CHAPTER52

4.7K 151 9
                                    


CHAPTER52;



Wala na naman sila. Mag isa na naman ako. Mag isa sa bahay. Walang kausap. Wala si Rowena. Umalis sila ni Tatay. Ewan ko ba sa dalawang 'yon. Si Kuya naman, may inaasikaso sa school nila dahil graduating na. At si Mike? Well, nandun siya na siya sa Faith niya. Kakagaling niya lang dito. 

Wala na ba akong ibang gagawin kundi tumunganga at manood ng palabas sa TV ? LUV U 'yung palabas eh ayoko naman nito. Di ko pinapanood 'to eh. Di ko kasi nasusubaybayan. Usually, kapag ganito, nasa galaan na kami ni Mike. Tsk.

Pinatay ko na 'yung TV at kinuha ko 'yung laptop ni Kuya. Wala na 'yung sakin eh. Nabenta ko na. Nakaka-mahigit 100K na ako. Imagine that? Ang sarap waldasin no? Kaso pambili ko ng bahay at lupa 'yon eh. 

Sinasabi ko pa kay Tatay na may project kami kahit wala. Instant money 'yon. Hulog agad sa bangko. Tapos si Rowena, kung bigyan ako ng baon kahit hindi ko siya kinakausap o pinapatawad pa, triple po sa baon na binibigay sakin ni Tatay. Di niya ako madadaan sa kagaganun niya. Di ako sasama sa kanya. Ngayon pa na pinipigilan ako ng kurimaw na Mike? Ngayon pa ba na ayaw niya akong umalis sa tabi niya? Pssh.

Binuksan ko 'yung Facebook ko na madalang pa sa patak ng ulan sa Summer kung aking buksan. Panay post ng mga schoolmates ko dun nung high school at sinasabing namimiss na nila si "The Undefeated Gabriella Manlapaz." Ilang messages na sinasabing ilike ko 'yung DP nila at paki-share na daw. Report ko pa 'yan eh. Psh. May mga message pa na pinapalike 'yung project nila sa FB. At dahil mabait ako...

Hindi ko nila-like. Nakakatamad eh.

Sa newsfeed, panay Jejemon ang nakikita ko. Maglologout na sana ako pero may nakita akong post ng isang kilalang tao.

--

Wako-Wako, Kokey and 4 other people commented on this post *on insert day here.*

Nikko Suarez

I miss her. My damn fault. But I relly miss her. I wanna see her. I wanna hug her. I wanna kiss her. But I can't. She won't forgive me because I leave her, months ago. I stop on annoyinng her. But I wont stop loving her 'till that damn infinity ends.

Night.

#G.M

987.75 likes | 567.50 comments | 101.1 shares

--

This post was 2 weeks ago. Gusto kong 'wag mag assume na ako 'yun. Gusto kong isipin na hindi ako 'yun. Gusto kong isipin na may iba na siyang babaeng mahal. Pero damn...

Alam kong ako 'to eh.

Hindi sa nag aassume ako. Pero alam kong ako talaga 'to. Sinabi niya sakin na hindi siya titigil sa pagmamahal sakin kahit pa mamuti na ang buhok namin. At ako ang iniwan niya, months ago. Diba? Ako 'yung tinalikuran niya non dahil akala niya, awa lang ang nararamdaman ko sa kanya. 'Yun ang pinaka malaking pagkakamali niya. Masyado niyang minaliit ang pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin na ako 'yung G.M na nakahashtag sa post niya. G.abriella M.anlapaz. Diba?

Hindi ko na binasa 'yung ibang comments dahil nasisira lang lalo ang araw ko sa mga way ng pagtype nila. 'Yung iba lang na sinasabing:


Sino kaya 'yan?


Ano kaya ibig sabihin ng G.M?

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon