CHAPTER56

4.1K 143 12
                                    

CHAPTER56;



"No, Mike. Choose. Choose me or lose me." sabi ko ng nakatingin diretso sa mata niya.

"Mike. No. Wag kang pumili! Wag kang makinig kay Gabby!" umiiyak na sabi ni Faith.

"Faith, ano ba?! Kailangan niyang pumili sa ating dalawa kung gusto mong matapos na lahat ng gulo na 'to." bulyaw ko sa kanya. Umiling siya.

"Lalo mo lang pinapagulo ng sitwasyon, Gabby. Kung sana, noon palang, tinanggap mo na kaming pareho ni Mike. Sana, naging masaya ka nalang samin, naging maayos na sana ang lahat. Sana... Sana wala tayo sa sitwasyon na ganito. Wag mo namang gawin 'to, Gabby!" sigaw ni Faith. Pero di ko siya pinansin. Ibinalik ko ang tingin kay Mike. Nakayuko siya ngayon at nakakuyom ang mga kamao.

"Mike. Choose." sabi ko. Unti unti siyang tumingin sakin at nung nakasalubong ang tingin namin...

Nakaramdam ako ng sakit. Dahil napaka lungkot ng mga mata niyang 'yun. Tumingin siya sakin at ngumiti. Tapos ay tumingin kay Faith. Ngumiti rin siya kay Faith at nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Nadurog ang puso ko sa nakita ko. Pero mas nadurog ang puso ko sa sunod na ginawa niya...

Lumapit siya kay Faith at niyakap ito ng mahigpit. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Faith sa ginawa ni Mike na 'yon. Sunod sunod na tumulo ang luha ko dahil sa ginawa ni Mike.

He chose her.


He chose her girlfriend.


He take for granted her bestfriend.


That really effin hurts.


Lumayo si Mike sa yakap at hinalikan si Faith sa labi. Unti unti akong tumalikod sa kanilang dalawa. Naglakad palayo na parang wala sa sarili. Tulala. Walang kabuhay buhay.

Para akong isang zombie na umiiyak habang naglalakad pauwi. Buhay. Pero patay ang lahat ng emosyon. Buhay physically. Pero patay emotionally. Ang sakit palang ipagpalit no?

Ayos lang sa kanya na mawala na ako sa buhay niya? Ayos lang sa kanya na pumunta ako ng Canada, sumama kay Rowena at hindi na magpakita pang muli? Itatapon nalang niya basta basta ang lahat ng pinagsamahan namin? 11 years? Itatapon niya? 'Yung 11 years? Nangako siya sakin. Nangako siyang kahit harapan siya ng ilang daang babae... Ako at ako parin ang pipiliin niya. Nangako siya sakin na hinding hindi niya ako ipagpapalit. Ako lang daw ang Prinsesa niya. Nangako siyang hindi niya ako iiwan kahit na ako na ang pinaka masamang tao sa buong mundo. Nangako siyang hindi siya mawawala sakin.

Pero anong nangyari sa mga pangakong 'yun? Bakit siya mismo ang sumira sa sarili niyang pangako? Bakit parang kahit isa... Wala siyang tinupad doon?

Binuksan ko ang gate ng bahay at parang patay na pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Tatay, Kuya at Rowena na nasa living area. Nanonood ng TV at may hawak na bowl na maraming popcorn. Napatingin silang tatlo sa akin. Tiningnan ko lang sila ng walang emosyon bago naglakad papunta sa hagdanan.

"Gab." pagtawag sakin ni Tatay. Huminto ako at lumingon sa kanila. "Anong nangyari sayo?" dagdag na tanong niya pa.

"Eto. Patay na." walang emosyon kong sabi.

"Anak..."

"Masaya na ba kayo? Na sa wakas, natapos na ang lahat ng 'to. Pinapili ko si Mike. Pero pinili niya... Siya. Masaya na ba kayo... Kasi sa wakas, mawawala na ako sa buhay niyo? Rowena, sasama na ako sayo. Kailan ang flight?" walang emosyon kong sabi. Naubos na lahat ng emosyon ko.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now