CHAPTER14

6.6K 226 11
                                    


CHAPTER14;


"Gab ! Bilisan mo ! Male-late na tayo sa Ball !" sigaw sakin ni Aubrey mula sa labas ng kwarto ko.

Actually, tapos na naman na akong gumayak eh. Nakabihis na ako ng dress na kulay skyblue na long sleeve tapos may kaunting design lang. Binili sakin ng girlfriend ng Kuya ko at pinilit akong umattend ng Christmas Ball. Nung isang araw ko nga lang nalaman na may girlfriend pala ang hinayupak kong Kuya eh.

"Mauna na kayo. Hindi ako sasama. Hindi bagay sakin yung damit ko." sigaw ko sa kanya. Katok sila ng katok kanina pa.

Actually, bagay naman sakin, kung ako ang tatanungin. Inayusan na ako kanina pa ni Ate Risa na girlfriend nga ni Kuya. Lipstick, konting eye shadow at manipis na pampula n pisngi, atsaka foundation lang tapos hinayaan na niya yung buhok kong naka straight at walang kaipit-ipit. Inilagay ko lang kanina yung clip na bigay ni Mike noon. Bagay naman sakin. Hindi lang ako kumportable. Tsaka baka sabihin nila, ang pangit ko. Psh.

"Hindi pwede ! Kailangan mong umattend !" sabi pa ni Aubrey habang kumakatok.

Nakaupo ako sa harap ng salamin ko. Tinititigan ko ang mukha ko. Pwede rin pala akong mag mukhang babae kahit minsan no? Hindi ko maitanggi na maganda ako ngayon.

"Gab ! Mag se-7PM na. Lumabas ka na diyan. Putspa." si Mike yan.

"Anak. Labas ka na. Male-late kayo sa Party nyo."

"Hindi nga ako aattend. Umalis na kayo. Matutulog na ako. Goodnight." sabi ko.

Wala na akong narinig sa kanila. Ang huli ko nalang nalaman, nabuksan na nila ang pinto ng kwarto ko.

"AAAAAHHHH !!!" sigaw ko sabay pasok ng banyo.

Kaso, hindi pa man ako nakakapasok, naharang na ako ni Aubrey. Bwisit na 'to.

"Wow. Gabriella ! Ikaw ba yan? Ang ganda mo naman ! Palagi ka na lang mag lugay. Grabe, ang ganda mo !" sabi sakin ni Aubrey.

"Oo nga anak. Ang ganda mo. Magaling naman pala si Risa mag ayos eh." si Tatay.

"Syempre. Girlfriend ko yun eh." si Kuya.

"Ang ganda mo, Gab." si Yves. Tiningnan ko si Mike, nakatahimik pero nakangiti sakin.

"Wala akong pera. Hindi na ako aattend. Ayoko ng itsura ko. Hindi ako kumportable. Sige na. Umalis na kayo." sabi ko sa kanila.

"Hindi pwede, Gab. Kapag hindi ka umattend, hindi rin ako aattend." pananakot ni Aubrey.

"Sus. De huwag ka umattend. Sino tinakot mo ?" pambara ko kay Aubrey. Natawa naman si Kuya.

"Gabriella naman eh !" pagmamaktol ni Aubrey.

"Ayoko nga ! Ang pangit oh. Tingnan mo naman ang suot ko ! Feeling ko, palagi ang masisilipan. Nakakadiri."

"Wala namang masisilip sayo eh !" sabat ni Mike. Nagtawanan naman sila.

"Siraulo !" singhal ko sa kanya.

"Gab. Tingnan mo yung suot ko. Strapless. Ikaw, long sleeve. Napaka conservative ng suot mo. Paano ka masisilipan eh ang ganda ng suot mo ?!"

"Ehh kaikli eh!"

"Hindi kaya! Okay lang yan. Above the knee."

"Ehh yung sapatos ko."

"Ano problema mo sa one inch sandals? Kulay itim pa. Ang ganda. Tara na kasi."

nagdedebate na kaming dalawa dito. Yung apat na lalaki naman, nanonood lang samin.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now