CHAPTER31

4.8K 156 32
                                    

CHAPTER31;



"Mangkukulam. Leche ka. Kailan ka ba matututong gumastos ng sarili mo?" sabi sakin ni Mike.

Nakapa enroll na kami ngayon kay Ate Soo-Li also known as Soo-Li Unnie/Soo-Li University. Hahaha. Ako lang nag isip niyan. Nalaman ko kasing korean pala may ari ng eskwelahan na 'to kaya nag isip ako ng petname ng eskwelahan. Di'ba ang ibig sabihin ng UNNIE sa korea ay ATE? Hahaha. Ang salitang Unnie ay hinango ko lang sa salitang University. Hahaha! Tae. Natutuwa talaga ako ngayon. Paksyet. Hahaha. Ngayon ko lang kasi narealize 'yan. Hahahahaha.

"Hindi ko na matututunan 'yan, Kapre. Masarap kaya ang libre." sabi ko naman sa kanya.

Kumakain kasi kami ngayon sa fastfood at syempre, siya ang pinag bayad ko. Nasa mall kami ngayon. Malapit na ang pasukan eh. Kaya syempre. Maggagala ako.

"Isa ka talagang malaking salot sa bulsa. Alam mo bang hindi na ako nakapag ipon dahil ang takaw mo?" sabi pa niya sakin.

"Ehh bakit naman kasi binabayaran mo kung ayaw mo rin naman pala at hindi bukal sa loob mo?" sabi ko.

"Wala lang." sabi naman niya tapos ngumiti at sumubo na ng pagkain niya. Weird. Kumain nalang din ako.

Matapos naming kumain sa McDid. Lol. Haha. Nag ikot ikot nalang kami sa mall. Manonood dapat kaming sine eh. Sabi ko Bride for Rent nalang kasi mukhang nakakatawa. Ayaw naman daw niya. Sabi ko nalang, wag nang manood.

Aalis na nga sana kami sa sinehan nang may makita kaming hindi kanais nais na tao eh. Isang lalaki at isang babae na magkaholding hands at nagtatawanan. Napalingon ako kay Mike at nakita kong nakangiti siya sa dalawa. Pero nung nakita ko 'yung kamay niya, nakakuyom at parang gustong manuntok.

"Gabby!" masayang bati sakin ni Faith. "Ze-- I mean, M-Mike." sabi naman niya ng makita niya si Mike sa tabi ko. Si Gerald naman, nakangiti lang samin.

"Hello, guys." sabi ko sa kanila.

"Manonood din ba kayo ng sine? Bride for Rent daw panoorin namin sabi ni Faith eh." tanong samin ni Gerald.

"Ha? Bride for Rent din dapat. Pero ayaw ni--!" naputol ako sa sasabihin ko ng hilahin ako ni Mike papunta sa bilihan ng ticket.

"Oo nga. Bride for Rent. Mukhang maganda 'yon. Tara nga. Panoorin natin." sabi pa niya. Nakita ko naman na sumunod samin si Faith at Gerald.

"Sumabay na kayo samin." sabi naman ni Gerald.

"Ha? Sige." sabi naman ni Mike.

"Uhm, tara Gabby. Bili muna tayo ng snacks natin." pag aya niya sakin. Tumango nalang ako sa kanya at sumama sa snack bar.

Nang nandito na kami sa Snack Bar, bumili na nga kami ng pagkain namin. Nagsalita si Faith.

"B-Bakit kayo magkasama ni Mike?" tanong niya sakin.

Duh?! Tinatanong pa ba 'yan? Syempre mag bestfriend kami. Tae. Oo. Bestfriend. Tangina.

"Uhm, bukod sa bestfriend niya ako, nag enroll kami sa Soo-Li Un. Why?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Wala naman. Talaga? Dun din ako nag enroll eh. Kahapon pa. Fashion Designer kinuha ko. Ikaw?" tanong niya pabalik sakin. Nakangiti na siya.

"A-Architect. Pareho kami ni Mike." sabi ko naman sa kanya. Nawala naman 'yung ngiti niya ng sinabi ko sa kanya 'yun.

