CHAPTER25

5.6K 173 9
                                    

CHAPTER25;



"Gab. Bakit ang tagal mo? Kanina ko pa pinakuha sayo 'yan ha?" sabi sakin ng nag utos kanina.

"Sinunod na nga yung utos mo, magrereklamo ka pa? Anong akala mo? Malapit lang yung classroom niyo dito?!" sabi ko sabay irap. Hindi na siya kumibo.

"Gabby. Anong problema?" tanong sakin ni Aubrey. Kasama ko rin ngayon si Nikko. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala, Aubrey." sabi ko.

"Tara. Kain tayo. Libre ko." sabi naman ni Nikko. Para namang nagningning ang mga mata ni Aubrey nang marinig 'yun.

"Game!" masiglang sabi ni Aubrey. Natawa nalang ako.

Nandito na kami ngayon sa fastfood sa labas ng campus since sarado ang canteen dito dahil ginamit yata ng second years? Basta. Umorder na si Nikko nang pagkain at naiwan kami ni Aubrey dito sa table.

"Umiyak ka." sabi ni Aubrey. Mula sa pagkakatingin sa kawalan ay napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo.

"Ano bang pinagsasabi mo jan?" naiirita kong sabi. Inirapan naman niya ako.

"Kilala na kita, Gabby. Wag ka ng magkunwari jan dahil halata naman sayo." masungit na sabi niya. Hindi naman ako kumibo.

"Pwede ko bang malaman kung bakit umiyak ang isang Gabriella Manlapaz?" dagdag na tanong niya. Umiling naman ako. Bumuntong hininga siya.

"Malalaman ko rin 'yan, soon. Di ka makakapaglihim sakin. Anyway..." sabi niya at bumuntong hininga saka pinagpatuloy ang sasabihin. "Napapadalas yata ang pagsasama ni Faith at Mike? Nakita ko sila kanina eh." dagdag niya. Napatingin ako sa kanya.

"Alam mo ba, palagi na ngayon magkaaway si Kuya at Faith. Ewan ko ba. Seloso kasi si Kuya eh." sabi niya ulit.

"Bakit daw?" tanong ko naman.

"Pinagseselosan ang bespren mo! Pero alam mo, nakakahalata ako 'jan kay Mike. Pakiramdam ko..." pinutol niya yung sinabi niya. Parang ayaw niyang ituloy.

"Ano?"

"Wala." sabi niya at ngumiti.

"Sabihin mo na. Alam ko naman eh." sabi ko ng malungkot. Nanlaki naman ang mata niya panandalian at nalungkot rin ang kanyang mga mata.

"Pakiramdam ko, mahal ni Mike si Faith." malungkot na sabi niya.

Ngumiti rin ako ng malungkot sa kanya.

"Alam ko. Narinig ko silang nag uusap kanina eh." malungkot rin na sabi ko.

"K-Kaya ba..." hindi na naituloy ni Aubrey ang sinasabi dahil biglang dumating si Nikko.

"Here's the food, beautiful girls. Kain na tayo. Wag muna nating isipin ang mga problema natin." nakangiti at masiglang sabi ni Nikko. Ngumiti at kumain nalang kami habang nagkwe-kwentuhan.

--x

Napag isip isip ko na wag munang sabihin kay Mike lahat ng nalalaman ko. Hahayaan ko nalang na siya ang magsabi sakin. Hahayaan ko nalang na maging tapat siya sakin. Magpapanggap nalang ako na okay lang ako kahit hindi. Dun naman ako sanay eh. Diba? Nandito na ako sa bahay ngayon. Nakaupo sa couch. Naglalaro ng PSP. Hindi nga ako manalo nalo sa kalaban ko sa Tekken dahil sa dami ng iniisip ko eh. Tsk!

"Hoy Gab! Kanina pa kita hinahanap sa eskwelahan. Hindi ka rin sumabay sakin maglunch. Saan ka ba nagpunta?" bungad ni Mike pagkapasok palang sa loob ng bahay namin.

"Ehh ikaw? Saan ka ba nanggaling?" sabi ko habang nakatingin sa nilalaro ko.

"Tss. Malamang sa eskwelahan. Hinanap nga kita eh." sabi niya. Naupo siya sa single couch at inagaw ulit ang PSP ko at inilapag sa table na maliit sa harap namin. Napairap nalang ako sa kanya.

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon