INBK 17:

1.6K 40 1
                                    

05-07-2020

Chapter 17.

"Aray!"

Napa igtad ako sa biglaang pag daing ni jett nang hindi sinasadya ay naidiin ko ang hawak kong bulak na may alcohol sa sugat niya na nasa gilid ng kaniyang mga labi.

"Sorry" naka tungo kong pag hingi ng paumanhin.

Nandito na kami sa penthouse ni jett at kasalukuyan ko nang ginagamot ang mga sugat at pasa niya. Pareho lang talaga sila ni spike na natamong mga sugat at pasa walang lumamang!

"Are you okay?"

Nag angat ako ng tingin sa mukha ni jett at sumalubong sa akin ang malamlam niyang mga mata at ang nang aarok niyang titig. tila pilit niyang binabasa ang kung ano ang tumatakbo sa aking isipan.

Napa lunok ako. dahil mula nang pagdating namin dito ay ngayon ko pa lang nagawang salubungin ang kaniyang tingin. hindi na rin namin napag-usapan pa ang mga nangyare doon sa gazebo ni JK pero tila nag pakirandaman naman kami kung sino ang unang magbubukas tungkol doon. Kahit pa maraming katanungan ang gumugulo sa aking isipan ay mas pinili ko nalang na magsawalang kibo.

"Ha?" Tanging nasambit ko.

"You were so quiet, what are you thinking?" Nananantiya niyang tanong.

Mabilis akong nag iwas ng tingin hindi ko kayang salubungin ang nakakapaso niyang titig na tila nanunuot sa aking kaibuturan.

"Uh--wala"

Mahina kong sambit habang patuloy lang ako sa marahan na pag dampi ng bulak sa kaniyang sugat at agad din na natigilan nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

"I know something is bothering you Leigh, now tell me what it is" pagpupumilit niya.

Umawang ang aking mga labi habang nanatiling nakatitig sa kaniya. agad namang bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi kaya agad kong itinikom iyon.

"Leigh.." untag niya sa pagkakatulala ko.

Napa lunok ako sa iba't ibang pakiramdam,

"Uh--kasi-ano t--"

"Yung kanina ba? Sa mga sinabi ko?" Putol niya sa sinasabi ko sa  deretsahang tanong.

Napa tigagal naman ako dahil doon, nasapol niya ang kanina pang gumugulo sa akin.

"Kaya ba kanina ka pa tahimik?" Dagdag pa niya.

Napa tungo ako, hindi alam ang sasabihin at gagawin pero muli lang din nag tagpo ang aming mga mata nang bigla niyang hinawakan ang aking baba at marahang iniangat ito.

Mataman niya akong tiningnan at kapagkuway puno ng pagsuyo niya akong nginitian. Dumadagundong ang aking dibdib sa lakas ng hampas nito dahil sa ngiting iyon.

"Come here" aniya na hindi ko naman lubusang naunawaan at bago pa ako makapagtanong ay mabilis niya na akong nahila at naiangat at natagpuan ko nalang ang aking sarili na naka upo na sa kaniyang kandungan!

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paninigas ng aking katawan dahil sa pagkabigla. Kahit ilang beses na niya itong ginawa sa akin na mas malala pa nga dito ay hindi pa rin ako nasasanay.

Napa tingin ako sa bulak na kanina lang ay hawak ko pa pero ngayon ay nasa sahig na! Samantalang ang mga kamay naman ni jett na naka hawak lang sa gilid ng aking baywang kanina ngayon ay unti-unti nang gumagapang patungo sa aking tiyan at parang isang baging na pumulupot doon ang kaniyang matitiponong braso.

"Now that you're in the right place, answer me properly and honestly.  What's bothering you?"

Mariin niyang bulong sa aking tenga na nag hatid ng kakaibang kiliti sa akin, kasabay naman ng pag dantay ng kaniyang baba sa aking balikat, nag tayuan ang aking balahibo pero nagawa ko pa ring ipaling pakabila ang aking ulo para bigyan siya ng laya sa kaniyang ginawa.

INDAY NG BUHAY KO Where stories live. Discover now