CHAPTER54

4.7K 148 8
                                    

CHAPTER54:



"Gab... Kailan ka babalik? Kailan mo ibabalik 'yung totoong ikaw?"

Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Nikko. Kailan nga ba? Kailan ko ibabalik 'yung dating ako? May pag asa pa, alam ko. May pag asa pa na bumalik ako sa dati. Alam kong kaya ko. Pero bakit parang ayaw ko? Bakit parang may pumipigil sakin na gawin 'yun?

Ah. Oo nga pala. Dahil kay Mike at Faith. Kasi sila at hindi ko magawang sumaya dahil mahal ko ang taong may mahal na iba. Paano nga naman ba ako magiging masaya kung wala naman sakin ang taong mahal ko diba?

Tumingin ako kay Nikko ng may luhaang mata at tinanggal lahat ng emosyon na pwede niyang makita bago magsalita.

"Hayaan mo muna akong mapag isa, Nikko. Kahit ilang araw lang. Kahit ilang linggo lang. Hayaan mo muna akong mapag isa. Layuan mo muna ako."

Pero nabigo ako. Sa huli, pumiyok din ang boses ko dahil sa pagtulo ng luha ko. Hindi ko kayang itago sa kanya ang sakit na nararamdaman ko. Punong puno na. Nag uumapaw na.

"You know I can't do that. Nangako ako kay Lola. Hindi kita iiwan. Hindi kita hahayaang mag isa." giit niya. Umiling ako.

"You love me, right? Please. Leave me alone for a while. Please lang, Nikko. I need this." bulyaw ko sa kanya. Umiling din siya.

"Hindi. Ayoko. Hindi ko gagawin ang hinihiling mo sakin. Hindi kita iiwan. Hindi ako lalayo. Hindi kita hahayaang mapag isa. Hindi ko hahayaan na wala kang masandalan sa tuwing kailangan mo ng balikat na maiiyakan. Hindi. Ayoko. Hindi ko gagawin 'yan."

Giit niyang muli habang umiiling. Tumulo ng tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. After all the pain I've caused to him, hindi niya parin ako iiwan? After all the heartaches I gave him, nandyan parin siya sa tabi ko at handang maging kaibigan na masasandalan? Why am I so guilty? I smiled at him.

"Of course you wont leave me, Nikko. Alam ko naman na kahit hindi kita nakikita, alam kong may mga mata mo na nagmamasid sakin. Yes. Hindi mo ako iiwan, Nikko. Hindi ko na hahayaang iwan pa ulit ako ng isa samga pinaka mahalagang tao sakin. Pero... Nikko, kailangan ko munang mapag isa. Gusto mo akong bumalik sa dati, diba? Gusto mong makasama ulit 'yung Gabriella na minahal mo, diba? Bigyan mo ako ng oras, Nikko. Bigyan niyo ako ng oras." sabi ko sa kanya at ngumiti. Maya maya, nakita kong lumabas si Kuya.

"Dude! Andyan ka na pala. Saan ka ba galing?" tanong niya sakin. "Teka! Bakit ka umiiyak?!" dagdag pa niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala." sabi ko kay Kuya. Bumaling ako kay Nikko. "Sige na, Nikko. Kailangan ka ng family mo. Salamat sa paghatid." sabi ko at hinila si Kuya papasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok namin, hihilahin ko na sana siya ngunit pinigilan niya ako. Pumunta siya sa harap ko.

"Ano bang nangyari, Gab? Bakit umiiyak ka na naman?" naiiritang tanong ni Kuya sa akin. Ngumiti ako sa kanya, tumingkayad at niyakap siya.

"Wala, Kuya." sabi ko.

"Hmm. Di nga?" tanong niya naman. Naramdaman ko naman na ang kamay ni Kuya sa likod ko. Senyales ng pagyakap niya sakin pabalik.

"Hhaayy. Kasi, Kuya, wala na siya." tangi kong nasabi.

"Sino?" naguguluhang tanong ni Kuya. Naipon na naman ang luha sa mga mata ko at unti unting tumulo.

"Yung taong mayroong pinaka magandang love story. 'Yung taong nagkwento sakin ng pinaka magandang love story. Wala na si Lola, Kuya. Wala na si Lola Esmeralda. Wala na siya. Kinuha na Niya. Sinundo na siya ng taong mahal niya noon pa."

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now