CHAPTER24

5.5K 190 21
                                    

CHAPTER24;



Habang pauwi kami, ako, hindi maipinta ang mukha habang si Mike naman ay tawa ng tawa.

"Huhuhu." iyak ko habang naglalakad kami sa mumurahing subdivision.

"HAHAHAHAHA!" Tawa ni Mike.

Napaka walang kwenta po niyang bespren. Huhuhu. Bakit hindi niya ako dinadamayan ngayong nagdadalamhati ako? Huhuhu.

Hanggang sa pagpasok ko sa loob ng bahay, ganun parin ako at si Mike ay sinusundan ako habang tumatawa ng malakas. Ibinato ko yung gamit ko sa kung saan at dumapa sa mahabang couch at nag iiyak. Si Mike, naupo sa single couch at tawa parin ng tawa. Si Tatay at Kuya din, pumunta na sakin.

"Huhuhuhuhu."

"HAHAHAHAHA!" Alam niyo naman siguro kung kaninong tawa 'yan, diba?

"Anyare sa inyong dalawa? Isang nagluluksa at isang nagsasaya?" tanong samin ni Tatay.

"Oo nga. Para kang namatayan, Dude ha?" sabi naman ni Kuya na halatang kakauwi lang din dahil naka uniform pa.

"HAHAHA! Kasi... HAHAHAHAHA!" sabi ni Mike. Ako naman, iyak lang ng iyak habang nakadapa sa couch.

"Tsk. Gusto yata nitong palamunin ng bubog eh. Magsasalita ka ng maayos o papalaklakin ka namin ng nagbabagang bubog?" pananakot ni Kuya.

"HAHAHA! Kasi... Gagawin siyang... HAHAHAHAHA ! Aray!" sabi ni Mike. Binatukan kasi yata ni Tatay.

"Umayos kang kutong lupa ka." sabi ni Tatay.

"Tsk. HAHAHAHAHA! Kasi... Gagawin siyang muse sa JS PROM sa Valentines Day ! Bwahahahahahahahaha !!!" tawa ni Mike.

"AHH. WAHAHAHAHAHAHAHAHA !!!" tawa ni Tatay at Kuya.

"Huhuhuhuhu." Lord, bakit po sila ganyan? Huhubells. Ang bad nila. Hindi nila ako iniintindi. Huhuhu. Napaka sakit naman neto. Huhuhu.

Buong maghapon akong nagkulong nun sa kwarto at hindi kumain. Well, hindi ko naman 'yun kaya. Kumain rin ako. Yung dinala ni Tatay sa kwarto pero alam niyo naman 'yon, dina-diet ako kaya hindi madami. Huhuhu. <///3

--x

Nag aayos na kami ng booth namin. Cofee Shop chenes. Dapat nga, aabsent ako ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala eh. Alam niyo bang may gown na sa bahay? Dala ni Ate Risa. May sapatos na rin na sobrang taas na bigay ni Aubrey. At si Faith?

"OMG !!! Talaga?! Wow, Gabby. Bagay ka dun. You're so pretty kaya! Bibigyan kita ng headband na parang crown. Sure ako bagay sayo 'yon."

Yan ang sabi niya ng nalaman niya yun. Bakit ganun sila? Nakakabadtrip. Hindi ba nila alam na masakit sa damdamin 'yon? Huhuhu. Pati nga si Nikko, suportado dun eh.

"Okay lang 'yan. Maganda ka kaya. Kaya lang, baka madaming lalaki na magsayaw sayo nun. Paano na ako? Dapat, ako ulit first dance mo, ha?"

Huhuhu. Kainis. Paksyet. Nandito kami sa open gym ng eskwelahan naming mumurahin. Dinedecorate-an nila ng kung ano ano. Tapos may mga lamesa pa na for customers. Madami. May counter pa. Ang ganda ha. Pero wala pang gaanong design. Marami pang kulang. At eto ako? Nakatanga. Nag aantay ng iuutos nila. Putcha! Kailan pa ba ako naging utusan? Tss. Bakit ba kasi naging teacher pa namin yung matandang 'yon? Takte.

