CHAPTER16

6.4K 191 13
                                    

CHAPTER16;



"HOY ! GUMISING KA NA DYAN! 12AM NA! PASKO NA!" natutulog pa ako ay may naririnig na akong mga pamilyar na boses.

"Gumising ka na. Buksan mo na ang mga regalo namin sayo." teka. Si Kuya ba 'to?

"Anak. Gumising ka na. May surprise kami sayo." masayang sabi ni Tatay.

"MANGKUKULAM !!! GISIIIIINNNGGG !" sigaw ng pinaka panget na nilalang sakin.

"MAGSILAYAS KAYO ! MGA ISTORBO KAYO SA PAGTULOG !!!" sigaw ko sa kanya tapos ay nagtalukbong nalang ulit ako ng kumot.

"Anak. Pasko na oh. Ang daming pagkain sa baba. Bumangon ka na jan. Buksan mo na rin yung regalo namin para sayo." sabi ni Tatay.

"Brad. Inaantok pa ako. Bukas nalang yan." sagot ko habang nakatalukbong pa ng kumot.

"Hindi pwede. Bumangon ka na jan. Sige na. Mag aantay kami sa baba."

"Sige. 'tol, bababa na kami ha?" si Yves.

"Aantayin ka namin ha? Bumangon ka na jan. Tara na Mike." si Kuya.

"Sige na. Mauna na kayo. Magtutuos pa kami ng mangkukulam na 'to. Hahaha." natatawa tawang sabi ni Mike.

Narinig ko ang footsteps nila pababa ng bahay. Hindi ko nalang sila pinansin at itinuloy ang pagtulog kong naudlot. Maya maya, may naramdaman akong umupo sa gilid ko at niyugyog akong konti.

"Huy. Bumangon ka na jan. Malapit ng mag 12AM. Kailangan mo ng gumising at samahan mo kaming mag celebrate ng pasko. Andito na nga ako oh." sabi ni Mike.

"Ang drama mong Kapre ka. Lumayas ka na nga jan at matutulog na ako." bulyaw ko sa kanya.

"Psh. Bumangon ka na kasi jan. Eto na yung regalo ko sayo oh. Pag hindi ka bumangon jan, kikiss ulit kita." pambibiro niya.

Napabangon naman ako. At kinusot kusot ko yung mata ko. Narinig ko naman yung mahina niyang tawa kaya sinuntok ko yung braso niya.

"Haha. Aray. 'to naman."

"Ano ba kasing kailangan mo?" antok na antok kong sabi sa kanya.

Nagulat ako ng niyakap niya ako. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas nito. Bakit ba bigla bigla 'tong nangyayakap? Hindi ba niya alam na sa ginagawa niyang yun ay nagiging babae ako dahil sa kilig na nararamdaman ko? Hahaha. Hindi ko na tuloy siya nayakap pabalik. Sayang. LOL. Ehem. Haha. Kumalas na siya sa yakap. Ngumiti siya sakin.

"Bagay sayo." sabi niya sakin.

Ha? Ano daw? Alin ang bagay? Kami ba bagay? Dejks. Corny. Baboy. -.-

"Ano?!" naguguluhan kong tanong. Tapos nginuso niya yung leeg ko. Tiningnan ko naman ito at kinapa.

May nakasuot na palang kwintas.

Napangiti ako sa nakita ko. Tiningnan ko ang pendant ng kwintas. Lalo akong napangiti na makita ang design nito.

Gab&Mike


Napayakap ako ng wala sa oras kay Mike at gusto kong maiyak dahil sa sobrang saya ko. Pero pinipigilan ko lang. Nag uumapaw sa saya ang nararamdaman ko. Naramdaman ko na niyakap niya ako pabalik.

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo eh." bulong niya sakin.

"Salamat, Mike. Salamat." bulong ko sa kanya.

"Wala yun. Merry Christmas." sabi niya sakin at naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

"Merry Christmas din, Mike. Salamat." sabi ko.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now