Selos ka? Nasasaktan ka? Wala pa 'yan sa kalingkingan ng nararamdaman ko. At least, ikaw alam mong mahal ka. Eh ako? Hindi. Wala akong laban pero lumalaban parin ako. Gusto kong sabihin 'yan pero ayoko. Masyadong mabait ang mukha niya para pagsungitan ko.

"T-Talaga?" sabi naman niya. "I must say na marunong ka magdesign ng mga hotels, houses, resorts, restaurants, etc. Kapag naka graduate na tayo, ikaw kukunin kong designer ng botique na itatayo ko, ha?" tanong naman niya.

Siraulo ka ba? Wala nga akong naiisip na mga design sa bahay eh! Mana pa bahay ni spongebob. Gusto mo ganun 'yung maging itsura ng botique na itatayo mo kapag ako nagdesign?

"Haha. Bakit ayaw mo si Mike?" tanong ko.

"H-Ha? M-Mas may tiwala ako sa babae. Uhm. Hehe." sabi niya. Hindi na niya tinuloy yung sasabihin niya. Ewan ko kung bakit.

Bumalik na kami sa kinaroroonan nila Mike at Gerald. Nakita namin na magkaharap sila at parang nagsusukatan ng tingin. Parehong nakakuyom ang mga kamao at may kakaibang ngiti sa kanilang labi. Yung parang anytime, pagsusuntukan na sila?

Nagkatinginan kaming dalawa ni Faith at agad na nilapitan ang dalawa. Ang ikinagulat ko lang...

Kay Mike siya lumapit at hindi kay Gerald.

Nagtataka naming tinignan ni Gerald si Faith kahit ako, alam ko naman kung bakit. Nakayuko siyang lumapit kay Gerald.

"T-Tara na." sabi ni Faith at nauna nang pumasok sa sinehan.

Nagkatinginan si Mike at Gerald. Nakita kong nag smirk si Mike kay Gerald. Alam mo 'yung gusto ko nalang umiyak kasi pakiramdam ko, hindi naman ako kasama dito? Faith. Faith. Faith. Bakit ba puro si Faith? Di ba pwedeng ako naman?

Nung pumasok kami sa sinehan, ganito ang pwesto: Gabriella-Mike-Faith-Gerald

Hanggang sa nag umpisa ang palabas, nakatahimik lang kami. Kahit na nakakatawa yung palabas, hindi ko magawang tumawa. Si Mike lang naman ang natatawa sa palabas eh. Pati 'yung ibang nanonood dito. Pero ako, si faith at si Gerald, wala. Hindi tumatawa.

Nang matapos naman ang palabas, pumunta naman kami sa isang fastfood ulit para kumain. Pero ramdam ko talaga na hindi ako dapat kasama dito.

"Faith, gusto mo ng palabok?" tanong ni Mike.

"Ha? A-Ah--!"

"Hindi. Etong spaghetti 'yung gusto niya. Favorite niya 'to." sabi naman ni Gerald.

"Ha? Ehh eto Faith oh. Try mo 'tong palabok. Masarap 'to." pagpipilit naman ni Mike.

"Ano ba, pre. Ayaw nga niya 'yan. Eto ang gusto niya." sabi ni Gerald sabay lapag ng spaghetti sa harap ni Faith.

Magsasalita na sana si Faith pero inunahan ko na siya. Hindi ko na matiis eh. Yung feeling na nandito ako, pero parang invisible? Hinampas ko ang table at tumayo.

"Aalis na ako. Mauna na akong umuwi sayo, Mike." sabi ko saka lumabas. Narinig ko pa silang tinawag 'yung pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin.

Natuluan na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Lalabas na sana ako ng mall nang may nabunggo ako na lalaki. Hindi ko naman na sana papansinin pero nagulat ako ng hinila niya ako sa braso at niyakap ng mahigpit. Nagpipiglas ako sa yakap ng kung sino man na lalaki na 'to pero nang maramdaman ko kung kanino 'tong yakap, nanlambot ang tuhod ko at niyakap ko nalang din siya pabalik at doon ko ibinuhos lahat ng luha ko.

"Nikko..."

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant