CHAPTER38

4.4K 141 6
                                    

CHAPTER38;

 

"Faith, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng makita ko siya na nasa bakuran ng bahay nila Mike.

"U-Ugh, i-inaantay ko kasi si Mike. May kinuha yata sa loob." sabi niya.

Tanghali na nga akong gumising, ito pa bubungad sakin? Yung malanding anghel na'to? Tsk. Ilang linggo na akong hindi mapakali dahil sa mga pinagsasabi sakin ni Gerald nung nakipagkita siya sakin. Hindi na rin ako nilulubayan ng kakatext. Halos hindi ko na nga rin nakakausap si Mike dahil iniiwasan ko sila ni Faith. Iniiwasan kong paghiwalayin sila pero pakiramdam ko, tadhana na 'yung naglalapit samin para mapaghiwalay ko silang dalawa. Nakita ko na lumabas si Mike na may dalang pagkain na nakalagay sa tray.

"Yow, Gabby." bati niya sakin at umupo sa harap ni Faith.

"B-Bakit..." panimula ko. Hindi ko maituloy 'yung sasabihin ko. Bakit ganun? Parang umurong 'yung dila ko? Ngumiti sakin si Mike at inakbayan ako.

"Mangkukulam, pinakilala ko na si Faith kay Mama. Sinabi ko na rin kay Papa kasi tinawagan ko kanina. Okay naman sa kanila basta daw magbutihan namin pag aaral namin. Ayos ba?" tanong niya. Ngumiti silang pareho sakin.

Ako? Galit. Galit na galit. Ang sakit ha. Approve sila tita Lerma sa malanding 'to? Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sakin atsaka ko siya itinulak. Nagulat silang pareho sa inakto ko na 'yun. Tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Hindi pwede, Mike! Hindi pwede!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Tila naguguluhan naman sila kaya napakunot ang noo nila.

"Ha? Bakit? Akala ko ba okay na?" tanong ni Mike. Umiling ko.

"Akala mo lang 'yun, Mike! Akala mo lang 'yun!" sigaw ko sa kanya tapos lumabas ng bahay nila.

Umuwi ako at kinuha ang bike ko tapos nagpedal ako ng nagpedal kahit na nakita kong hinabol ako ni Mike. Pero mas lalo ko pang pinabilis 'yung pagpepedal para hindi niya ako mahabol. Habang nagpepedal ako, mga ala ala namin ni Mike noon ang pumasok sa isip ko.

**

"Hoy, Mangkukulam." tawag sakin ni Mike.

"Bakit na naman?" irritable kong tanong. 7 years old palang kami nung mga oras na 'to. Naglalaro ako nun ng PSP.

"Wala lang. May assignment ka na ba? Pakopya." sabi naman niya.

"Wala akong assignment. Paano ba 'yun? Di ko alam 'yun!" bulyaw ko sa kanya. Inagaw niya 'yung PSP ko.

"Wala ka pa palang assignment eh bakit naglalaro ka na? Tara gawa muna tayo!" sabi niya at kinuha ang mga gamit ko.

**

"Hoy, Gabby! Bakit ka umiiyak?!" tanong niya sakin ng makita niyang umiiyak ako habang nakaupo sa waiting shed ng school namin.

"Wala!" sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso at hinila patayo.

"ARAY!" sigaw ko.

"Bakit?" naguguluhan niyang tanong. Umiling ako at tinago yung braso kong may sugat pati ang tuhod. Pero pinilit niya itong tingnan kaya nakita niya parin kahit na pilit kong itago.

"Bakit ang dami mong sugat?" nakakunot noo niyang tanong.

"N-Nadapa kasi ako eh!" sabi ko tapos umiyak na ng malakas. Siya naman, inakbayan lang ako at hinimas himas yung braso ko para kumalma.

"Sshh. Tahan na. Andito na ako. Di kita pababayaan." sabi niya naman. Naramdaman ko nalang na mejo kumalma na ako dahil sa ginawa at sinabi niya sakin. Eight years old naman kami ng mga oras na 'to. Maya maya lang, umupo siya sa harap ko ng nakatalikod.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now