd."

Rise of the WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon