CHAPTER32

5.2K 169 12
                                    

CHAPTER32;



Hinatid na ako ni Nikko pauwi. Nagkataon lang pala na nandoon siya sa mall kanina. Nakakatuwa naman. Bakit palagi siyang nandoon sa tuwing kailangan ko ng makakausap.

"Mahal mo talaga no?" sabi sakin ni Nikko bigla. Naglalakad lakad lang kami ngayon. Mejo malapit lang sa village na tinitirhan ko. At gabi na rin pala. Nakalimutan kong sabihin. 8PM na.

"Sobra pa sa description ng sobra. I'm sorry, Nikko." sagot ko naman sa kanya. Nasa likod namin pareho ang mga kamay namin habang naglalakad. Ang lamig ng hangin.

"Okay lang. Sanay na ako. Sanay na ako kahit na sobrang sakit sa pakiramdam. Sanay na ako dahil araw araw ko naman nararamdaman 'yung sakit. Sanay na ako. Pero alam mo 'yung mas masakit? Yung nakita kitang umiiyak kanina. Ang sakit pala kapag nakikita mong umiiyak 'yung taong mahal mo no?" sabi niya tapos tumawa ng mahina.

Naguiguilty ako. Sobra. Sana hindi nalang ako 'yung minahal niya para hindi ko na nadadagdagan lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ayokong maramdaman niya 'yun. Ayoko talaga.

"I'm sorry, Nikko." sabi ko ulit.

Gusto ko nalang umiyak ng umiyak. Hindi ko akalain na iiyak ako ng madalas ng dahil sa pagmamahal na 'to. Hindi ko akalaing dadating 'yung araw na ang tangi nagagawa ko lang ay umiyak ng umiyak. Malakas ako diba? Matapang ako diba? Pero bakit ngayon, ang dalas ko na umiyak?

"Okay lang talaga, Gabby. Kahit na nasasaktan ako, wag mong iisipin na susuko ako sayo. Hindi ako susuko, Gab." sabi niya.

Huminto ako sa paglalakad at sinampal siya na siyang ikinagulat niya. Naiyak na ako ng tuluyan. Sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi niya. Ako naman, iyak lang ng iyak habang ginagawa sa kanya yun.

"Sumuko ka na, Nikko. Ayokong saktan ka! Ayokong madagdagan ko pa lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon. Tama na, Nikko. Nasasaktan na kita." umiiyak kong sabi. Niyakap niya ulit ako.

"Mas masasaktan ako kapag sumuko ako, Gab. Akala ko ba ayaw mo akong masaktan? Pero bakit mo ako pinapasuko? Ayokong sumuko, Gab. Dahil alam ko na oras na gawin ko 'yun, siguradong pagsisisihan ko. Kailangan mo ako, Gab. At kailangan din kita. Kailangan mo ako sa tuwing nag iisa ka. At kailangan naman kita dahil mahal kita." napahagulgol nalang ako sa mga narinig ko mula kay Nikko.

Bakit Nikko? Bakit ako pa? Bakit ako pa ang minahal mo eh wala naman akong ibang ginawa kundi ang saktan ka? Pwede na po ba akong mamatay para matigil na lahat ng 'to? Para wala ng masaktan? Para din hindi ko na maramdaman lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hirap na hirap na ako. Masyado pa akong bata para maranasan lahat 'to. Ayoko na. Sawang sawa na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng matigil 'to. Gusto ko ng matapos lahat 'to. Gusto ko ng maging maayos ang lahat.

"Tahan na. Sabi ko naman sayo, nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak eh. Tahan ka na. Wag ka ng umiyak. Magiging okay din ang lahat. Magiging maayos din lahat." bulong sakin ni Nikko habang tinatapik tapik ng mahina ang likod ko.

Minsan, iniisip ko, sana natuturuan nalang ang puso. Sana, si Nikko nalang ang mahalin ko para hindi na maging kumplikado ang lahat. Kaya lang, kahit anong pilit kong mahalin siya, hindi ko magawa eh. Hindi ko kaya. Hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Sinakop ni Mike ang buong puso ko. Hindi man lang nagtira ng kahit kaunti para kay Nikko.

Inihatid na talaga ako ni Nikko hanggang sa harap ng bahay namin. Nakita ko rin na nandoon si Mike sa harap ng bahay nila at masama ang tingin niya kay Nikko.

"Sige, Nikko. Salamat sa paghatid, ha?" sabi ko sa kanya.

"Wala yun. Bukas susunduin ulit kita, ha? Sana naman wag na ulit mapospone." natatawa tawa niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon