Prologue

7.6K 118 17
                                    

Prologue.

---

"ayun habulin niyo! putcha! malilintikan tayo nito kay boss kapag nakatakas yan!" rinig kong sigaw ng isa sa mga kalalakihan na humahabol sa akin. mas binilisan ko pa ang pag takbo kahit halos kapusin na ako ng hangin sa subrang pagod.

Letse! ito na ba yung sinasabi nang iba na "takbo hanggat may lupa? langya naman oh! kaninang tanghali pa ako tumatakbo lumubog nalang ang araw hanggang ngayon ito pa rin ako walang tigil sa pag takbo. Marathon ang peg ko ngayon!

Wala bang kapaguran ang mga pangit na'to? buti sana kung mga gwapo o kaakit-akit man lang ang mga humahabol sa akin hindi na ako magkapagod sa pag takbo baka ako pa tumakbo palapit sa kanila kaso nga lang sa kasamaang palad kabaliktaran naman nila iyon dahil talagang mapapamura ka kapag nakita mo sila. mapapamura ka sa inis at galit!

Lumingon ako sa aking likuran at napa mura nga ako nang makita kong malapit na nila akong maabutan. mas binilisan ko pa ang pag takbo at walang pag dadalawang isip na kumaliwa ako nang may makita akong village. sakto naman na may pumasok na sasakyan at naging abala ang mga guard dito kaya naka pasok ako ng hindi nila napapansin. Kumaripas ako ng takbo papasok.

Hindi ko na rin matandaan kong saan ang mga pinasukan ko basta tuloy lang ako sa pag takbo para lang maka takas sa mga uranggutan na yun.

Tumigil lang ako nung hinihingal na ako ng subra. luminga-linga pa ako at napa ngiti nung makita kong wala na yung mga kamag-anak ni Cyclops.

Ang poproblemahin ko nalang ngayon ay ang matutuluyan lalo na't gumagabi na. nasa isang village pa naman ako mga mansyon ang mga nandito at sigurado akong sa hitsura ko ngayon na puro pawis at madungis siguradong walang mag papatuloy sa akin baka pag kamalan pa nga akong budol-budol gang. bakit ba kasi ang dugyot ng hitsura ko ngayon? Kasalanan talaga ito ng mga pangit na yun eh!.

"Sayang di tayo naka pasok. subrang gwapo at yummy pa naman ng magiging boss natin. kahit wala na sanang suweldo ayos lang basta araw-araw ko lang masilayan ang kaniyang yumming katawan" napa tingin ako sa aking gilid dahil sa aking narinig at nakita ko ang tatlong babae doon na kakalabas lang sa gate ng isa sa mansyon na ilang hakbang lang mula sa aking kinatatayuan. nag ka gulo ang mga ito na parang mga bulati na kumikiwal-kewal ang pwet. Napa ngiwi ako nung mapansin ko ang kanilang mga suot. dahil walang pinag-kaiba sa panty at bra ang mga suot ng mga ito ngayon.

"Oo nga eh! bakit ba kasi ang sungit ng pesting gurang na yun! akala mo siya ang boss dito!" naka busangot na sabi nung isa.

Doon na ako humakbang palapit sa kanila.

"Ahm. mga miss anong meron sa loob ng mansyon na iyan?" kaagad silang bumaling sa akin at hinagod nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. muntik ng tumikwas ng ilang pulgada ang aking kilay dahil sa ginawa nila.

"Nag hahanap sila ng kasambahay. pero wag ka ng mag tangka miss. ang dugyot at pangit mo hindi ka papasa" pabalang na sabi nung isa at walang sabi-sabi nila akong iniwan doon na laglag ang panga sa tinuran nung isa.

Aba't gaga yun ah! ako? Pangit? ano nalang kaya sila? At teka..kasambahay pala ang inaaplayan ng mga yun? Akala ko dancer, mukha kasi silang GRO sa isang club sa hitsura nila.

Hindi ko nalang pinag tuunan ng pansin ang mga iyon dahil ang higit na kailangan ko ngayon ay ang matutuluyan ayaw kong mag pa laboy-laboy sa kalye.

Lumapit na ako sa gate na nilabasan nung tatlong hipon na kinapos sa tela at kaagad na akong nag doorbell.

Hindi nag tagal bumukas iyon at dalawang naka busangot na guards ang bumungad sa akin. pero kaagad din silang napa nganga ng makakita sila ng taong grasa oo sa ayos ko ngayon wala akong pinag kaiba sa taong grasa ang dugyot ko!

INDAY NG BUHAY KO Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang