CHAPTER17

6.3K 185 9
                                    

CHAPTER17;



"I love you, Fey. I love you. Kahit may boyfriend ka na, hindi parin ako susuko. I love you. Merry Christmas."

Matapos kong marinig yun, nabitawan ko yung hawak kong plato at tumapon lahat ng barbecue na laman nito. Nataranta ako ng lumingon siya kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ano nalang ang unang pumasok sa isip ko, yun nalang ginawa ko.

"Ayy. Busit na mga daga yan. Pahara hara sa daan. Paksyet." sabi ko habang pinupulot isa isa yung mga piraso ng nabasag na plato at yung tumapon na barbecue. Itinago ko nalang sa likod ko yung regalo ko dapat sa kanya.

Tumulong naman sakin si Mike sa pagpulot kaya lalo akong nataranta. Mejo humigpit ang pagkakahawak ko sa isang bubog kaya naman nahiwa ako.

"Ouch !" daing ko. Agad naman niyang kinuha ang daliri ko at tiningnan. Hayun at nagdudugo.

Napaiyak nalang ako. Bakit nga ba ako umiiyak? Dahil ba nasugatan ako? Pero sa pakikipag away, hindi naman ako umiiyak kahit sobrang sakit na eh. Pati sa pakikipag hampasan ng Arnis, hindi. Bakit ko iniiyakan 'tong maliit na hiwa ng daliri ko? Ito nga ba ang iniiyakan ko? Oh yung naramdaman kong sampung beses na tinaga ng itak ang puso ko? Hindi. Masakit lang talaga yung hiwa sa daliri ko.

Hinila ako ni Mike papasok sa loob at hinugasan ang kamay ko sa kusina.

"A-Ako na. Kaya ko na." sabi ko at hinila ang kamay ko sa kanya. Hindi naman siya umangal. Hinayaan niya nalang ako. Lalong tumulo ang luha ko.

Pumunta si Kuya sa amin at tiningnan kung anong nangyari sakin. Pati itsura ko, tiningnan at nagtaka ng makita niya na umiiyak ako.

"Kelan pa umiyak ang isang Gabriella Manlapaz dahil sa isang hiwa?" nagtatakang tanong ni Kuya. Walang sumagot sa kanya. Napailing iling nalang siya.

Kinuha ko yung first aid kit sa living room at inumpisahang gamutin ang sarili ko. Sabi ni Mike, siya na daw. Pero ayoko. Ayoko. Gusto ko, ako lang mag isa ang gumamot sa sarili kong sugat. Ayokong humingi ng tulong sa iba.

"Ano bang nangyari sayo dun?" tanong ni Mike. Nakaupo ako ngayon sa couch at nasa tabi ko naman si Mike habang pinapanood akong gamutin ang sarili kong sugat.

"W-Wala. Aayain lang sana kitang kumain ng barbecue." sabi ko ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

"Hindi ka magaling magsinungaling. Kasi, si Gabriella Manlapaz ay hindi namimigay ng pagkain." simpleng sabi niya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako at itinigil muna ang paggagamot ng sugat ko saka sinabi sa kanya ang totoo.

"B-Bibigay ko lang sana sayo yung Christmas Gift ko. S-Sige. Tulog na ako." sabi ko at inayos ang first aid kit at tinungo ang hagdanan.

"TOTOO ?!!" sigaw sakin ni Mike. Hindi pa man din ako nakaka tapak sa first step ng hagdan, napahinto na ako. Pati tuloy yung mga nag iinuman, napatingin samin.

"Hindi. Joke lang. Sige. Tulog na ako." sabi ko at tuluyan ng nilakaran ang kawawang hagdanan. Sinundan niya naman ako at hinila pababa.

"Wow ha. Nag aksaya pa ako ng panahon para humakbang ng humakbang kung ibababa mo lang rin pala ako dito." sarkastiko kong sabi.

"Nasaan muna yung regalo?" tanong niya. Nakahawak parin siya sa braso ko.

"Wala. Joke nga lang yon." sabi ko at hinila pabalik ang braso ko.

"Jokes are half meant. Dali na. Nasaan na?" pagmumuryot ni Mike.

"WALA NGA !!!" sigaw ko na sa kanya. Halata naman na nagulat siya sa pag sigaw ko. Nawala ang kaninang malapad na ngiti sa labi niya.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now