CHAPTER13

7.1K 218 13
                                    

dedicated to sa kanya. salama sa pag follow. ^__^

His Boyish Bestfriend

 

CHAPTER13:

Lunes na ngayon. Pumasok parin ako. Hahaha. Wala lang. Napaka boring kaya dun sa bahay. Nung sabado ko naamin kay Mike ang lahat, kahit alam kong tulog siya. Kahit alam kong hindi niya ako maririnig. At least, nakaamin ako.

Kahapon, linggo. Ang mga walanghiya, nag inuman sa harap ko. Ni isang bote, hindi man lang ipinatikim sakin. Humanda siya sa TiPPLER'S REVENGE. HAHAHA ! Nasa akin ang huling halakhak !

Mejo nakakalakad na ako ng maayos. Syempre. Ako pa. Ako yata si The Unbeatable Gabriella Manlapaz. Hindi ako basta basta napapataob nu. Tsaka, matapang kaya ako. Malakas ako nu. Inaalalayan lang ako ni Mike sa paglalakad dahil sa saksak ko sa kanang binti ko. Hawak niya yung braso ko. Mejo alalay.

Nang makarating kaming dalawa ni Mike sa classroom, agad akong sinalubong ng mga putok ng baril at mga kutsilyong initsa talaga, para sakin. At dahil dun, namatay ako.

De, joke. Sinalubong lang naman ako ng isang nakakarinding tili sabay yakap ni Aubrey.

"OMGGG !!! GABRIELLA ! ANONG NANGYARI SAYO ?!!"

Wala nga pala silang alam. At wala din akong number nitong Aubrey na'to. Wala ding silbi ang shemplon kong de-flashlight dahil hindi naman nun kilala ang AutoloadMax. Ang alam ko lang naman dun, ewan ko. Di ko ginagamit yun eh. Wala kaya akong hilig sa shemplon. Pinalibutan na ako ng mga kaklase ko. Take Note: Nasa pintuan palang kami ng classroom namin.

"Oo nga, Gab. Anong nangyari sayo?" Chismosa #1.

"Bakit ang dami mong benda?" Chismosa #2.

"May nakalaban ka ba sa Arnis na mas magaling pa sayo?" Chismosa #3.

"Hindi. Baka totoong espada na ginamit nila, kasi tingnan mo oh? Ang dami?" Chismosa #4.

Blah. Blah. Blah. Yadada. Yadada.

Tch. Ang ingay. Napupuno na ako sa kaingayan nila ha. Ang dami nilang tanong sakin. Sino ba sila? Hindi ko naman sila kilala ahh? Poker face.

"MAGSITIGIL KAYO !" sigaw ko. Automatic naman na tumikom ang bibig nila. "UNA SA LAHAT, HINDI KO KAYO KILALA. PANGALAWA, ANG INGAY NIYO ! AT PANGATLO, PWEDE BA AKONG PUMASOK SA CLASSROOM NATIN?! KUNG PWEDE LANG NAMAN HA ?!" walang nagsikibo. Nanahimik lang sila at naestatwa sa pinag pwe-pwestuhan nila.

"HAHAHAHAHA !!!" tawa ni Mike sa tabi ko. Siniko ko lang yung sikmura niya para tumigil siya.

"ANO PANG HINIHINTAY NYO ?! MAGSIUPO NA NGA KAYO SA MGA UPUAN NYO NG MAKAPASOK NA AKO. KALALAKI NIYONG BARA SA DAAN. LETCHE." sabi ko. Agad naman silang umalis dun at umupo sa kanya kanyang upuan. Natira sa harap ko itong madaldal na babaeng 'to na ngingisi-ngisi.

"Nginingiti-ngiti mo jan?" sabi ko.

"Wala lang. Pwede kitang harangan. Kaibigan mo naman ako eh. So, tara na. Tulungan kitang umupo sa upuan mo. Tabi tayo ha?" sabi ni Aubrey.

Putspa. Ang sarap sungalngalin ng surot na'to eh. Narinig ko na naman yung tawa ng lalaki na 'to sa gilid ko.

"Bakit ba tawa ka ng tawa, Kapre ka?"

"Wala kang pakialam, Mangkukulam. Hahahahaha!" walangya. Hindi ko nalang pinansin.

At dahil December 12 year tutunog tunog na ngayon, hindi na regular ang klase kaya kahit saan, pwede kaming maupo. Hanggang 16 nalang kasi ang pasok namin tapos, pwede na kaming mag Christmas Break ! Yehey !

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat