CHAPTER46

4.1K 139 7
                                    

CHAPTER46;



Sadyang mabilis talaga ang panahon. Thursday ngayon. Pasukan na naman sa monday. Halos hindi ko naenjoy 'yung sememstral break na binigay samin. Hindi na talaga nagparamdam sakin si Nikko. Though, nagkikita kami sa school dati pero hindi kami nag uusap. 

Siya na 'yung unang iiwas. Kaya sinakyan ko nalang. Iiwas siya, mas iiwas ako sa kanya. Pero miss na miss ko na ang taong 'yun. Si Aubrey at Yves, pupunta daw dito mamaya or bukas? Hindi ko alam. Si Gerald naman, panay ang text sakin tulad ng:

Iniiwasan mo ba ako?

Miss na kita, babe.

Punta ako sa inyo.

Mahal kita, Gab.

Ganyan. Pero hindi ko siya nirereplyan. He should stop this. He should stop chasing me. Para din sa kanya 'tong ginagawa ko. Wala siyang mapapala sakin. Hindi ko siya kayang mahalin.

Nandito akos a bakanteng lote. Nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Dala ko pa nga 'yung Arnis na binigay sakin ni Faith dati eh. Ewan ko ba. Natatawa pa nga ako eh. Hindi ko alam kung bakit dala dala ko pa 'to dito. Hindi ko alam kung bakit nakatabi pa 'to sakin. Dapat sinusunog ko na 'to eh. Ibinaba ko nalang 'yun sa sahig at nagsimula na akong maglakad palayo. Pero hindi pa man din ako nakakalayo ng may sumitsit na sakin.

"Pst." nung nilingon ko ito, nakita ko si Mike sa di kalayuan sa kinauupuan ko kanina. Lumapit siya sakin. Napakunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin ng maliit at nagulat ako ng niyakap niya ako.

"B-Bakit na naman ba, Mike?" nauutal kong tanong.

"Wala. Namimiss ko na kasi 'yung bestfriend ko eh." simpleng sabi niya. Nararamdaman ko ang mabibigat na paghinga niya. Mga malalalim na buntong hininga. Naramdaman ko na may biglaang bumara sa lalamunan ko. Lumunok ako para mawala 'to.

"S-Sino ba 'yung bestfriend mo?" sabi ko. Hindi ko siya niyayakap pabalik. Nakalaglag lang ang kamay ko sa magkabilang gilid. Siya lang ang nakayakap. Ako, nakatayo lang na parang posteng niyayakap niya.

"Wala naman akong ibang bestfriend kundi ikaw eh." sabi pa niya.

Naramdaman kong nag init na ang mata ko. Nangingilid na ang luha ko pero pilit ko paring pinipigilan ang pagtulo nito.

"Kasama mo naman ako ngayon. Nagkikita naman tayo araw araw. Magkaklase pa tayo sa lahat ng subject sa school. Bakit mo ako mamimiss? Niloloko mo ba ako?"

Pinipilit kong maging buo ang boses ko kahit na nanginginig na ang labi ko at konting konti nalang, tutulo na ang luha ko. Alam ko, oras na sumagot siya sa tanong ko, tuluyan ng tutulo ang luha ko. Kumalas siya sa yakap at nakita ko ang malungkot niyang mukha. Ang nasasaktan niyang mga mata. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit nawala ang Mike na masayahin ang mukha?

"Hindi naman ikaw 'yan eh. Hindi ganyan ang bestfriend na nakasama ko ng labing isang taon. Hindi ganyan ang mangkukulam ko. Hindi ganyan ang Prinsesa na iningatan ko mula pagkabata." huminto siya at nakita ko ang pagkislap ng mata niya. Tuluyang tumulo ang luha ko. Nakita ko kasi na parang naiiyak si Mike.

"Anong nangyari, Gab? Anong nangyari sa bestfriend ko?" tanong niya sakin.

Parang kanina lang, tanong ko sa sarili ko 'yun ha? Ano bang nangyari? Bakit ba kami nagkaganito? Hindi ako makapagsalita. Walang emosyon ang mukha kong nakikita niya ngayon kahit na tumutulo ang mga luha ko.

"Hindi ka naman dating ganyan eh. Kasi, 'yung bestfriend ko, masayahin, palaging nambubugbog, walang arte sa katawan. Walang pakialam kahit anong itsura niya sa harap ng maraming tao. Gab, anong ginawa mo sa bestfriend ko?" tanong niya ulit sakin. Ang lungkot ng mukha niya. Ang lungkot ng boses niya. Ang lungkot ng lahat sa kanya.

