Chapter 1

18.4K 464 32
                                    

Chapter 1



"Gabby, matulog ka na. Gumising ka nang maaga bukas at may bisita tayo." sabi sa akin ng pogi kong tatay.

 "Oo na, Tatay. Paulit-ulit." sagot ko habang papasok sa kwarto.

Ilang saglit pa ay may naramdaman akong masakit na tumama sa likod ng ulo ko. 

"Aray!" 

Binato ako ng Kuya ko ng unan na maliit ng sofa namin! Ang bigat pa naman ng unan na 'yon!

"Ikaw talaga! Anim na taon ka pa lang, sinasagot sagot mo na si Tatay! Eh kung ingudngod kaya kita dyan?" sabi sa akin ni Kuya.

Napanguso ako.

"Oo na. Matutulog na. Night, po." sabi ko sa kanila at pumasok sa loob ng kwarto. 

---

Kinabukasan, pagkagising ko, lumabas na ako ng kwarto. Hindi na ako nag-atubili pang tumingin sa salamin, magsuklay, maghilamos man lang o mag-ayos ng sarili. Sanay na naman na sila na pagkagising ko, didiretso ako sa sala at mahihigang muli tsaka magmumuni-muni.

 Hindi pa man din ako nakakarating sa sala ay nagulat na ako.

 "Ahh! May impakta! Ahh! May mangkukulam! Ahh!!! Mangkukulam! Aaahh!!!"

 "Ahh! Kapre! Ahh!!!"

 Pati ako ay napasigaw na rin nang marinig kong may sumigaw na lalaki na kasing-edad ko lang siguro o mas matanda sa akin ng isang taon.

"Wahahaha!" tawa ni Kuya, Tatay at ng kasama pa nilang babae at lalaki na sa tingin ko ay kasing-edad ni Tatay, at isa pang lalaki na sa tingin ko rin ay kasing-edad ni Kuya. 

"Wahaha! Mukha ka kasing mangkukulam, Gabby! Wahaha!"

Pinagtawanan ako nang pinagtawanan ni Kuya Greg dahil dito sa batang kapre na 'to! Tumingin ako sa batang lalaki na sumigaw at nakatakip ang bibig niya habang naniningkit ang mga mata na para bang pinipigilan ang pagtawa. Sa sobrang inis ko...

"Hiyaaaahh!!!" sigaw ko sabay sipa sa putotoy niya.

 "Aah!!! Mama, ang sakit!!!" iyak ng bata habang nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.

Tss! Buti nga sa kan'ya!

Agad naman siyang dinaluhan ni Kuya, Tatay, Mama daw niya, Papa niya yata at 'yung isa na mukhang Kuya niya. Ako naman ngayon ang tawa nang tawa.

"Wahahahahaha!!!" tawa ko. 

"Gabriella Manlapaz!!!" sigaw ni Tatay habang nanlilisik ang tingin sa akin.

 "Tay?" sagot ko naman na parang walang nangyari.

 "Akin na ang PSP mo!" maawtoridad niyang sabi.

 Uh-oh.

** 

Matapos kong alalahanin 'yon habang kumakain kami sa cafeteria ay hindi ko napigilan ang tawa ko.

"Anong tinatawa tawa mo d'yan, Gab?" tanong sa 'kin ni Mike.

 "Wala kang pakialam." sagot ko sabay irap sa kanya at tumawa ulit.

 "Para kang baliw! Siguro naalala mo na naman 'yun, 'no?" tanong niya sabay subo ng kutsara na punong-puno ng pagkain.

"Oo. Bakit? Hindi ko kasi makalimutan 'yung itsura mo noong sinipa ko 'yung ano mo, eh. Grabe sa iyak!" natatawang sabi ko. 

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Onde histórias criam vida. Descubra agora