Sige balae salamat” tugon ng nanay ni Cham. Sa kotse pa lang ay naguusap na ang mga ito. At masaya naman si Cham na nakikinig kanina mukhang wala siyang magiging problema sa magulang ni Ellsworth mukha ngang mababait ang mga ito.

Masaya silang nagsalo-salo ng hapunan, madaming kwentuhan at pakilanlanan ang naganap hindi naman maalis ang mga ngiti sa labi ni Cham dahil sa mukhang nagkakasundo ang magulang niya at ang magulang ni Ellsworth. Puro halakhakan nila ang maririnig dahil sa laging natutuwa ang mga ito sa kwento ng tatay niya.

“Naku minsan pa nga ay hindi  ko alam na naapakan ko pala ang tali ng kalabaw ko. Aba biglang lumakad ang animal na yun nashoot sa paa ko yung tali at kinaladkad ako sa buong palayan. Jusko paguwi ko hindi ako namukhaan nitong asawa ko nagtititili ba naman akala ay nakakita ng halimaw.” Tuwa-tuwang kwento ng tatay ni Cham, bumebenta naman ang mga kwento nito sa parents ni Ellsworth dahil talagang malakas din ang mga tawa nito.

“Balae gusto ko makapunta sa inyo before we come back sa America. Diba Ele hindi pa tayo nakakapunta ng palayan maybe we can try how to plant rice?” suhestiyon ni Rose.

“Yah sure I would love to experience it. I wanna smell fresh air too matagal na din ako hindi nakakarating ng mga probinsya”

“I was about to tell you that Dad we really need to visit their hometown, maganda doon and tahimik napakadami din doon mga tanim na iba’t ibang puno at talagang fresh air. Sigurado akong marerelax kayo then maybe we can go after sa Boracay.” Singit ni Ellsworth, namilog naman ang mga mata ng dalawang ate ni Cham ng marinig ang Boracay.

“Really bayaw sama kami diyan ah. Matagal ko ng pangarap makapunta sa Boracay” si Ading.

“Oo naman lahat tayo” nakangiting sagot nito.

“Yay so excited kailangan na natin magdiet Ading. Nakakahiya ang dami nating baby fats nito pag nagtwo-piece tayo.” Nakangising singit ni Mylez.

“Yun lang sarap kaya kumain. Bahala na pwede naman one piece eh.” Hirit ni Ading.

Masayang nagkwentuhan pa sila naghain din ng alak na maiinom si Nanay Mitring, red wine lang sa mga babae at whiskey naman sa mga lalaki. Matagal din ang oras na nagusap-usap sila at masasabi talaga ni Cham na ayos na ang lahat wala na ang pangamba niya na hindi siya magustuhan ng parents ni Ellsworth. Tahimik lang siya nagmamasid sa mga usapan nila, pati ang mga ate nito ay nakapalagayan loob na ang magulang ng binata.

Hinatid na sila ni Ellsworth, hindi pumayag si Cham na doon matulog dahil nahihiya siya sa parents nito hindi naman na nagpumilit ang binata.

“Sleep ka na paguwi ko ah. Bukas susunduin na lang kita ng before lunch time okay?” bilin ni Ellsworth, nakapasok na ang mga magulang at ate ni Cham sa loob andito sila sa labas at nagpapaalam na si Ellsworth para umuwi na din.

“Okay po. Just text me when you get home okay para hindi ako mag-alala.” Ani Cham then Ellsworth kiss her gently.

“Opo Mrs. Benavidez I’ll go ahead. I love you baby.” Nagpaalam na si Ellsworth. Hindi muna pumasok si Cham talaga hanggat hindi na makita ang kotse sa paningin niya.

Papasok na sana siya ng may humigit sa braso niya.

“Cham” bulong nito.

Napasapo naman si Cham sa dibdib niya akal niya kung sino na ang nasa likod niya.

“Brandon kakainis ka ang lakas ng tibok ng puso ko grabe ginulat mo” inis na singhal nito sa binata.

“Sorry hindi ko sinasadya  na gulatin ka.”

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now