CHAPTER55

4.8K 144 16
                                    

CHAPTER55;



"Oyy, mangkukulam. Alis na muna ako ha? Puntahan ko muna si Faith." sabi ni Mike. Inirapan ko nalang siya.

Nandito ako ngayon sa dining area. Nakaupo. Nagpunta lang dito 'yung Kapre na 'yun para inisin ako. Ramdam na ramdam ko naman na gusto na niyang bumalik sa dati. Ayoko lang. Nakapangalumbaba ako ngayon habang pinapanood si Rowena na nagwawalis. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Lalim yata ng iniisip mo, anak ha?" tanong ni Rowena sakin. Inirapan ko lang siya pero ganun parin ang posisyon ko.

May naisip akong itanong kay Rowena. Gusto kong malaman kung anong magiging sagot niya sa tanong. Ano kayang gagawin niya kung ang taong mahal niya, may mahal na iba?

"Pst. Rowena." pagtawag ko sa kanya. Huminto siya sa ginagawa niya at lumapit sakin.

"Ano 'yun, anak?" sabi naman niya. Itatanong ko pa ba? Wag na nga.

"Anong gagawin mo kapag ang taong mahal mo, masaya na sa piling ng taong mahal niya?" tanong ko. Sabi ko nga diba? Di ko na itatanong. Tss. Ngumiti siya sakin. Hinila niya ang upuan sa harap ko at umupo doon.

"Siguro... Magiging masaya nalang ako para sa kanya. Ile-let go ko nalang 'yung taong mahal ko para sa taong mahal niya." sagot niya.

"Tss. Whatever. Hindi mo ipaglalaban?" tanong ko pa.

"What's the sense of fighting kung kapag naipanalo mo nga, hindi naman siya masaya sayo? Oo. Lumaban ka. Ipaglaban mo. Pero kung habang pinaglalaban mo naman siya ay wala ding nangyayari, kailangan mo ng sumuko. Tama na 'yung minsan na ipinaglaban mo siya. At least napatunayan mo na sa taong mahal mo na totoong mahal mo siya. Kasi pinaglaban mo siya." seryosong sabi ni Rowena.

"Rowena, ang pagsuko ay tanda ng pagiging mahina. Para ka namang duwag kung susuko ka nalang. Mahal mo eh. Bakit ka susuko?" tanong ko ulit.

Napaka daming katanungan sa isip ko na hindi ko mabigyan ng tamang sagot. Nasasagot ko naman siya. Pero parang ang kumplikado.

"Ang pagsuko sa laban para sa taong iniibig mo ay hindi senyales ng pagiging mahina o duwag. Matapang ka na nga na maituturing nun dahil kahit gaano kahirap para sayo na sumuko sa laban, kahit gaano kahirap para sayong bitawan ang pagmamahal mo sa taong 'yun, ginawa mo parin dahil 'yun ang tama. Kung talagang mahal mo ang isang tao, kahit gaano kasakit, magiging masaya ka para sa kanya. Bibitawan mo ang pagmamahal mo para sa kanya at hahayaan mo siyang maging masaya sa taong mahal niya."

Sa mga sagot niya, pakiramdam ko, unti unti akong nabibigyan ng linaw. Parang pakiramdam ko, siya ang higit na nakakaalam kung ano ang tama. Parang sa lahat ng sinasabi ng 'nanay' ko daw na'to, pakiramdam ko, hindi ako masasaktan. Pero bakit naman ako maniniwala sa kanya eh hindi ko naman siya kilala? Ilang buwan ko palang siyang nakakasama so bakit ako maniniwala?

"Paano ako magiging masaya para sa kanilang dalawa kung ako mismo sa sarili ko, hindi ako masaya dahil hindi ako ang mahal niya?" tanong ko ulit. Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"Anak, sa tingin mo ba, magiging masaya ka kung ipipilit mo ang sarili mo sa kanya? Sa tingin mo ba, kapag iniwan niya ang taong mahal niya para sayo, magiging masaya ka? Kung nakikita mo naman ang taong mahal mo na kasama mo araw araw, wasak na wasak? Kasi hindi niya nakakasama ang mahal niya?" tanong niya pabalik.

"Oo. Magiging masaya ako. Kasi kasama ko siya eh." sagot ko. Umiling siya.

"Kasama mo nga, iba naman ang laman ng isip at puso niya. Diba parang hindi mo rin siya kasama nun?"

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now