CHAPTER61

6.2K 170 16
                                    

CHAPTER61



"Pwede ba akong makitulog dito... Rowena?" tanong ko sa kanya. Naguguluhan man ay tumango nalang din siya.

Pinapasok niya ako sa bahay niya at pinaupo sa couch. Masyado itong malaki para sa isang tao lang. Mas malaki ang bahay namin dito. Pero tatlo kami doon. Siya, mag isa lang dito. Walang kasamang kapamilya bukod sa dalawang kasambahay na kasama niya.

"Manang, paki-paghanda nga kami ng makakain dito ng anak ko." sabi ni Rowena sa babaeng may edad na.

"Sige, Rowena." sagot nito.

"Polly, pakiayos 'yung guess room, please? Doon matutulog ang anak ko eh." sabi niya naman sa isang babae na matanda siguro sa akin ng 5 taon.

"Sige po, ma'am." sabi naman nito tapos pumanhik na.

Inikot ko ang paningin ko sa bahay. Makonti lang ang gamit nito. Napaka luwang. Maya maya, pinagdala kami ni manang ng juice at sandwich.

"Ikaw lang mag isa ang nakatira dito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Oo, anak. Pero hindi ako mag isa. Kasama ko naman sila eh." sabi niya patungkol sa dalawang kasambahay na kasama niya. Sumimangot ako sa kanya.

"Bakita ka ganyan?" tanong ko habang nangingilid ang mga luha ko.

"Anong ibig sabihin mo, anak?" naguguluhan niyang tanong.

"Bakit napaka bakit mo? Bakit sa halip na itakwil mo ako bilang iresponsableng anak, nandito ka parin para intindihin ako? Bakit ba kahit hindi ko magawang tawagin kang nanay, mahal na mahal mo parin ako bilang anak mo?" tanong ko sa kanya habang lumuluha.

Oo. Alam ko. Paulit ulit na ako. Pero masisisi niyo ba ako kung gusto ko ulit marinig sa bibig niya ang mga salitang sinabi niya sa akin nung araw na itinanong ko rin sa kanya ito? Gusto kong marinig ulit. Gusto ko, paulit ulit. Nakita ko na rin na umiiyak na siya. Ganito ba kami palagi? Magdra-dramahan tuwing magkikita?

"Kasi nga anak kita. Hindi ka iresponsableng anak. Ako ang iresponsable dahil iniwan kita. Ako ang iresponsableng ina dahil hindi kita inalagaan nung sanggol ka palang. At naiintindihan ko kung bakit mo nagawa 'yun sakin dahil galit ka. Dahil sinaktan kita. Dahil tinanggalan kitang karapatan na maramdaman ang pagmamahal ng isang ina nung bata ka pa. Mahal na mahal kita, anak. I'm sorry." mahabang paliwanag niya.

"Nanay..." tawag ko sa kanya na ikinagulat niya.

"A-Ano 'yung itinawag mo sakin, anak?" hindi makapaniwalang tanong niya. Naningkit ang mata ko dahil sa pag iyak.

"Nanay..." sabi ko ulit. Lalo siyang naiyak nung narinig niya akong magsalita ulit.

"P-Pwede bang... Pakiulit?" sabi niya pa.

"Nanay... Nanay... I'm sorry, 'nay." sabi ko ng paulit ulit.

Niyakap niya naman ako bigla dahil siguro sa sobrang saya niya habang umiiyak ng malakas. Niyakap ko na rin siya pabalik. Alam ko... Isa na 'to sa hakbang ko para gawin ang tama. Isa ito sa mga pinaka tama na nagawa ko sa buong buhay ko. Mahal na mahal ko ang pinaka magandang babaeng ito. Ayoko nang humaba pa ang paghihirap niya sa akin. Pinapatawad ko na siya.

"Salamat, anak. Salamat. Mahal na mahal kita." paulit ulit niyang sabi.

"Mahal na mahal din kita, 'nay." sagot ko sa kanya. Hinigpitan naman niya ang yakap niya sakin.

Nandito na kami ngayon sa kwarto niya. Sabi niya, tabi na daw kaming matulog. Kakantahan niya daw ako tulad ng ginagawa niya dati kay Kuya bago matulog. Sa kanya nga siguro nagmana si Kuya. Ganun din kasi si Kuya sakin eh. Pero ngayon, nakaharap ako ngayon sa salamin. Nakaupo habang sinusuklay niya ang buhok ko.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Место, где живут истории. Откройте их для себя