"Anong ginawa mo sa bestfriend mo. Yan ang tanong, Mike. Sinaktan mo ako. Sinaktan mo ako kaya napuno ng galit ang puso ko. Sinaktan mo ako kaya nagkaganito ako. Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbabago ko, Mike." sinasabi ko 'yan sa tono na puno ng hinanakit kasabay ang pag agos ng luha sa mga pisngi ko. Mababakas naman ang gulat sa mukha niya.

"Oo, Mike. Mahal kita. Mahal kitang gago ka. Sinaktan mo ako kaya ako nagging ganito! Ipinagpalit mo na ako sa Faith mo! Nang dahil lang sa babaeng 'yon, tinapon mo na lahat ng pinagsamahan natin! Ngayon, itatanong mo sakin kung anong ginawa ko sa bestfriend mo? Hindi, Mike. Ikaw ang gumawa nito sakin. Binago mo ako. Binago mo ang lahat sa akin. Kasi ang sakit sakit. Ang sakit sakit na makitang nagmamahal ka ng iba samantala, nandito naman ako. Nagmamahal sayo ng matagal na panahon na." sabi ko. Panay ang iyak ko. Nakita ko na nakayuko siya at taimtim na nakikinig sa lahat ng sinasabi ko.

"Ayan. Inamin ko na. Masaya ka na?!" sigaw ko pa sa kanya. Nagulat ako ng magsalita siya.

"Alam ko 'yun. Matagal na. Alam kong mahal mo ako. Nalaman ko 'yun nung dinala kita sa park pagkagaling mo sa ospital dahil niligtas mo si Faith sa holdaper. Akala mo, natutulog ako. Sinabi mo lahat 'yun. Kaya alam ko." sabi niya. Tila nag init ang ulo sa narinig ko.

"Eh gago ka pala talaga eh! Niloko mo ako! Alam mo na palang may iba akong nararamdaman para sayo, hinayaan mo pa akong magpanggap na parang wala akong pakialam. Alam mo naman palang mahal kita eh. Bakit nagmahal ka pa ng iba?!" bulyaw ko sa kanya. Tumingin siya sakin ng may mapupulang mata na parang nagpipigil sa pag iyak.

"Hindi ko sinabi kasi ayokong iwasan mo ako. Hindi ko sinabi kasi ayokong magkaroon ka ng awkward feelings para sakin. Ayoko. Alam kong mahal mo ako pero nagmahal ako ng iba? Hindi kasi ganun 'yun, Gab. Hindi porke mahal mo ang isang tao, kailangan, mahalin ka na rin nila pabalik. Gab, hindi lang sayo umiikot ang mundo ko. May buhay din ako." kalmado niyang paliwanag sakin. Ngumiti ako sa kanya.

"H-Hindi ba pwedeng... A-Ako nalang?" basag na boses kong sabi na may halong pagmamakaawa.

"Hindi eh. Sorry, Gab. Pero hanggang sa magbestfriend lang ang kaya kong ibigay sayo. Mahal ko si Faith. Mahal niya rin ako. Mahal rin naman kita. Pero hanggang sa pagiging nakababatang kapatid lang ang kaya ko. Sorry, Gab. Sorry." sabi niya. Lalo akong naiyak sa narinig ko. Yayakapin na sana niya ako ako pero lumayo ako agad sa kanya.

"Gab..." banggit niya. Lumapit ulit siya sakin pero umiling ako at lumayo sa kanya.

"No." tanging nasabi ko at tumakbo na ako palayo sa kanya habang humahagulgol at habang basag na basag ang puso ko.

Ang sakit. Mahirap ba akong mahalin? Bakit hindi nalang ako? Kaya ko namang maging si Faith eh. Gusto niya ba gayahin ko kung paano manamit si Faith? Paano pumorma? Gagawin ko. Mahalin niya lang ako. Ayokong mawala siya sakin. Ayokong mapunta siya sa iba. Ayoko. Gagawin ko lahat mahalin niya lang ako.

Napahinto nalang ako sa pagtakbo dahil hindi ko na kaya. Ang sakit sakit. Gusto kong isigaw sa buong mundo na sobrang nasasaktan ako. Gusto kong sumigaw. Pakiramdam ko, sasabog na ako. Ayoko na. Mamamatay na yata ako sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Napahagulgol na lalo ako ng iyak at napasigaw sa sakit ng nararamdaman ko.

"AAAAAAHHHHHHHHH !!!"

His Boyish Best Friend [2014 | SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now