Chapter 4

9K 282 10
                                    

Chapter 4



Makalipas ang isang buwan simula nung araw na iyon, hindi na muli pang nakita ni Mike kung sino man yung babaeng sinasabi niya, kung totoo ngang hindi niya na ulit nakita. 

Sana nga, huwag na niyang makita. Hindi na rin naman niya nababanggit sa akin yung tungkol dun. Siguro nga, hindi naman talaga siya seryoso nung mga oras na yun. Akala ko, katapusan na ng mundo ko.

Charaught!

Nasa bahay nila ako ngayon, dahil may okasiyon sa kanila. Videoke, inuman, umuulan ng pagkain, hay nako. Ang OA mag birthday ni Michael ha. Parang debut ng dalaga!

Well, debut naman siya. Kaso, lalaki nga lang. Bente-uno na siya eh. Si Michael Eliazar Fajardo nga pala ay yung kuya ni Mike na kasing edad ng kuya ko. Partner sila niyan sa pagma-match making nila sa amin ni Mike kahit alam naman naming lahat na walang talab 'yung ginagawa nilang kagaguhan sa amin ni Mike. 

Nasa isang table kami. Nakapaikot. Kasama ang mga kaibigan namin. Yes. Nakipag-kaibigan ako sa mga stupid dota friends ni Mike because I am so desperate to get back my gadgets. Nabalik naman siya nung isang araw.

"Gab oh, tagay mo." sabi sakin ng tanggerong si Vin. 

Inabot ko ito at walang sabi sabing nilagot at ibinagsak ang basong maliit. Straight.

Oo, hinayaan na rin ako ng Tatay kong uminom kahit na bata pa ako. Tutal naman ay nasa harap lang ng bahay namin ang mga taong madalas kong kainuman, kaya naman ayos lang din sa kan'ya.

But there is one thing that I never tried; to smoke cigarettes. I just found it creepy. Nandidiri ako. Si Mike, hindi masyadong madalas manigarilyo. Kapag daw naeempatso or nasusuka siya sa sobrang kalasingan tsaka lang siya naninigarilyo. 

Lagi kaming umiinom; almost every week. Hindi naman ako binabawalan ng Tatay at Kuya ko dahil bantay-sarado naman nila ako. At isa pa, tapatan lang ang bahay namin 'di ba?

"Hindi ka pa ba nalalashing?" sabi ng katabi kong di ko alam ang pangalan.

"Hindi. Mga weakling!" sabi ko sabay irap. Ayoko talaga ng maraming kaibigan.

"Haha! Astig 'no? Dinaig kayo! Mas lalaki pa sa inyo 'yan kaya wag niyo ng planuhin pang diskartehan dahil babae rin ang hanap niyan." natatawa tawang sabi ni Mike. 

Binato ko na lang ng lettuce na kasama sa napakaraming pulutan namin.

Umikot pa ang tagay at medyo nahihilo na ako. Kanina pang 7:00 PM kami umiinom and it's already 1:27 AM. Naparami yata inom ko. 

Sobra na ang hilo ko sa totoo lang.

"Hoy, Gab. Hahaha! Kaya mo pa? Tulog na sila oh?" lasing na sabi ni Mike. Sa totoo lang, kaming dalawa na lang ang gising sa table namin.

"Oo naman. As if na uurungan kita. Akin na nga 'yan!" sabay hablot ng bote ng Emperador Lights na may kalahati pang laman at tinungga ito.

Hindi pa man nagtatagal ang pagtungga ko nito ay hinablot na agad ni Mike 'yun at tiningnan ako nang masama.

"Gab, babae ka pa rin! Huwag mong sanayin ang sarili mo sa ganito dahil sa totoo lang, hindi nakakatuwa. Wag kang makipag-kompitensiya sa mga lalaki sa ganitong bagay. Lumubay ka na. Hindi na ako natutuwa sa inaasta mo, kanina pa." sabi ni Mike sabay bato ng bote sa malayo. 

"Ano bang problema mo?"

"Wala! Best friend mo ako kaya responsibilidad kong protektahan ka! Ayoko lang malulong ka sa ganito na para kang isang LALAKI. Umayos ka nga!"

Nahihilo na rin ako. Hindi ko na naco-control ang sarili ko pero alam ko ang mga ginagawa ko.

"Please don't act like that! As if you really care?! Nakakalito ka eh! Oo, best friend mo lang ako! Hindi kita kamag-anak para umarte ng ganyan! Sila Tatay at Kuya nga, pinapabayaan ako tapos ikaw 'yung gaganyan? Nakakabwisit ha!" sigaw ko sa kanya sabay tungga ng isang boteng beer.

"Ibababa mo yung beer at lulubay sa pag-inom o gusto mong ako ang magbaba ng beer na yan at buhatin kita papasok ng kwarto?" banta niya.

As if matatakot niya ako. Binaba ko lang yung beer ng ubos na'to.

"Happy?" sarcastic na sabi ko.

"You're really unbelivable." Umiiling-iling niyang sabi saka ako binuhat na parang baboy at ipinasok sa kwarto niya.

I can't move. I'm so dizzy and I feel so sleep. Matapos niyang ihiga ako sa kama niya, kinumutan niya ako. Paalis na sana siya nang hinawakan ko ang braso niya. Pinigilan ko siyang umalis at nakapikit na nagsalita...

"Sana, wag mo nang mahanap 'yung babaeng sinasabi mong 'yun. Sana, may boyfriend na siya. Sana ma-busted ka niya para malaman mo kung gaano kasakit ang nararamdam hmm..."

 After that, I fell asleep.

**

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now