"Gab. Pakikuha nga yung mga kurtina sa classroom namin. Naiwan eh." sabi sakin ng classmate ni Faith. Inirapan ko lang siya at umalis saka pumunta sa classroom nila na ilang kilometro ang layo mula dito.

Pagkakuha ko nun, pabalik na sana ako sa open gym nang may narinig akong nag uusap sa tagong lugar na mejo malapit lang sa classroom nila Faith.

"Zeke, ano ba. May boyfriend na ako. Hindi na tayo pwede!" teka, kay Faith na boses 'to ha?

"Ano ba naman, Fey. Boyfriend mo palang siya. Hindi pa naman kayo mag asawa, diba? Kaya pwede pa kayong maghiwalay. Hindi ako susuko sayo."

Halos mapaupo ako sa boses na narinig ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ko akalain na siya pala si Zeke. Tangina. Mukha akong tanga kapag kasama ko sila?

"Mahal ko si Gerald, Zeke!" sigaw ni Faith.

"Pero Mahal din kita! Mahal na mahal! Ikaw ba, Fey? Ano ba ako sayo?"

"K-Kaibigan."

"Fck! Kaibigan?! You let me kissed you tapos kaibigan lang, Fey?!"

Kissed? Naibagsak ko na ng tuluyan ang mga kurtina na dala dala ko. Pati ang mga luha ko. Ganun ako katanga para hindi mahalata 'yon? Na may nililihim silang dalawa sakin?!

"Sabihin mong hindi mo ako mahal, Fey. Titigilan na kita. Sabihin mong hindi mo ako mahal. Lalayuan na kita at hindi na muling gagambalahin pa."

Mahabang katahimikan ang nanaig matapos sabihin ng lalaki 'yon. Nang lalaking minahal ko ng buong puso. Tangina. Ang sakit sakit. Hindi ako makapaniwala na magagawa sakin nila 'to. Bakit sila naglihim? Takte. Ang sakit. Umagos na ang luha sa pisngi ko.

"I'm sorry, Zeke. Hindi ko kaya."

"Anong hindi mo kaya?"

"Hindi ko kayang mawala ka sakin. Don't do this to me. Naguguluhan ako. Mahal ko si Gerald. Pero..."

"Pero ano?"

Halos pigilan ko ang paghinga ko sa pag aantay ng isasagot niya. Hindi ako humihinga. Panandaliang tumigil sa pagtulo ang luha ko dahil sa paghihintay ng karugtong ng sasabihin niya. At nang narinig ko na...

Halos sumabog ang puso ko sa sobrang sakit. Halos tumigil ang pag ikot ng mundo ko dahil sa sakit ng isinagot niya. Ang sakit. Bakit ganun? Ang sakit sakit. Ang sakit marinig ng sagot ni Faith sa kanya.

"Pero mahal na rin kita, Zeke. But please... Give me space para makapag isip."

Tumulo ng tumulo ang luha ko. Bakit pakiramdam ko, pinagtaksilan ako ng dalawang mahalagang tao sakin? Bakit pakiramdam ko, pinaglaruan nila ako. Napangiti ako kahit na panay ang pagtulo ng luha ko. Ang tanga ko para hindi marealize lahat.

Nakalimutan ko na Mike Ezekiel Fajardo nga pala ng buong pangalan niya. Kaya pwedeng ZEKE ang itawag sa kanya.

At nakalimutan ko rin na pwedeng FEY ang maging nickname ni Faith.

Ang sakit. Ginawa nila akong tanga. Bakit ganun? Bakit hindi ko napansin 'yon sa tuwing magkakasama kami? Bakit napaka manhid ko para hindi mapansin 'yon? Nagulat ako ng may yumakap sakin.

"Wag ka ng umiyak. Nandito naman ako eh. Tahan na. Hindi dapat nila pinapaiyak ang isang babaeng tulad mo na masarap mahalin."

Napayakap nalang ako ng mahigpit sa kanya ng marinig ko ang binulong niya sakin na 'yan at napahagulgol ng iyak. Kailangan ko siya ngayon. Kailangan ko ng taong mayayakap at ng masasandalan.

Buti at nandito ka. Kailangan kita ngayon, Nikko.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now